Chapter 7: He, She and Ins. Guevarra

29 5 0
                                    


Samantha's POV

"Haaaaaaah.." I felt like I fell asleep and being awaken, struggling to breathe for air. Kaya naman napakapit ang mga braso ko paikot sa batok ng lalaking kaharap ko ngayon. Naramdaman kong may kamay na nakaalalay sa aking likod. Hirap na hirap parin akong huminga. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Basta naramdaman ko nalang na para akong ginising mula sa mahimbing na pagkakatulog, at sa unang dilat ng mga mata ko ay tila kinakapos na ako ng hangin.

"Magiging maayos din ang paghinga mo, Binibini. Halika na." Hindi parin stable ang paghinga ko, pero pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kanina, at naalala ko naman. Ang lalaking kaharap ko. Isa lang ang sigurado ko. Hindi sya tao. Ewan ko pero feeling ko kahit na may kakaiba sa kanya, hindi na ako nakakaramdam ngayon ng takot. Napasinghap naman ako ng tanggalin na nya sa likod ko ang kamay nyang nakaalalay at kalasin nya ang mga braso kong nakapulupot parin sa kanyang batok at hinawakan ang kaliwa kong pulsuhan saka ako hinila.

"Teka! Saan mo ako dadalhin?!" Kinakabahan kong tanong sa kanya pero hindi nya naman sinagot ang tanong ko. Ganun nalang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ko kung anong lugar ang tinatahak namin.

"Sa lugar kung saan ka dapat dalhin ngayon." Sinabi nya iyon na para bang ordinaryong kaso lang ang mga nangyayari. Nagsimula na akong magpanic. Letche! Double shit! Hindi ako nagpagod na tumakbo palayo sa kabayong Guard na humahabol sa akin kanina para lang dalhin nya ako sa Presinto!

"No! Let me gooo! Ugh!" Pinipilit kong kumawala sa kanyang pagkakahawak sa akin pero masyado syang malakas para manalo ako. I really tried so hard, pero wala. Mas nilakasan ko ang aking pagpalag sa kanya at medyo natinag naman sya kaya naman noong paakyat na kami sa may hagdan bago makarating ng tuluyan sa entrance ng presinto, ay nagpaiwan talaga ako ng isang baitang.

Agad naman syang napalingon sa akin. "Susuwayin mo na naman ba ako, Binibini?" Halata na ang iritasyon sa mukha nito dahil nakakunot-noo na ito. Pero ang pagsasalita nya, para kang makokonsensya? Ang hinhin e! Ang gwapo pa naman sana ng nilalang na ito, pero mukhang beki pa ata! At timing na timing, medyo lumuluwag ang pagkakahawak nya sa akin!

"When I say let me go, you should fuckin' let me go." Nakangisi kong sabi sa kanya sabay talon at hila sa pulsuhan kong hawak nya. Hindi naman nya inaasahan iyon kaya mabilis akong nakatakbo. Pero, dahil sa bigat ng backpack ko, nahihirapan akong gawin iyon. Saka, nanghihina parin ako dahil sa mahinang suntok na ibinigay sa akin ng nilalang na iyon. Kaya nga wala ng lingon lingon, todo takbo na ako!

Napatili nalang ako ng may mga brasong pumulupot sa bewang ko saka ako binuhat pabalik. "Mukhang mahihirapan talaga akong baguhin ka, Binibini." Bulong sa akin ng nilalang na nagbubuhat sa akin ngayon. I tried to escape but I think he won't gonna give me another chance to run away from him anymore.

"Pero pasensya na. Dahil kahit anong takbo mo? Mahahanap, mahahabol at maaabutan parin kita." Seryoso nyang dugtong sa kanyang sinabi sa akin kanina kaya naman tila napatigil ako sa pagpupumiglas. I think, kailangan ko na talaga harapin ulit si Ins. Guevarra ngayon. Wala na akong kawala nito. Banas!

---

"Oh! Ikaw pala Angelo!" Nagtataka akong umupo sa upuan sa harapan ng desk ni Ins. Guevarra, habang nagpapalipat-lipat ang paningin ko sa kanila ni Angelo. Magkakilala sila? Ano sya? Asset ng police? Nagkamayan muna sila bago umupo narin si Angelo sa katapat kong upuan.

Ibinaling naman ni Ins. Guevarra ang paningin nya sa akin. Tila hindi na ito nabigla na makita ako ngayon. Matamis akong ngumiti sa kanya. Napailing naman nalang sya. "Ikaw na namang bata ka." Kunsuming-kunsumeng naibulong nalang nya sa sarili.

When Angel Falls Inlove (On-Going)Where stories live. Discover now