CHAPTER 40

326 24 1
                                    


Buong araw akong natulog nagising ako ng bandang alas dos ng hapon pero naligo lang ako saka muling natulog, Bumawi ako ng maayos na tulog sa malambot na kama ko, Ilang araw ring sa sahig at pader lang ang nagsilbing higaan ko, Deserve kong matulog ng buong araw.

Humikab ako saka umupo ng maayos sa kama ko, Tinangal ko ang nakaharang sa mata ko na mask bago inalis ang comforter na nakapatong sa katawan ko bago nilapat ang mga paa ko sa sahig, Sinuot ko ang slippers ko bago pumasok sa banyo.

Naligo akong muli pero this time isang oras lang ako sa banyo lumabas din agad ako saka pumasok sa walk in closet ko, I changed into French lace white pleated formal dress, And I choose to wear Emma's stone black bird ELK sandals, a moon rhinestone thusel with crystals beads headress, Hindi na ako nag lagay ng kahit anong make up although alam kong maraming media and paparazzi ang nag aabang ngayon sa paglabas ko I couldn't bring myself to care anymore.

Nag spray lamang ako ng perfume ko bago ko kinuha ang phone ko bedside table ko, Umupo ako sa kama ko at nag pose, Nakalapat ang Isa kong kamay sa comforter habang ang isa naman ay nakahawak sa cellphone, I tilted my head as I smile before clicking the button, Dalawang shots lang ang kinuha ko saka tumayo.

Binuksan ko ang Ig ko saka nag post doon, I put a "Didn't know being an heiress would make me very busy."

Nang maipost 'yon ay nag antay lamang ako ng segundo, as usual dinagsa na naman ako ng maraming comments, ang iba ay papuri, Kalahati ng kalahati ng kalahati ay lait na agad sinusungaban ng iba, at ang iba naman ay mga tanong.

@V3rwxox
We haven't heard anything about you lately, Are you alright?

@M4ndda
You're busy but you still look beautiful

May nakalagay na limang umiiyak na emoji sa dulo nun.

@estllxvv
Where can I fucking buy that face so I can still sit and be busy and remain pretty!

Napailing ako at natawa.

@lilishasfff
Lord, Sana huling pikit ko na 'toh.

@Iya3sy
Pag naging ganito mukha ko sinasabi ko sa inyo kahit sino makita ko sa daan kakawayan ko.

@Prince_Kafele
Beautiful as always.

He's a prince from a kingdom, Kafele Chavdar.

@Harland_Zdisleawa
Yaretzi we missed you!

Napailing iling ako sa dami ng comments hindi ko na mabasa ang iba pa, Karamihan sa mga nasa top comments ay may mga blue check verified users, Karamihan naman ay mga models na naka finofollow ako.

Hinawakan ko ang door knob ng pinto saka hinila 'yon, Wala akong nakitang nakatayo sa labas, mabuti naman, Lumabas na ako saka sinara ang pinto ng kwarto bago nag simulang mag lakad sa may balcony ng mansyon.

"Yaya?" Tawag ko ng maglakad ako sa paikot na hagdan.

"Yes ma'am?" Tugon ng isa sa ibaba.

Ngumiti ako. "Padalhan naman ako ng dinner sa balcony, thank you."

Naglakad na ako papunta sa balcony ng mansyon, Isang malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sa'kin ng makapasok ako, Sumandal ako sa railings saglit bago umupo sa may upuan na ang nasa gilid ay square table, at isang hammock sa pinaka dulo ng balcony.

Bundok ang view mula rito, Maganda rin ang simoy ng hangin malamig sa balat, Kinuha ko ang magazine na nakalapag sa table, I crossed my legs as I waited for my dinner to be served.

Ilang minuto lamang ay may mga maids na na pumasok sa loob ng balcony, Nilapag nila ang isang grilled chicken and rice sa gilid, isang orange juice at isang glass ng water, isang darck chocolate cupcake na nakalagay sa maliit na plato, nag pasalamat akong muli sa kanila bago ko nilapag sa may gilid ang magazine na binabasa ko.

NOBLE SERIES#2: ALLURING THE DUKEWhere stories live. Discover now