12

35.4K 1.8K 309
                                    

Third Person

"Mommy! I wanna play with Eclaire, mommy. Can I? Can I?" Ang pangungulit ng isang may kaliitang batang lalaki sa ina.

Kung titingnan mo ito, aakalain mong anim na tanong gulang lang ito sa liit. He's already nine ngunit hindi pa rin kayang makipagsabayan ang katawan niya sa kanyang mga ka-edaran. Kahit na may kaliitan siya, hindi naman maikakaila ang taglay niyang pisikal na anyo. Mala-labanos ang kutis niyang hindi nadadapuan ng lamok. Maganda rin hugis ng kanyang maliit na mukha. Nakapwesto ang kanyang mga ma-tsokolateng mga mata, matangos na ilong, at mala-rosas na labi sa tamang lugar. Parang nilaanan talaga ito ng oras ng diyos para ukitin ng buong pag-iingat. It's as if God aimed to create a perfect face from a mortal.

"It's still five in the morning, honey. Mamaya ka na makipaglaro ha? How about you sleep between me and daddy for a little while muna. I missed you a lot." Ang paglalambing ng kanyang ina sa kanya nang mapansin ang kanyang pagkadismaya sa pagtanggi nito. "It's too early for a frown, hon. Give mommy a smile please?"

Hindi naman ipinagdamot ng anak ang kanya ng ngite at bukal sa loob na itinaas ang bawat gilid ng kanyang mga labi. Alam niyang pagod ang mommy niya sa pagluwal ng kanyang kapatid kaya hindi ito pwedeng ma-stress. Isa na siyang super kuya ngayon kaya bawal na siyang maging spoiled at selfish. Nang matapos silang dalawa ng ina sa pagkukulitan, kaagad siya nitong nahikayat na matulog muna sa gitna nila ng kanyang ama.

"Mommy, will daddy stay forever na? He will not leave us again, mommy?" Ang mahina niyang tanong sa ina habang pinapalandas ang maliliit niyang daliri sa maganda nitong mukha.

Ngumite ang kanyang ina sa direksyon niya at saka nito hinawi ang mga buhok na tumatakip sa kanyang maamong mukha.

"Daddy will leave for the last time and then after that he will stay forever na. So you have to be patient, okay? The people needs a hero like your daddy to save them kaya we have to wait for a little while. Is that alright with you?"

Ngumite siya pabalik sa ina at tumango-tango. He understood what his mother meant. Naiintindihan niya rin kung bakit kinakailangang mahiwalay sa kanila ang kanyang ama sa mahabang panahon.

"While daddy is gone, I will protect you and Eclaire, mommy. But," he paused and puckered his lips towards his mother's direction.

"But?"

"But you have to protect me from tita Shei's kiss attack. Why does she always kiss me, mommy? She have kids and and pamangkins naman. Why did she have to bother me?" Magkasalubong ang kanyang kilay habang ikwene-kwento ito sa kanyang ina. Pansin rin ang paglaki ng butas ng kanyng ilong dahil sa inis.

Mahinang natawa ang kanyang ina sa kanya bago nito piningot ang tungki ng kanyang uli.

"That's because you are tita Shei's favorite inaanak. She loves you very very much. You kiss people you like di ba? Kaya k-in-i-kiss ka niya." Ang paliwanag ng kanyang ina sa kanya. Kahit nagbigay na ito ng eksplenasyon, ayaw pa rin niyang hinahalikan siya ng kanyang tita. Dumidikit kasi sa kanyang balat ang malagkit nitong lipstick.

Despite the kisses, ang kanyang tita Shei pa rin ang pinaka may magandandg laruan na ibinibigay sa kanya. Ang huli nitong ibinigay sa kanya ay ang mamahaling violin na binili nito sa Italya. He loves playing it in front of his mom and his baby sister.

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon