Chapter 15

1.8K 84 1
                                    

Heaven

"Mama! Wake up, mama!"

Kahit nakapikit ay ramdam ko ang pagtalon nito sa kama. Hay Hea, big girl ka na talaga. 

"Mamaaaa!"

"Good morning, baby." Bati ko sa kanya kahit nakapikit pa. Hinalikan ako nito sa mga mata kaya napamulat na ako. Cute na mukha nya ang nabungaran ko. My little Hea is a cutie. 

"Mama! I saw horses! Lot of big horses!" Nanlalaki pa ang singkit na mga mata nito. 

Napabangon ako dahil sa sinabi niya. Kung ganon ay kanina pa sya gising? Bakit hindi ko naramdaman? Ngayon ko lang nakita si Heather na nakatayo sa may pinto. She was wearing a xlong sleeve polo and black jeans. Nakaboots pa ito. Nakatali rin ang buhok nito. Minsan ko lang makita si Heather na nakatali ang buhok. 

"Good morning." Nakangiting bati nya sakin. "Nagpahanda ako ng breakfast."

Bakit ang aga naman magising ng dalawang ito? Ni hindi ko man lang naramdaman na bumangon sila? Sa bahay kasi ay sa kama ko rin natutulog si Heather. Syempre nasa gitna namin si Hea. Alam ko kapag matutulog na sya at kapag babangon na sya. Pero bakit dito sa probinsya ay hindi? O siguro nnapagod lang ako sa byahe papunta dito.

Nakakailang ang mga titig ni Heather. Kung makatitig kasi ito ay parang hinuhubaran ako. Maayos naman ang suot ko. Never naman nagsuot ng lingerie sa pagtulog. Lagi lang malaking tshirt. Yun nga lang, hindi talaga ako nagsusuot ng bra kapag matutulog na. 

"Maliligo lang ako." Mahinang sabi ko. 

"Hurry, mama. Wait ka namin ni mommy!" Humalik pa ulit si Hea sakin bago tumakbo papunta kay Heather. Nagpabuhat pa. Jusko, big girl na sya pero pahihirapan pa nya ang isa. 

"Bilisan mo, Heaven. Pupunta tayo sa manggahan." Sabi nito at hindi na ako hinintay ns makasagot. .

Paglabas ng dalawa ay nagmadaki akong nagtungo sa banyo. Ito rin ang kwartong ginamit ko noong nagpunta kami dito. Pagkatapos maligo ay ginaya ko ang suot ni Heather. Maliban sa boots syempre. Imbes na boots ay sneakers ang suot ko. Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko ang dalawa sa kusina. Umiinom ng gatas si Hea. At si Heather naman ay tsokolate. Ang alam ko ay wala syang dinalang kahit na anong tsokolate. 

"Let's eat?" Alok nito na itinaas ang baso ng tsokolate. Tumabi ako sa kanya. Konting fried rice lang ang nasa plato nya. Mas marami ang prutas. Buti naman at matino si Heather ngayon. Hindi mapang asar at hindi makulit.

"Isasama ba natin si Hea sa manggahan?" Tanong ko. Hindi pa talaga ako nakarating dun. Kahit nga yung ibaba ng cliff ay hindi ko pa napuntahan eh. Sabi ni Sky maganda daw. Yung beach palang ang narating ko dito at yung mismong taas ng cliff.

"Bakit naman hindi?" Takang tanong nya. "Gusto mo ko masolo ano?"

Inirapan ko lang sya. Nagtatanong ako ng maayos eh. "Baka kasi mapagod ang bata. Hindi pa naman sya sanay sa mahabang paglalakad, Buti sana kung ikaw ang magbubuhat sa kanya." 

"Isama na natin para naman makapasyal sya. Gusto nya rin makasakay ng kabayo eh."

"What? Hindi pwede!" Tutol ko agad. Baka mahulog pa si Hea! Buti sana kung marunong sya. Eh alam ko hindi sya marunong kasi lampa sya! "Wag mo ngang ipapahamak si Hea." Nakasimangot na sabi ko.

"Mama gusto ko horse?"

"No, Hea ah? It's dangerous." 

"Gosh, Heaven. You're so strict." Umiiling na sabi nalang nito. Tumayo ito. "Hihintayin ko kayo sa labas ha."

Greatest Love Of Heaven (GirlxGirl)Where stories live. Discover now