CHAPTER 85

776 19 1
                                    

STARLY'S POV

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan si Hubby habang nagdridrive. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon, hindi ko agad sinabi na pupunta kami kila daddy at sa step mom ko. Pero pinagpipilitan niya talaga na magdadate kami. Eh wala naman ako sinabi aalis kami para sa date. Shunga lang.

"Mommy mabait po ba sila" Napabaling ang tingin ko sa nakaupo sa kandungan ko. Nakatingala siya habang kumakain ng Ice cream na binili ko para sa kanya.

"Oo naman sobra" nakangiti wika ko. Marahan ko hinaplos ang itim niya'ng buhok.

Ilan oras ang lumipas nang makarating kami sa mansyon ng daddy ko at ng stepmother ko na si Amanda. Agad kami pinagbuksan ni Hubby para makalabas sa kotse . Hanggang sa napahinto ang paningin ko sa babaeng may katandaan na habang
nagdidilig ng halaman. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko nang maramdaman ko ang mainit na palad na dumadampi sa palad ko, napatingin ako sa asawa ko. Nakangiti siya'ng nakikipagtitigan sa akin.

"Lola!! " Nagulat nalang ako ng kumawala sa hawak ko ang anak ko at pagtakbo lumapit kay Amanda. Bakas ang pagtataka niya habang pinagmamasdan ang anak ko nakayakap sa kanya. Mahinang tumikhim si Raiko at nakaagaw yon ng atensyon niya. Nanlaki ang mga mata niya'ng napatingin sa akin.

"S-starly! I-ikaw ba yan" maluluhang lumapit siya sa akin. Nagulat ako ng bigla niya ako niyakap. Yong yakap na namiss ko. Hindi ko alam kong bakit bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Malaki ang galit ko sa kanya subalit ang yakap ng isang ina ay hindi ko mapigilan ang paghaplos nito sa akin puso.

"Maupo muna kayo, may gusto ka bang kainin o inumin, sandali ipaghaha--"

"Maupo ka muna" walang emosyon ko wika. bigla siya'ng natahimik at dahan dahan naupo.

"Bakit hindi mo binalitang buhay ka" si dad ang seryoso niya'ng boses ang nagpaangat ng tingin ko sa kanya. Ang gusto niya ibalita ko pa sa tv?

"Magastos lang kong ibabalita ko pa" Malakas siya'ng napabuntong hininga at sa hindi ko inaasahan ang paggulo ng buhok ko! Sinamahan ko ng tingin ang tatay ko ng biglang humarang sa harapan ko ang asawa ko. Napataas ang isang kilay ko dahil sa ginawa niya.

"Wifey hehehe, tara d-dad iwan muna natin sila "

Bumaling siya ng tingin sa anak namin "let's go Moonly, gusto mo gumawa tayo ng ice cream?" Tuwang tuwa humiwalay si Moonly sa akin mga kamay. Nakangiti pinagmamasdan ko ang mag-ama ko naglalakad patungo sa kusina kasama si Dad.

"You look happy"

"Yes I am"

"Kong buhay lang ang mommy mo she was be proud of you like i was be" wala sa sariling napatingin ako sa kanya.

"You've never hated me?" Nagaalangan ko tanong, napakunot ang noo niya.

"Why should I?".

"Dahil sa akin nawala ang nagiisang anak mo" Seryoso ko wika subalit huminga lang siya ng malalim

"No don't say that, wala kang kasalanan sa pagkawala ng kapatid mo biktima ka din katulad niya, kong may dapat sisihin ay yong taong gumawa sainyo nito ang walang pusong nagpasabog ng hospital" malungkot niya'ng wika.

"Kasalanan ko dahil ako at ang anak ko lang ang nabuhay" napayuko ako hindi ko magawang magangat ng tingin nang dahil sa akin nawala ang nagiissa niya'ng anak.

"Masaya ako dahil buhay kayo, at kong nandito ang kuya mo alam ko magiging masaya din siya. Wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi ikaw ang may kasalanan tanggalin mo yong bigat na nagpapahirap sayo Starly" Marahan niya'ng hinaplos ang buhok ko.

"Hindi mo alam kong gaano mo ko napasaya na malaman na buhay ka wala na ang kuya mo subalit narito ka kasama ang anak mo ang mas lalong nagpapawi ng lungkot ko.

"I'm sorry for not giving you chance to be a mom to me, when I'm not suffering amnesia" nahihiyang wika ko.

"Don't be sorry, tanggap ko yon dahil nanira ako ng pamilya " mabilis ako napailing ng tingin.

.
"Sinabi sa akin ng isang matalik na kaibigan ni mom na alam niya ang relasyon niyo ni dad, at alam ko sumangayon ka sa kagustuhan niya na magpanggap na pinsan ko si Kuya zach" huminga ako ng malalim para pigilan ang luha gusto kumawala sa mga mata ko.

"Starly...."

"Masaya na ko ngayon dahil may asawa ako na kaya ako mahalin at tanggapin ang nakaraan ko  kasama ang anak namin napapasaya sa amin at kong ano meron ako ngayon wala na ko mahihiling pa" wika ko habang pinagmamasdan ko sa di kalayuan ang mag-ama ko.

Bumaling ako ng tingin sa kanya "Pinapatawad ko na si Dad at ikaw, and I want you to be part of my family Tita Amanda or i call you mommy?" Nakangiti niyakap niya ako ng mahigpit

"Thank you, thank you Tala" naluluhang binawian siya ng yakap.


"Wifey, Tita gumawa ng ice cream ang munti nating anghel" Si Raiko habang karga karga si Moonly na puno ng ice cream ang bibig. Magkasalubong ang kilay nito.

"Daddy angel na po ba ako?"

Mahinang natawa si Mommy Amanda "Angel dahil isa ka sa nagiging dahilan kong bakit lumiwanag muli ang mundo namin"

"Diba ilaw po yon?"

Malakas silang tumawa dahil sa wika ni Moonly tama naman ang anak ko ah ilaw talaga ang nagpapaliwanag.

"May pinagmanahan ang batang to" wika ni Mommy Amanda at lahat sila ay napalingon sa akin. Napataas ang isang kilay ko nang  sabay sabay pa sila natawa tssk.




My Innocent Wife Is A Pervert [COMPLETED]Where stories live. Discover now