Chapter1: The She

279 36 3
                                    

AUTHOR'S NOTE:

LAHAT NG MABABASA NYONG LUGAR, TAUHAN, TAGPUAN AT KUNG ANO PA SA KWENTO NA ITO AY IMAGINATION KOLANG PO. :) WALANG KATOTOHANAN SO JUST ENJOY THE STORY XDD AND PLEASE VOTE AND COMMENT NARIN. :) YUN LANG ENJOY READING XDD Wala po akong gustong sirain na pananampalataya dito.

--------------------------

Third Person's POV

Pagpasok palang ng isang pamilyar na dalaga sa prisinto ay agad ng napatayo si Inspector Guevarra. As in nakabig-eyes pa ito habang nakasunod ng tingin sa dalagang palapit na sa table nya habang may dalawang pulis sa likod nito.

Napaface-palm na lamang ang inspector. Agad namang nakalapit sa kanya ang magandang dalaga.

"Ano naman po ang kaso ko ngayon, Inspector Guevarra?" Nakangising tanong sa kanya nito. Tiningnan lamang ni Ins.Guevarra ang 2 pulis na nakasunod sa dalaga na tila nagtatanong.

"Blater po Ins." Sagot ng isang pulis sa kanyang mga nagtatanong na mata.Tumango na lamang sya sa 2 pulis at sinenyasan na itong umalis. Iyon naman ang ginawa ng 2.

Sa araw-araw na yatang ginawa ng Diyos sa buhay nya! Walang palya ang dalagang ito sa pagdalaw sa prisinto nila!

"Lintek nayan, Samantha! Halos ikaw na ang nakapuno ng booklist namin ng mga taong pinablater dito ah?!" Bugnot na baling naman ni Ins. Guevarra kay Samantha.

Tumawa lamang ang dalaga sabay upo sa upuan na nasa harap ng desk ni Ins. Guevarra.

"Syempre naman Ins. Ayaw mo nun? Isang tao lang means isang bilangan lang pag nag-survey na diba?" Parang proud pa ata na paliwanag nito sa Ins.

Napaupo nalang ulit sa upuan nya si Ins. Guevarra at kumuha ng bagong booklist at ballpen sa drawer nya. Nakukunsumi lang sya pag binibilang nya kung pang-ilang booklist na ang nilabas nya ngayon!

"Eto oh! Pumil-ap ka nalang! Talaga yatang pinaglihi ka sa bato! Matigas ang ulo!" Kulang nalang ata ay mapanot nasi Ins. Guevarra dahil sa mga kasong araw-araw na dinadala dito ni Samantha e.

Kung hindi pagnanakaw, eh pangangarnap! O baka holdaping naman ang natripan ng dalaga! Minsan nag-akyat bahay din ito! At may binugbog pa noong nakaraang linggo! Kaya naman hindi na nya alam kung balak ba nitong subukan lahat ng uri ng krimen.

Inabot nalang ni Ins. Guevarra kay Sam ang ballpen at ang booklist. Kinuha naman ito ng dalaga at pinirmahan.

"Oh! Pyansa ko!" Masayang pahayag nito kay Ins. Guevarra sabay patong ng 30,000 sa mesa nito. At tumayo na ito. Napailing nalang si Ins. Guevarra at tinabi narin ang pera sa drawer nya.

Menor de edad pa lang kasi si Samantha Velasco. 17 yrs old, college student at repeater pa ng first sem dahil sa mga kalokohan nito sa school! Magandang dalaga pero kung ano ang kinaganda nito sa labas ay syang kinapanget naman ng ugali nito sa loob!

Bagay na bagay sa kanya ang kasabihang 'Don't judge the book by it's cover'. As in para lang ata sa kanya kaya nagawa ang kasabihan nayan!

Sya lang ang nag-iisang tagapagmana ng kanilang mga kayamanan, Velasco properties dahil iisang anak lamang sya. Kaya naman, todo disiplina sa kanya ang dad nya.

Pero dahil likas na yata sa dalagang ito ang pagiging adventurous at curious sa mga bagay-bagay sa mundo? Ayan at kung anu-ano ng kaso ang nasampa sa kanya sa iba't-ibang lugar! At sa kanilang lugar ang pinaka-paborito nitong adventure place!

Dahil nga sa menor de edad pa ito, pwede itong magpyansa at iyon na nga ang ginagawa nito lagi. Pwede na yatang yumaman ang Ins. sa araw-araw na pagpyansa ng dalagang ito!

"Haaaaaay nakooooo! Kelan ka kaya magbabago?!" Inis na tanong ni Ins. Guevarra sa dalaga sabay hablot dito ng ballpen nya at ng booklist. At itinago na ito sa drawer nya.

Natawa lang ang dalaga sa sinabi nya. May nakakatawa ba sa tanong nya?

"Ins. magbabago lang ako kapag wala ng kriminal sa mundo." Nakangiti nitong pahayag sa Ins. in 'as-a-matter-of-fact' na tono.

Mukhang wala na nga atang pag-asa ang dalaga na ito. Kay gandang babae pa naman! Isang malaking kasayangan sa mundo!

Tumalikod na ito pero alam ni Ins. Guevarra na may ihihirit pa itong 'line' kuno nya bago umalis. Ayun na nga at humarap ito ulit sa kanya sabay kaway.

"At saka pag may forever na! Promise magbabago talaga ko! HAHA! Seeya tomorrow Ins!" pahabol nito sabay tuloy tuloy ng naglakad palabas ng prisinto.

Hindi alam ni Ins Guevarra kung bitter lang ba ang dalaga sa forever kaya ito nagloloko e! Siguro ay sisimulan na nyang ipagdasal na magkahimala at magkaroon ng 'Forever'! Para naman magbago na ang dalagang iyon!

Ang dalaga nayon? For more further explanation. Sya si Samantha Velasco, also known as Sam. Popular sa lugar nila hindi lang dahil maganda ito at mayaman.

Malakas kasi ang trip nito sa buhay at malawak ang imagination! Kaya naman walang kumakalaban dito na kahit sino! Dahil ayaw pa yatang mamatay ng mga inaapi nya ano!

Mas mahal kuno nito ang mga 'buhay' nila kesa sa 'hustisya'.

Kaya naman nananahimik nalang sila at pinapatay ng palihim sa isip nila ang dalaga. At sya ang bidang babae sa kwento na ito.

When Angel Falls Inlove (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon