CHAPTER 75

555 17 10
                                    

KAIDEN'S POV

Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang nanatili ako nakaupo sa mahabang sofa. Kakarating ko lang galing japan inasikaso ko talaga ang lahat para makauwi kaagad ako sa pinas, para masilayan ko muli si Tala. Malakas ako nabuntong hininga habang nakatitig sa orasan. Napatayo ako at hindi mapakali. Ang sabi sa akin ni Zyron may mahalagang inaasikaso si Tala kaya malalate sila ng uwi. Pero hindi ko parin maiwasan ang excitement na nararamdaman ko.

Hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nakangiti bumaling ako ng lingon ng masilayan ko ang mukha ni Tala. Subalit unti unti tong nawala ng masilayan ko ang kabuohan niya may bandage ang gilid ng noo niya meron din siya'ng galos sa mukha niya nag-aalala humakbang ako papalapit sa kanya.

"Tala, what happened to you!? are you al--" naiwan sa ere ang sasabihin ko nang bigla niya ko malakas na sinampal ramdam ko ang hapdi ng pisngi ko. Gulat ako napatingin sakanya. Tilla ba nagliliyab ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"Totoo ba" malamig pa sa yelo ang boses niya . Wala ako kahit anong mabasa sa emosyon niya. Nalilito ako sa sinsabi niya.

"Tala ano bang---"

"Totoo ba!" Umugong ang sigaw niya sa buong silid. Gulong gulo ako hindi ko siya maintindihan. Nakakunot parin ang noo ko. Habang nakikipaglaban ng tingin sa kanya.

"Totoo bang! buhay ang anak ko!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ito na ba ang araw na kinakatakutan ko? ito na ba ang iniiwasan kong mangyayare. Ang malaman niya ang lahat.

"Tala..." Hinawakan ko ang kamay niya pero marahas niya itong binawi at hindi ko inaasahan ang pagtutok niya ng baril sa akin.

"Sagutin mo ko, totoo bang anak ko si Ameirha! totoo bang binigay mo ang anak ko kay Allison " Napatitig ako sa mga mata niya'ng tuluyan ng lumuha.

"I'm sorry" Wari bang yon lang ang salita kaya bawasan ang sakit na nararamdaman niya. Buong kala ko kapag inilihim ko ang lahat may pagkakataon pa rin ako maging parti ng buhay mo.

"Alam mo kong paano ako nangulila sa anak ko! Alam mo nahalos ikamatay ko sa tuwing iisipin ko na wala na siya! Walang araw o buwan na hindi ko hiniling na sana ako nalang! Halos kamuhian ko ang lahat!" Tuluyan na siya'ng bumigay humagugol siya ng iyak . Kasalanan ko lahat kasalanan ko.

"Kamuntikan ko pa mapatay ang sarili ko anak"

"I'm sorry.... I'm sorry ginawa ko lahat ng yon dahil mahal kita tala... Mahal kita" hindi ko mapigilan ang pagluha ko. Gusto ko lang naman na mahalin niya ako.

"Yon lang nakikita ko paraan para mahalin mo naman ako. Ayoko na bumalik ka pa kay Raiko hindi ko kaya Tala hindi ko kaya patawarin mo ko dahil minahal kita" humagugol ako sa harapan niya. Wala na ko pakialam kong magmukhang kawawa ako sa paningin niya.

"Minahal? Ganyan ba ang paraan ng pagmamahal mo? Ang maging masaya ka habang nasasaktan ako? Ganon ka ba magmahal! Wala ka din pala pinagkaiba sa kapatid mo " puno ng hinanakit na wika niya. Wala ako makita sa mga mata niya kundi ang pagkamuhi.

"Tala..."

"Umalis kana at wag na wag kana magpapakita sa akin. Dahil kapag lumitaw ka pa sa landas ko hindi ako magdadalawang isip na patayin ka" huling sinabi niya bago niya ako talikuran. Subalit gusto ko pa siya makausap gusto ko pang magpaliwanag sa kanya.

"Tala ....Tala---"

"Umalis kana kong ayaw mong kaladkarin pa kita palabas" wika ni Zyron wala ako magawa kundi titigan ang papalayo likod ni Starly.

Wala sa sariling humakbang ako papalabas. Wala ako maramdaman kundi sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam kong saan ba ko dadalhin ng mga paa ko. Hindi maibsan ang pagtulo ng mga luha ko. Triple ang sakit na kamuhian niya ako kesa sa hindi niya ako kayang mahalin. Bakit ko ba nagawa ang bagay na yon. Natatakot lang naman ako mawala siya. Natatakot ako kapag nalaman niya ang lahat mababaliwa nalang ako sa kanya. At nangyare na nga. Kinamumuhiyan niya na ko.



My Innocent Wife Is A Pervert [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang