Chapter3: The She Plan

122 25 1
                                    


Sam's POV

Kasalukuyan akong nakasandal sa kotse ko ngayon habang nakatingin sa isang malaking mansion hindi kalayuan sa tinatayuan ko ngayon. Ang mansion na tinitingnan ko, ang next target ko para sa araw na ito.

"So, yan na yung next target mo?" Hindi na gulat at parang sanay na sya sa ganitong scene habang tinatanong nya yan. Sino sya? Sya si Corrain Ramirez. Bestfriend ko. Paano kami naging mag-bestfriend? Well, ewan korin. Paggising ko isang araw, bff kona sya.

"Oo. Laki no?" Tanong ko din sa kanya habang nasa mansion parin ang atensyon ko. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nag-shrug sya ng balikat nya. Since magkatabi lang naman kami kaya madali kong nakita.

"Oo malaki sya. Pero mas malaki pa din ang mansion nyo." Natatawa nyang sabi sakin. Kaya naman agad akong napalingon sa kanya habang nakapoker-face ako. Paalala ba daw yung pesteng mansion namin?

"Ano ulit yung sinabi mo?! Pakirepeat!" Naiinis kong asik sa kanya sabay roll eyes. Lumayo naman sya ng kaunti sa akin pero non-stop parin ang pagtawa nya.

"5 inch lang naman." Pahabol nya pa! Aba at! Sinukat pa talaga ah? Umayos nalang ulit ako ng pagkakasandal sa kotse ko sabay tingin ulit doon sa mansion.

"Tss. Alam muna sasabihin kay dad kapag hinanap ako nun, ah!" Pasigaw kong paalala sa kanya sabay pamewang.

"Oo naman no! Pero, teka nga? Pano pala yung mga security devices dyan sa loob ng mansion na yan? Saka yung CCTV?" Concern na tanong sa akin ni Rain.

Tiningnan ko sya agad dahil dun. Sabay smirk. Nakita ko naman na kumunot ang noo nya. Natawa nalang ako.

"Remember Raf?!" Natatawa kong tanong sa kanya. Tumango lang sya sakin sabay tampal sa balikat ko.

"Oo naaalala ko sya! Bat ka ba kasi tawa ng tawa?! Baka mamatay ka na nyan!" Naaasar nang sigaw sa akin ni Rain habang nakatingin sya sakin.

I calmed myself sabay ayos na ng tayo at tingin ulit sa kanya. Pffffft! Wala talaga syang idea?!

"Si Raf, mansion nila yan!" Natatawa kong sigaw sa kanya sabay turo dun sa mansion na kanina pa namin tinititigan. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata nya dahil sa sinabi ko. HAHAHAHAHA.

"Ano?! SERIOUSLY?!" Gulat na gulat sya? HAHA baliw talaga to si Rain. Tumango lang ako sabay sandal na ulit sa kotse ko at tingin doon sa mansion.

"Aalis sila mamaya. May outing daw buong pamilya. Kaya mamaya na sakin yang gabi. At saka, about dun sa passwords ng secu devices nila, syempre natanong ko na sa kanya yan! At alam kona din ang placements ng CCTV nila dahil ilang beses narin akong nananghalian dyan e." Mahabang paliwanag ko kay Rain. Sabay baling ng atensyon ko sa kanya.

"Oh sya. Planado muna pala e. Basta, labas na ako dyan ah! Baka mamaya idamay mo kong baliw ka!" Babala nya sa akin. Baliw talaga to si Rain.

"Kelan ba kita dinamay? Tss. Sige na lumayas kana! Bye!" Natatawa kong pagtataboy kay Rain sabay tulak na sa kanya papasok dun sa kotse nya. Magkaiba kasi kami ng dalang car e. Solo kumbaga.

"Ouch! Oo na! Di makahintay?! Kelangan itulak?" Bulyaw sa akin ni Rain nung nauntog sya bigla nung tinulak ko na sya papasok dun sa driver's seat.

"Bye na! Drive to hell! Paalam ko sa kanya. She already closed her car's door nang makaupo na sya. Binaba nya ang bintana ng kotse nya sabay silip sa akin.

"Well, see you there! Bye! Ingat ka!" Sigaw nya sa akin sabay pinaharurot na nya ang kotse nya. Tss! Pasalamat sya at nakakotse na sya nun! Hindi ko na sya nasabunutan ng bongga!

When Angel Falls Inlove (On-Going)Where stories live. Discover now