Kabanata 47

1.9K 96 17
                                    

Kabanata 47
Home

Napabuga ako ng malalim na hininga habang pinapakiramdaman ang mabilis na tibok ng puso.

Hindi ko makilala ang sarili na harapin ko ng ganoon ang kinilalang ama. Palagi akong mahinhin at malambot sa harap niya. Takot at pagmamahal ang lagi ko nararamdaman tuwing kaharap ko siya pero ngayon, pakiramdam ko'y nakawala na sa aking sistema ang mga bagay na 'yon.

Nakakapanibago pero tila nahanap ko ang kaginhawaan dahil doon. Pakiramdam ko ay nakawala na ako sa sakit at dilim mula sa kamay niya.

Sinalubong ako ng pang-gabi hangin habang tinatahak ko ang daan patungo sa terminal ng tricycle hindi kalayuan sa ospital. May ilan akong nadaanan pharmacy bago ang terminal.

Kinawayan ako ng driver na nakapwesto sa unahan kaya agad kong dinaluhan 'yon.

"Sa Casa De Galves po." Sambit ko sa driver na agad niya pinagana ang makina ng motor. Dalawang sulyap ay napatigil siya.

"Mireya?" Tinitigan ko siya at iniisip kung kilala ko ba siya.

"Uh.." ngumiti ako at pilit iniisip kung sino siya dahil pamilyar nga ang mukha niya.

"Si Dennis 'to! Magkaklase tayo sa ULP noon!" Natigilan ako at bigla naalala na kaklase ko nga siya noon.

"Ah pasensiya na hindi kita namukaan. Kumusta na?" Ngiti ko at mukhang natuwa siya na naalala ko siya. Nanatiling nakabukas ang makina ng kaniyang tricycle at hindi pa rin pinapaandar.

"Eto, may dalawang anak na. Tumigil ako nung 2nd year collage tayo. Mas nauna ka lang kasi lumipat ka, diba?"

Naisip ko ang ilan kong kaklase noon. Ilan sa batch namin ang nakapagtapos bilang arkitekto? O may ilan rin kaya na katulad ni Dennis ay binitawan ang pangarap at tinahak ang ibang daan?

"Ah oo. Tumigil ka na pala..." ngumisi lang si Dennis at pinaandar na ang tricycle.

"Kailangan eh. Mas kinailangan ko maghanap buhay para sa pamilya ko." marahan akong tumango.

Doon ko lang napansin na may family pictures sa harap ng kinauupuan ko. Dalawang lalaki ang anak at maliliit pa. Yung isa ay mukhang kasing edad lang rin ni Kalliesya. Ang kaniyang asawa ay maputi at mas bata tignan.

Napabalik ang tingin ko kay Dennis. Isa siya sa mga taong hindi pinalad na abutin ang pangarap pero kita ko sakaniya na masaya siya sa anong buhay meron siya ngayon.

"Ayan mga anak ko oh!" Halakhak niya at mukhang napansin ang pananahimik ko. Ngumiti ako doon.

Noon, iniisip ko na ang importanteng bagay sa mundo ay pera at pangarap dahil alam kong dito ko matatagpuan yung saya, dahil ito yung wala saakin. Nagbago lang ang lahat ng pananaw ko ng dumating si Kalliesya. Na hindi pala nasusukat ang mga bagay na meron ka o nakamit mo sa buhay upang matagpuan mo ang tunay na kaligayan.

Alam kong parehas namin natagpuan ni Dennis ang walang kapantay na kaligayan. At alam kong higit pa sa pera at pangarap ang buhay na binigay saamin.

Ilang minuto ay nakarating kami sa Casa De Galves. Ayaw pa magpabayad ni Dennis at libre na daw niya saakin ngunit nagpumilit ako. Hanapbuhay niya iyon lalo na't nalaman kong umaga hanggang gabi siya nagpapasada para pamilya.

"Salamat Mireya!" tumango ako at nagpaalam na.

Iniisip ko tuloy ang buhay na meron ako kung sakaling hindi nangyari ang lahat noon. Magiging masaya kaya ako? Makakapagtapos bilang arkitekto? O makikilala ko ba pa ang tunay na ama?

Nilabas ko ang keycard at pinadausdos sa system na nasa gilid ng pinto para mabuksan ang kwarto. Pinihit ko ang door knob ng aking hotel room habang malalim na napabuntong hininga sa mga tanong na naisip. Napasulyap ako sa pinto katabi ng aking hotel room at naisip si Callisto.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon