Chapter 10

1.9K 99 9
                                    

Heaven

"Chelsea, Please pakihatid ako sa office ni Heather." Mahinang pakiusap ko kay Chelsea habang minamasahe ko ang sentido ko. Medyo nahihilo pa ako. Pero ayokong magsayang ng oras. Gusto kong makausap si Heather.

"Okay."

Ayaw naman sabihin sakin ni Chelsea kung ano ba talaga ang nangyari kay Heather. Ang sabi lang nya, kausapin ko daw. Talagang kakausapin ko sya, gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Pagtigil palang ng sasakyan nya sa tapat ng building ay bumaba na ako at may pagmamadaling lumakad papasok.

"Heaven, wait!" Narinig kong sigaw nya kaya naman binagalan ko ang paglalakad hanggang sa makasabay sya.

Hanggang sa pagsakay ng elevator ay kinakabahan ako. Ayokong makatanggap ng bad news ngayon. Sana busy lang talaga si Heather kaya hindi sya nakasunod agad. Matatanggap ko yun. Pero hindi ako susunduin ni Chelsea sa Pilipinas kung hindi ito importante. Pagdating namin sa 36th floor ay lalong tumindi ang kaba ko.

"Relax, I'll wait here." Sabi ni Chelsea na sumandal sa gilid ng pinto ng office ni Heather. "Goodluck."

Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya bago tuluyang binuksan ang pinto ng office ni Heather at pumasok sa loob. Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang labis na pagkagulat sa magandang mukha nya. Hindi lang basta pagkagulat, kundi pati takot. Tumayo ito at dahan dahang naglakad papalapit sakin.

"H-Heaven.." Tumigil sya ilang dipa ang layo sakin. "What.. are you doing here?" Mahinang tanong nya.

"Talagang yan ang itatanong mo sakin, Heather?"

"Heaven.."

"Ano bang nangyayari? Bakit hindi ka sumunod samin? Hindi ka man lang tumawag.."

"Maupo ka muna.." Lumapit sya at hinawakan ako sa braso. Marahan nya akong hinila paupo sa couch dito sa gitna ng office nya. "I'm sorry.." Nakayukong sabi niya.

Okay. Nagsosorry lang sakin si Heather kapag alam nyang malaki ang kasalanan nya. Kaya lalo akong kinabahan.

"Si mommy.."

"What about your mom?"

"Nung nagpakasal tayo eight years ago, alam nya yun, Heaven.." Mahinang sabi nya na ikinagulat ko. "Kaya ilang oras lang matapos tayong ikasal ay pinasundo nya ako sa mga bodyguards nya."

"And..?"

"Alam mong kagustuhan ko na pumayag sa gusto nya na mag-aral dito Heaven. Bata pa ako nun kaya sinusunod ko ang mga gusto ni mommy.." Pagkwento nya. "Nung umuwi kayo ng Pilipinas, saktong bumalik si mommy and daddy dito."

Bakit may palagay ako na hindi maganda ang pupuntahan ng pag uusap namin ngayon?

"Heaven, I'm really sorry.."

"Sabihin mo sakin kung bakit ka nagso-sorry.."

Pero nanatili lang syang tahimik. Hindi nga sya makatingin sakin.

"Heather, nagkamali na naman ba ako sa pagbibigay sayo ng chance?" Familiar itong nararamdaman ko. Kelan ko ba huling naramdaman to? Ah. Eight years ago.. "Gagawin mo na naman ba ang ginawa mo dati?"

Greatest Love Of Heaven (GirlxGirl)Where stories live. Discover now