Chapter 19

1.8K 90 0
                                    

Heaven

"Heather."

"Yes? What's wrong?" Nagmamadali syang lumapit sakin. 

Nandito pa rin kami sa hospital. Bakit parang mas sumama yata ang pakiramdam ko? "Where's Hea?" Tanong ko. Medyo dumidilim na.

"Inuwi ko muna, nandun na rin naman si Sky." Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan. "May masakit ba sayo?" 

Umiling lang ako. "Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Tomorrow, sabi ng doctor mo. Are you hungry?"

"I want to go home, Heather. Akala ko ba check up lang? Bakit inabot na tayo ng gabi? Just because we had sex?" Binawi ko yung kamay kong hawak nya. Nakakainis kasi. Marami naman nakikipag ano dyan pero hindi sila nagpapa ospital. Grabe naman. "Kasalanan mo lahat to!"

"My love-"

"Don't call me that." Masungit na saad ko. "Iuwi mo na ako." Utos ko.

"Hindi pa nga pwede sabi ng doktor. Bukas pa daw." Seryosong sabi niya pero iba ang kislap ng mga mata. "Magpahinga ka muna para naman maulit natin ang nangyari kagabi-aray! Heaven naman eh!" Reklamo nito, Tinapik ko kasi ang bibig.

"Walang mauulit!" Namumulang sigaw ko. Bastos na to! Sa gulat ko ay mas lalo pa syang lumapit, naupo sa gilid ng kama at niyakap ako. 

"Ilang taon ko kayang hinintay yun." Saad nito habang masuyong hinahaplos ang buhok ko. Hindi pa nakuntento at hinalikan pa ako sa ulo. "Binabaliw mo ko, Heaven."

"Umuwi na tayo, Heather." Mahinang pakiusap ko sa kanya. "Please?" Hindi talaga ako komportable dito. Mas gusto ko nalang na sa bahay ako magpapahinga.

"But-"

"Promise uulitin natin yung kagabi. " Nasabi ko. Kainis kasi hindi mapakiusapan eh. Biglang nagliwanagbang mukha nito at lumawak ang ngiti..

"Okay, my love." Eh?! Ganon lang kadali? Ay leche. Tumayo ito at inayos ang buhok kahit hindi naman magulo. "Kakausapin ko lang ang doktor mo." Hindi na nya ako hinintay makasagot pa. Nagmamadali itong lumabas ng kwarto.

Nang maiwan ako ay napatingin ako sa labas ng bintana. Madilim na ang kalangitan. Naalala ko ang huling beses na naospital ako. Yun yung time na iniwan ako ni Heather. Many years ago. Ang pinagkaiba lang, kasama ko sya ngayon. 

Tama na siguro ang ilang taong nasayang. We have a daughter. And we're married. Wala na ring kwenta kung magmamatigas pa ako sa kanya. Hays. 

Pagkatapos kausapin ni Heather ang doktor ay lumabas na rin kami. Jusko pakiramdam ko lalo akong magkakasakit kapag nasa ospital ako. "Si doktora pala?" Tanong ko. Naalala ko na kasabay ko nga rin pala sya. "May sakit pala si doktora kaya siguro naka-leave sya."

"Yeah. Nandun pa sila ni Destiny." Sagot nito habang nakatuon ang atensyon sa daan. "Her girlfriend is handsome. I thought she's a guy." 

"Oo nga eh. Kung pagmamasdan mong mabuti ang katawan malalaman mong babae talaga. Pero kung sa mukha ka lang titingin, talagang lalaki eh." Pagsang ayon ko. 

"I was really surprised." Umiiling na sabi nito. "Snob yan si Shannon, at nakaka intimidate ang aura parang si Chelsea. Kaya talagang nagulat ako nang sabihin nyang may girlfriend sya. Gosh, walang interes sa kahit sino yun eh."

Halata nga. Maliban nalang siguro sa mga bata. Magiliw kasi sya sa mga bata eh. Kaya siguro nagpediatrician sya. 

Nang makarating kami sa bahay ay tulog na daw si Hea sa kwarto ni Sky. Nagtaka pa ito kung bakit ako nagpa ospital. At syempre ayokong sabihin ang dahilan ano! Teka, si Sky nga di nagpa ospital eh. Napaka OA naman nitong Heather na to. Dumiretso agad ito sa banyo pagkatapos. 

Greatest Love Of Heaven (GirlxGirl)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora