Kabanata 48

1.9K 91 21
                                    

Kabanata 48
Thank You


Mahigpit ang pagkahawak niya sa aking kamay habang papunta kami sa ospital.

Para bang nagbago ang lahat pagkatapos namin mag-usap ng maayos. Tila kumalma ang lahat at kahit hindi kami nag-uusap ay ramdam ko ang kaginhawaan sa pagitan namin.

"I booked a flight for us. I don't think I can drive that long." Tumango ako at naiintindihan ko ang pagkasabik niyang makita ang anak namin. Kung mag eeroplano nga kami ay mabilis ang magiging byahe.

Tumawag rin ako kay Papa para sabihin ngayon araw ang uwi ko. Wala na siya sa bahay at nasa trabaho na kaya't hindi ko nakausap ang anak.

"Nagkaayos na ba kayo?" si Papa sa kabilang linya.

"Opo. Nasabi ko na po sakaniya." narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Papa at ilang sandali nanahimik. "Oh siya, ipapayos ko kay Amarah ang isang guest room para kung sakali magtatagal ang asawa mo..."

"Pa! Hindi ko siya asawa." Giit ko habang si Callisto ay napalingon sa gawi ko. Kasalukuyan may kausap rin sa kaniyang cellphone ngunit mukhang di nakatakas sakaniyang pandinig ang sinabi ko.

"Hindi pa ba papunta doon 'yon? Aba kung wala pala siya balak hindi ko siya matatanggap sa pamamahay ko." Nasapo ko ang aking noo at nagdesisyon pumunta na lang sa balkonahe dahil hindi ko na kinakaya ang talim ng titig ni Callisto saakin.

"Pa, mahirap pa ipaliwanag ang lahat at ngayon mas gusto kong magfocus lang sa pagkikita nila ni Kalliesya."

Sa daming nangyari at sa mga tanong na nasagot, hindi ko pa naiisip kung ano ang mangyayari sa pagitan namin ni Callisto. Ang mahalaga lang saakin ngayon ay wala ng galit at malinaw na ang lahat.

Hindi lang mawala sa isip ko ang halik niya pero ayoko na lang bigyan ng malisya.

Nang matapos ang usapan namin ni Papa, inaya na ako ni Callisto umalis at pumuntang ospital. Iniisip ko ang trabahong maiiwan pero alam kong ang pinaka mahalaga sa kaniya ngayon ay ang umuwi na kami sa San Santillo.

Naaninag ko na ang establisyamento ng hospital ng tumunog ang kaniyang cellphone. Binalingan niya lamang 'yon at hindi binitawan ang kamay ko.

"Hindi mo ba sasagutin?" tanong ko dahil patuloy ang pagtunog ng cellphone niya. Napairap lamang siya at doon na binitawan ang kamay upang sagutin iyon.

"Callisto!" naka loud speak ang cellphone kaya't nakilala ko agad ang tumawag.

"What is it, Caleb?" Ani Callisto at hinagilap muli ang aking kamay.

"I found out you both check out in my hotel. Are you with her?" Napalunok ako dahil mukhang ako ang tinutukoy ni Caleb.

"Can you just look after your hotel. Stop meddling our life." Hamalakhak si Caleb at hindi man lang nasaktan sa binato sakaniya.

"That's why I like you more when you're drunk. I actually don't like calling you but i'm just really curious when will I meet my niece?" nagkatinginan kami ni Callisto bago niya niliko ang sasakyan sa parking lot ng hospital.

Hindi naman na ako nagulat na nasabi na niya sa mga kamag-anak ang tungkol sa anak namin. Hindi ko lang maiwasan matakot para kay Kalliesya. Ayokong biglain ang anak ko at kailangan ko muna ipaliwanag sakaniya ng paunti-unti.

"I'll just give a call." simple niyang sagot at tinigil na ang sasakyan.

Kinuha niya ang cellphone at linagay na sa kaniyang tenga upang mas makausap ng maayos ang pinsan. Inalis ko naman ang seatbelt at naunang lumabas.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon