Kabanata 10

2.3K 92 14
                                    

Kabanata 10
Pagtatapos

"Bakit mo 'to ginagawa?" Hindi ko na mapigilan itanong dahil naguguluhan ako.

Wala akong alam sa pag-ibig o kung ano man 'yan pero kahit papano ay naiintindihan ko ang pinaparating ni Callisto.

"What?" Asik niya at halatang natutuwa sa nangyayari. Kitang kita ko ang multong ngiti sa kaniyang mukha.

"Okay, okay.." Aniya at hindi na napigilan matawa. Pinilig niya ang kaniyang ulo at tinitigan ako. "You look serious, Mireya.. Chill." Nagtagis ang panga ko sa narinig.

Chill? Minsan lang ako makaramdam ng inis at hindi ako makapaniwalang kay Callisto ko pa mararamdaman ang bagay na ito. Bakit ba ako naiinis?

"Kung ano man ang binabalak mo ay itigil mo na. Nanahimik ako.." Marahan kong sambit upang maintindihan niya ang gusto kong mangyari.

Oo, siguro nga may kung ano kakaibang epekto siyang binibigay saakin pero kayang-kaya ko isawalang-bahala ang lahat ng 'yon kung hindi na siya magpapakitang muli.

"Yun na nga eh," Ngisi niya at pinagkrus ang mga braso. Mas nadepina ang kaniyang muscles sa ginawa. "Nanahimik ka kaya di ako mapakali.. Gusto kong hanapin mo rin ako.." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo sa batok.

Parang may kung ano humaplos doon kaya kinalibutan ako.

"And because of this..." Aniya at tinuro ang aking labi. Agad akong napalayo at hinawi ang kaniyang daliri. Ni-hindi man nawala ang ngiti sakaniya at mukhang tuwang-tuwa pa rin.

"You let me taste your sweet lips." Mapang-akit niyang sambit kaya agad ko siyang tinalikuran at nag martsa palayo.

Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha ng maalala ang seneryo na iyon. Gustong-gusto ko ng ibaon sa limot ang ala-alang iyon dahil iyon ang naging patunay na minsan akong nagpakarupok. At sa babaero pa!

Mabilis niya akong sinundan at agad akong hinarangan kaya't bahagya akong nauntog sa kaniyang katawan.

"I know, you felt something too." Bulong niya at hinagilap ang aking mata.

"W-wala! Tama na, tigilan mo 'ko Callisto!" Malakas kong tinulak ang kaniyang dibdib ngunit hindi siya nagpatinag, hinarangan niya muli ako at kinuha ang dalawa kong kamay.

"Come on Mireya, you think this is easy for me? Halos ilang linggo mo akong hindi pinatulog ng maayos dahil sa na halik na 'yon!" Nanlaki ang mata ko at agad nilingon ang pwesto ng mga kaklase ko.

Lahat sila nakatingin saamin!

"Parang awa mo na Callisto!" Sinubukan kong umalis sa kaniyang harapan ngunit mabilis niya ulit akong naharangan.

"Hindi mo ba ako gusto?" Tunog pagsusumamo ang tono ng boses niya kaya tiningala ko siya. Kitang-kita kong naguguluhan siya pero bakit?

"Hindi." Matapang kong sagot at sinubukan umalis sa harap niya ngunit ganoon pa rin, hinarang niya ang kaniyang katawan.

"Because you like Pascual?" Napapikit ako ng mariin at tinignan siya sa mata.

"Oo," Gusto ko naman talaga si Tyrone, bilang kaibigan. Naging mabuting kaibigan si Tyrone sa nagdaang taon at hindi lang kaibigan ang turing niya saakin kundi parang kapatid na rin.

At oo mas gusto ko si Tyrone kaysa sakaniya!

"You let me kiss you. How can you explain it, huh?" Pabulong niyang sambit ngunit may diin ang bawat salitang binitawan.

Alam kong naaapakan ko ang kaniyang ego dahil sanay siyang habulin at sambahin ng mga babae. Isang halik lang, paniguradong nakuha na niya ang babae. Isang ngiti lang, mahuhumaling na sakaniya ang mga ito.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon