Chapter 2: The He

190 33 3
                                    

Third Person's POV

Agad na nagsi-ayos ang lahat ng makita nila kung sino ang bisita.

"Ama? Napadalaw po kayo? May problema po ba?" Magiliw na salubong ni Angelo sa kanyang ama. Ang Panginoong Diyos.

Ngumiti lamang ng magiliw ang Panginoon sa kanila at sinenyasan ang lahat na maupo. Isang pagpupulong ang dahilan kaya naman naparoon ang Panginoon.

Agad namang pumalibot ang lahat ng anghel, kabilang nasi Angelo sa kanilang ama. At umupo sa malambot na ulap.

Nakatayo lamang ang Panginoon at nakangiti sa kanila ngunit mababasa mo ang pangamba sa ekspresyon nito.

"Nandito ako ngayon mga anak ko, upang ipaalam sa inyo na.." Pasuspense pang panimula ng Diyos.

"Na ano po, ama?" Naiinip ng tanong ni Angelo sa ama nya. Nginitian lamang sya nito at nagpatuloy nasa pagsasalita.

"Marami ng kaluluwa ng mga anak ko ang nakukuha ng mga demonyo sa lupa. Kailangan na nating gumawa ng paraan upang maagapan ang pag-ubos nila sa mga anak ko sa lupa." Malungkot nitong pagbabalita sa mga anak nyang anghel sa langit. 

Agad nagkaroon ng bulungan sa mga anghel. At si Angelo naman ay napaisip.

"Ano naman pong paraan ang gagawin mo, ama? Para mapigilan ang kasamaan?" Naguguluhang tanong ni Angelo sa kanyang ama.

"Simple lang. Ipapadala ko kayong mga anak kong anghel pababa sa lupa upang baguhin ang mga kaluluwa ng mga anak ko sa lupa." Nakangiti nitong pag-aanunsyo sa lahat.

Agad namang natigilan ang lahat ng mga anghel sa pagbubulungan dahil sa sinabi ng kanilang ama.

Nanlaki naman ang mga mata ni Angelo dahil sa narinig. Kaya agad syang napatayo.

"Kasama po ba ako sa mga ipapadala mo sa lupa, ama?!" Ramdam mo ang kuryosidad sa bawat salitang sinabi ni Angelo. Tumango lamang ang ama nya sa kanya. 

Kaya agad syang napaupo at nalugmok. Ayaw nyang bumaba sa lupa. Dahil puro kasamaan lamang ang makikita nya doon.

"Papababain kita doon dahil may tiwala ako sayo. At alam kong mababago mo ang dalagang ipapaubaya ko sayo, anak ko." Nakangiting sambit ng panginoon kay Angelo.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Angelo. DALAGA?! Ibig sabihin ay babae ang babantayan nya!

"AMA NAMAN!" Medyo tumaas na ang tono ng boses nya. Alam naman kasi ng ama nya na hindi sya malapit sa babae, lalo na sa babaeng tao.

"May tiwala ako sayo, sa inyo. Kasama mo ang lahat ng mga anghel dito sa pagbaba sa lupa at huwag kayong mag-alala dahil hindi ko tatanggalin ang mga kapangyarihan nyo." 

Napatingin nalang si Angelo sa mga anghel pang binanggit ng kanyang ama na makakasama nya daw sa pagbaba nya sa lupa. Kita rin ang pagkalugmok sa mga mukha nito.

Sana lang ay makaya nya ngang mabago ang dalagang ipapaubaya sa kanya.

SANA.

Iyan ang kahilingan na naglalaro sa utak ngayon ni Angelo. Sya ay isang anghel. Alagad ng Panginoong Diyos na may likha ng sangkatauhan. 

At sya ang bidang lalaki sa kwento na ito.

----

AN: Dedicated to my bestbabsz XD Wala lang dinedicate kolang loveyou rico :*

When Angel Falls Inlove (On-Going)Where stories live. Discover now