40

40.6K 2K 869
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

Akala ko wala akong ibang mararamdaman bukod sa landi kapag napunta na ako sa sitwasyon na nag-uumapaw na ang libido ko. Pero hanggang akala ko lang pala 'yon lahat dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Ang lakas ng kabog ng puso ko. Parang nauusog ang mga nilalagay kong fertilizer sa suso ko sa lakas ng pintig ng puso ko. Nanginginig ang mga kamay kong nakakapit ngayon sa dibdib ni Francis. Kahit na may aircon naman dito, parang sinisilaban kaming dalawa sa init ng pakiramdam ko.

"Mmmhff!" Mariin akong napapikit nang sipsipin niya ang dila ko. Jusko, ang wild ng fafa niyo!

Rinig ko ang pagkabasag ng mga baso at plato nang hawiin niya ang mga gamit sa lamesa. Hindi man lang nabuwag ang mga labi habang ginagawa niya iyon. Napasinghap ako ng ipatong niya ako sa lamesa. Naramdaman ko ang paggapang ng mga kamay niya sa ilalim ng suot kong damit.

Ipinulupot ko naman ang mga binti ko s bewang niya. Ramdam na ramdam ko tuloy ang matigas na umbok sa pantalon niya.

"Tell me to stop and I'll stop, Tyga. I don't think I can control myself anymore," ang humihingal niyang banggit. Napalunok ako nang makita ang pamumungay ng mga mata niya habang nakatitig sa akin.

Napakagat ako ng labi ko. Sumunod ang tingin niya doon at napadila sa kanyang ibabang labi.

Paano ko siya pipigilan at kokontrolin kung pati ako unti-unti ng kinakain ng apoy? Nawawala na ako sa katinuan. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Kinakabahan ako pero mas nangingibabaw ang excitement at landi ko.

Gusto kong makatikim ng C Major notabels! It's now or never! Wasakin na ang dapat wasakin! Oras na para maging ginataan ang ating virgin coconut hole!

"P-Pwede bang hindi tayo dito?" Ang tanong ko habang namumungay rin ang mga matang sinalubong ang tingin niya.

Mas lalong dumilim ang mga mata niya. Napatiim ang kanyang bagang habang tila pinipigilan niya ang sarili. Isang tango ang binigay niya sa akin bago ako binaba. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko saka niya ako hinila palabas ng napakalaking kwarto. Lakad-takbo ang ginagawa naming dalawa papunta sa elevator.

Nang matapat na kaming dalawa sa elevator, aburido niyang pinindot ang up doon ng paulit-ulit. Ako naman ay palingon-lingon sa paligid. Baka may mga makakita sa amin, isipin pa nilang may gagawin kaming melagro. Naku, mare, hindi po ako gan'on. Mag-bi-bingo lang kami sa taas.

Saglit akong naparalisa sa kinatatayuan ko nang tumunog na ang elevator hudyat na nagbukas ito.

"Babe..." ang bulong ni Francis at marahang inabot ang kamay ko.

Napatingin ako doon at napalunok. Ramdam ko ang paggapang ng kuryente mula doon patungo sa lahat ng parte ng katawan ko. Nandito lang naman ako kanina para kumpruntahin siya at ang kabit niya. Pero mukhang literal na mapapasubo yata ako ngayong gabi.

Iginaya niya ako papasok sa elevator at tumabi sa akin matapos maisara ang pintuan. Sumiksik ako sa isang sulok doon habang nakatingin sa mga daliri kong hindi mapakali.

Napaigtad ako nang tumabi siya sa akin. Nakalimutan ko na rin kung paano huminga.

"Tyga," ang narinig kong tawag niya sa pangalan ko.

"H-Hm? B- Bakit? Anong problema?" Ang nauutal kong tanong nang hindi nakatingin sa kanya.

Ramdam ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Nakita ko ang sapatos niya sa harap ko at unti-unting pagliit ng espasyo. Sumiksik pa ako lalo at kiming tumingala sa kanya.

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon