CHAPTER 12

361 28 2
                                    


His mansion.

Pagbalik namin sa loob ng sasakyan ay tahimik lamang kaming dalawa medyo malayo pa raw kasi ang bahay ni Zalana, kaya naisipan kung matulog na lang muna.

Hindi ko namalayan ang oras o kung nasaan na kami dahil isang tapik lang sa balikat ang nakapag pagising sa'kin.

"Zucchero,"

Unti unti kong minulat ang mga mata ko at una kong nakita si Zalana na nakatitig sa'kin. Nagiwas ako ng tingin at umayos ng upo saka sumulyap sa labas ng sasakyan.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto sa banda ni Zalana kaya tingin ko ay lalabas na s'ya at dahil alam kong pag bubuksan ako nito ng pinto ay nag ayos ako ng mabilisan tinignan ko sa salamin ang itsura ko mabuti na lamang ay 'di gaanong magulo ang buhok ko hindi ko na kailangan magayos.

Pagkabukas niya ng pinto ay lumabas agad ako ng sasakyan. Sinara n'ya ito saka tumayo sa tabi ko ako naman ay nilagay ang takas na buhok sa likod ng tenga saka tumingin sa may harapan ko.

Extravagant. That's all I can say to the mansion in front of me. Malawak ito kagaya ng sa amin. The color painting is silver and all the walls are made of glasses.

Zalana hold my hand as we walk inside. I can't hide my shock face because of how good is this. Mula sa disenyo maski sa loob.

Stair by stair we walk. Until we reach the door a freaking glass wall. Zalana entered the hall first while I trail on his back.

"Come in, feel at home." Saad ni Zalana habang bitbit ang mga grocery bags.

Pumasok s'ya sa isang kwarto tingin ko ay kitchen. Naka sunod pa rin ako sa kanya sa likod. Inilapag n'ya sa counter ang mga pinamili namin at Isa Isa 'yong nilagay sa mga lalagyan. Humarap s'ya sa akin.

"You'll cook, right?" Tanong nito.

Tumango ako. "Oo,Ano bang gusto mo?"

Sana naman hindi s'ya mag request ng mahirap.

"Anything. Suit yourself on what you want to cook. I'll just go to my room." Paalam nito.

Tumango ako at tumabi para makadaan s'ya. Tinignan ko ang likod n'ya na paalis na hangang sa mawala s'ya sa paningin ko. Bumuntong hininga ako at nag isip kung anong magandang iluto.

Manok? Alangan manok. Ano namang iluluto ko? Teka marunong ba talaga ako mag luto? Napamura ako ng marealize na itlog lang pala ang kaya kong lutuin. Pero may alam naman ako na pwedeng lutuin na hindi pinrito.

Sinimulan kong hugasan ang manok. Chicken breast. Before I started cutting the onions and garlic. Sliced the chicken breasts horizontally adding the seasons on the chicken breasts and fried the chickens.

Naghiwa ako ng mango. For shakes. Inantay kong maluto ang mga manok bago tinangal sa pan. While waiting I made a chicken piccata sauce.

Sa may gitnang lamesa ay inayos ko na ang mga ginamit ko at nilagay sa sink ang mga ginamit na lalagyan. Saka ko pinunasan ang mesa at nilagay ang plato ng manok. Gumawa ako ng juice at nilagay sa glasses kasama ng dalawang shakes na ginawa ko.

Medyo pinagpawisan ako kaya pinaypayan ko ang sarili at kumuha ng tubig sa ref. Sakto ring pagpasok ni Zalana. Tumingin ito sa niluto ko hangang sa mapunta ang tingin n'ya sa'kin na naka sandal sa may ref hawak hawak ang baso.

Nginitian ko s'ya at umupo sa stool. Gutom na ako kung hindi s'ya kakain ay bahala na s'ya sa buhay n'ya pasalamat pa nga sya nag luto ako.

"Kumain ka,Wala akong nilagay na lason d'yan." Ani ko.

Ngumisi ito sa'kin at umupo sa may harap ko. Tahimik kaming kumain hangang sa matapos kami s'ya na ang nag presinta na mag hugas ng pinagkainan namin. Hindi na ako umangal at tumango na lang.

NOBLE SERIES#2: ALLURING THE DUKEWhere stories live. Discover now