Chapter 2

2.5K 105 3
                                    

Meet Heather Reiss Saavedra ^^^

Heaven

Alas tres ng madaling araw ay nandito na si Dana. Susunod kasi kami sa villa ni Winter sa Quezon. Kahapon sana kaso umuulan naman. Kaya naman ngayong madaling araw kami aalis. Gusto ko din naman kasing makita kung gano kaganda dun. Pangarap ko pa namang makapunta sa mga ganung lugar.

"Magkape ka muna. Baka inaantok ka pa eh. Ayokong maaksidente."

"Hindi na! Makita lang kita eh gising na gising na ko eh." Nakangiting sab niya. "And don't worry, kapag ikaw ang kasama ko maingat ako magdrive!"

"Ok." Walang emosyong sabi ko. Nauna na din akong sumakay sa kotse niya. Sumunod din nama sya.

"Ang tipid naman ng sagot mo Heaven. Grabe grabe!"

Isang tipid na ngiti lang yung binigay ko sa kanya. Natatawang nagsimula na syang magdrive. Sanay na siguro sya sa ganitong ugali ko. Wala eh hindi ko naman gustong maging manhid eh. Dana is really kind. She's really something..

---

My sister Sky is right. This villa is a paradise! Nasa daan palang yung kotse namin ay napakaganda na. Puro berde ang nakikita ko! At nung makarating kami sa bahay ay lalo akong namangha. Hindi mo akalain na sa gitna ng mala-paraisong lugar na ito ay nakatayo ang napakagandang mansyon! Sinalubong kami Winter at Sky. Share kami ng kapatid ko sa room. Ayoko nga mag isa sa solong kwarto at baka may multo. Kahit itong kwarto nya ay napaka ganda. Nakatanaw ito sa dagat. Ang sabi Sky meron daw cliff dito. At gusto kong makita yun!

Ang sabi ni Winter ay may kasiyahan daw dito mamayang gabi. Advance celebration para sa birthday niya. At ang daming pagkain! Kaninang hapon nga ay napuntahan na namin yung cliff and sobrang ganda! At ngayong gabi ay ay narito lahat ng mga tauhan niya kasama ang mga pamilya nito para makisaya. Buhay na buhay ang villa ngayon.

Nag iihaw ako ng karne ng lumapit sakin si Dana. "Kanina ka pa nag iihaw. Tara join us. Umiinom kami dun." May dala itong baso. At naaamoy ko na yung alak sa kanya.. Tsk.

"Masaya ako sa pag iihaw. Tigilan mo na yang pag inom mo. Amoy alak ka. Yuuuck."

"Eh?!" Inamoy naman nya yung sarili nya. "Hindi naman ah."

"Mag enjoy ka lang dun Dana. Hayaan mo nalang ako dito."

"Nah. Samahan nalang kita dito." Sabi niya at mas lumapit pa sakin. Nakikialam na din sya sa iniihaw ko.

"Maiinip ka lang dito wala ako sa mood makipag usap."

"It's okay. Sanay na ko sayo noh. Kahit di mo ko kausapin ok lang basta kasama kita."

Napabuntong hininga ako. "Ikaw ang bahala." Hays. Minsan gusto kong pagalitan ang sarili ko. Alam ko kasing may nasasaktan akong tao. Hindi ko nga alam kung san humuhugot ng tibay ng loob si Dana para pagtyagaan ako eh. Sana lang kaya kong suklian lahat ng ginagawa niya. Sana lang..

---

"Yay ang lamig!" Sigaw ni Dana. Maaga palang kasi ay narito na kami sa beach. Napakalinaw ng tubig! Isasama ko pa sana si Sky kaso antok na antok pa. Susunod nalang daw sya.

Pagkahubad ko ng damit ay lumusong na ko sa tubig. And she's right. Napaka lamig nga ng tubig. Lumangoy ako palapit sa kanya. "My gosh magkakasakit tayo sa sobrang lamig ng tubig!"

"Nakakatanggal ng pagka manhid yan Heaven..hahaha!"

"Baliw!" Natatawang sinabuyan ko sya ng tubig na ikinagulat nya. "Sorry hahaha!"

"Ah ganon sige!" Parang bata syang gumanti sakin. Parang hindi na nga kami nakapag langoy. Wala kaming ginawa kundi ang mag asaran at maglaro.

At nung medyo tumataas na ang sikat ng araw ay umahon na kami. Nung malapit na kami sa bahay ay napansin ko yung pulang sports car. May bisita yata si Winter. Natatanaw ko na din sina Sky sa balkonahe ng villa at may kausap sila ni Winter. Hindi ko makita ang itsura kasi nakatalikod ito. Pero parang kinabahan ito hindi ko alam kung bakit.

Greatest Love Of Heaven (GirlxGirl)Where stories live. Discover now