Simula

6.2K 135 21
                                    

Simula

Napatitig ako sa aking sapatos na tila ilang bagyo na ang nagdaan dahil sa itsura nito. Sira sira na at kupas na ang kulay na halos magkulay gray na ang sapatos kong itim.

Napabuntong-hininga ako at nag-isip na lamang ng motibasyon sa sarili, matatapos rin ang lahat ng paghihirap na ito.

"Tabi nga!" Napapitlag ako ng hinawi ako ng isang babae na sumisigaw ng karangyaan batay sa kaniyang suot na gamit. Nakasuot siya ng mamahalin sapatos, may dala-dala siyang bag na sa tingin ko'y galing pa sa ibang bansa dahil sa banyagang tatak.

Napatingin ako sa dalang bag at hindi ko maiwasan ikumpara iyon sa bag ng babae. Hindi ko naman kailangan ng ganoon na bag, sapat na saakin na may nagagamit ako sa pagpasok ko araw-araw.

"Mireya! Hinahanap ka ng adviser natin at tulungan mo daw siya sa pagcheck!" Nilingon ko ang aking kaklase na si Rianna na mukhang iritado.

"Sige. Pasensya na." Mahinhin kong sagot at agad na tinungo ang daan papunta sa faculty ng mga teachers ngunit hindi ko naiwasan mapalingon sa babae kaninang nagtulak saakin.

Napapaligiran na siya ng ilang mga babae na mukhang kabilang rin sa alta sosyedad. Nagtatawanan at mukhang may pinag-uusapan tao. Napangiti ako at hindi maiwasang mainggit. Sana ay may kaibigan rin ako na makakasama ngunit alam kong nahihibang ako dahil hindi ito ang mundo nababagay saakin.

Nag-aaral ako bilang Grade 7 sa isang pribadong paaralan ng La Puerto. Nagtapos ako bilang valedictorian at nagkaroon ako ng scholarship dahil doon. Ayaw ko man dahil iniiwasan kong makisalamuha sa mga mayayaman, nag offer ang paaralan ng allowance sapat na upang mapapayag ako.

"San ka na naman ba nanggaling Ms. Viorel?" Bungad saakin ng aming adviser.

"Pasensya na po ma'am." Tanging nasabi ko. Hindi ko na kailangan magpaliwanag pa.

"Bilisan mo at madami pa ako ipapagawa." Pahasik na sambit niya at humarap na ulit sa laptop na kaharap.

Napabuntong-hininga ako at agad na tinungo ang kaniyang table upang simulan ang dapat gawin.

Ito ang bayad sa pagiging scholarship ko sa paaralan ito na para bang utang na loob ko ang lahat dahil pinag-aaral nila ako ng walang bayad. Sino ba ako upang magreklamo? Swerte na itong masasabi dahil kaunti lamang ang nagkakaroon ng pagkakataon na mag-aral sa ganitong pribadong paaralan.


Abala ako nagchecheck ng mga papel ng aking mga kaklase ng bigla na lamang padabog na bumukas ang pinto ng faculty room. Nagulat ako dahil sa lakas ng pagkabukas na iyon kaya napalingon ako.

Kitang kita ko ang galit na mukha na isang lalaki habang sinusuyod ang buong faculty. Nagtama ang aming mata ng ilang segundo ngunit agad akong umiwas ng tingin.

"Mom! I have lower grades. The basketball team didn't allow me to join because of this!" Sigaw niya na para bang nakalimutan niyang may ibang tao sa paligid at lumapit sa isang table.

"Calm down!" Galit ring pabulong ng ginang na kilala bilang si Mrs. Pascual, guro sa matematika.

"Do something about this! Mom basketball means so much to me!" Iniwas ko na ang tingin sa mag-ina at tinutukan ang ginagawa.

"I will son just calm down." Bahagya akong natigilan sa narinig.

Karangyaan. Pera. Kapangyarihan. Kapag meron ka ng lahat ng iyan ay tila hawak mo na rin ang mangyayari sa buhay mo. Sa mundong ito, hindi ako naniniwalang lahat tayo ay pantay-pantay dahil kahit puno ka ng kaalaman kung wala ka ng tatlo ito ay talo ka. Wala rin.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon