Kabanata 40

1.8K 90 24
                                    

Kabanata 40
Baliw

Hindi ako papayag sa napakadaming dahilan.

Una, dahil bata pa ako at may pangarap na gustong tulungan ang pamilya. Pangalawa, takot sa sasabihin ng mga tao laban saakin. Alam kong iisipin nila na pera ang habol ko lalo na't mayaman ang kaniyang pamilya. At ang panghuli, hindi ako sigurado kung sigurado ba talaga siya saakin nung mga panahon na iyon.

Tahimik kong pinanuod ang pagtalikod niya at unti-unting paglayo saakin pagkatapos nun. Nawalan ako ng lakas kaya't bumalik ako sa pagkaupo, inisip ang aming napag-usapan.

Bakit niya bigla naisip ang kasal? At ang pagbanggit niya sa apelyido ko, bakas sa kaniyang mukha ang pagkamangha. Teka, iniisip niya bang kasal na ako?

Natigilan ako dahil maari niya nga maisip 'yon. Kilala niya ako bilang Mireya Alice Viorel bago ako umalis sa La Puerto. Walang nakakaalam sino man hindi ako tunay na Viorel, mismong ako nga ay hindi. Tanging si tatay at nanay lang.

Inusisa ako ni France nang makabalik ako sa loob at tinanong tungkol sa naging usapan namin ni Callisto at sinabi ko naman ang totoong sadya. Kaya lang, parang may gumugulo sa isipan niya.

"Magkakilala ba kayo nun? Para kasing magkakilala kayo eh. Tapos alam pa pangalan mo.." Napatikhim ako at inabala ang sarili sa pag mop ng sahig kahit kitang-kita ko ang repleksyon dahil sa linis neto.

"Baka nabanggit ni Sir Blancia ang buong pangalan ko?" Hindi ko alam kung bakit patuloy kong tinatanggi na magkakilala nga kami ni Callisto.

Siguro natatakot ako sa susunod na itanong ni France kapag umamin ako. Katulad ng saan kami nagkakilala? Naging magkaibigan ba kami?

"Hmm, iba kasi pagkatawag niya sa pangalan mo. Parang kilalang-kilala ka!" Giit ni France na kinatahimik ko na lamang. Napansin niya iyon kaya't mas lalo siyang naintriga at tinanong ako ng kung anu-ano tungkol kay Callisto.

"Taga saan ba si Mr. Galves?"

"Hindi ko alam." Mabilis kong sagot.

"Weh? May kinuwento samin si Dale eh. Parang kilala mo daw yung girlfriend ni Mr. Galves?" Nangapa ako ng sasabihin at malalim na nag-isip kung paano makakalusot.

"Naging.. client ko kasi girlfriend niya dati." Tumaas ang isang kilay ni France sa narinig at napatango-tango, mukhang hindi naniwala sa sinabi ko.

Nakahinga na sana ako ng maluwag dahil hindi na muli ako kinulit ni France sa mga nagdaang araw tungkol kay Callisto kaso bigla pumunta sa museum si Callisto.

"Napapadalas ata iyong client ni sir." Kumento ni Roy ng madatnan namin si Callisto papasok sa office ni Mr. Blancia.

Awtimatikong napatingin saakin si France. Hindi siya nagsalita pero ramdam kong inoobserba niya ang aking reaksyon. Mabuti na lang talaga at madaming tao sa museum kaya't hindi niya ako makausap ng maayos.

Tska lang kami nagkita at nag-usap ni France ng maguuwian na at laking pasasalamat ko na hindi na niya ako inusisa pa. Mukhang nakaalis na rin naman si Callisto.

"Tara kain muna tayo! Nagccrave ako sa kwek-kwek!" Ani France habang nag-aayos kami ng aming mga gamit. Hindi na ako umapila dahil malapit lang naman ang bilihan ng mga street foods. Hindi naman siguro kami magtatagal kaya't tumango ako. Unang beses akong sasabay sakanila dahil maaga kong nalaman hindi ako masusundo ni Teto kaya't sasakay ako ng bus.

"Guys," Tawag ni Roy saamin. Galing kasi siya sa office ni sir Blancia para magpaalam na uuwi na kami. "Huwag daw muna umuwi sabi ni sir, treat nya daw tayo! Kakain sa labas!" Napatalon si France sa tuwa at pinupulot ang braso sa akin.

Galves #2: Taming the Wild WindWhere stories live. Discover now