Chapter 8 🏄

6 2 0
                                    

Poseidon

PINILIT kong tumayo sa kinahihigaan ko kahit masakit ang katawan ko para lang mahabol si Warden dahil mukhang hinabol niya pa si Theofer..

"Oh Anak, bakit ka pa lumabas sa kuwarto mo e hindi ka pa masyadong magaling..." Ani Dad pero nginitaan ko lang ito.

"Magpapahangin lang po ako sa labas. Nasusufocate po kasi ang guwapo kong mukha sa kuwarto ko at baka maging kamukha ko pa si Tandang Tasyo diyan sa kabilang kanto kapag nagkatao--"

"Sige na anak at magpakalayo-layo ka na ng makahanap ka ng magandang hangin na lalanghapin huwag lang drugs, huh at talagang matotodas ka sakin. Mas okay pa saking maging adonis ka  na lang kaysa maging adik." aniya sabay tulak sa akin papalabas. Parang wala lang sakit e no.

Papalabas na ako sa gate na marinig ko si Warden na mukhang kausap si Theofer.

"Ano bang problema mo at nagkakaganiyan ka?" Tanong ni Warden. "Alam mo bang sobrang nasasaktan si Poseidon sa ganiyang arrangement niyo huh?". "Ano ba kasing proble--"

"Ikaw! Ikaw ang problema! Bakit ba kasi dumating ka pa dito huh?!" napapitlag ako sa sagot ni Theofer. "Kung hindi ka lang sana dumating sa buhay namin edi sana ayos pa kaming dalawa pero wala e, dumating ka! Sinira mo ang lahat ng binuo namin ng ilang taon sa mag-iisang buwang lang kasama ka namin! Ano ba kasing mayroon ka na wala ako?! Ano ba kasing nagustuhan niya sayo na wala ako?! Bakit pa kasi ikaw pa ang nagustuhan niya, bakit di nalang ako?!! Ayan ang problema ko! Masusulusyonan mo ba yan? Siguro kapag namatay ka pwede pa pero malabong mangyari pa yun dahil sira na kaming dalawa at ikaw ang dahilan ng lahat ng yun! You ruined the hardships that I made for the past previous years and now, look at me... look at us, were totally wrecked now and it's because of you." akala ko tapos na, pero hindi pa pala kahit na ang luha ko ay patuloy na dumadausdos sa aking mga pisngi. "Baka totoo nga yung sinabi ng kaibigan ko na kulang ka talaga sa aruga kaya mas pinili mong manira ng relasyon ng iba." huling saad ni Theofer na nagpaluhod sa akin sa may kinatatayuan ko. Hindi ako makatayo kahit pilitin ko at parang nahihilo ako until everything went black.

Nagising ako sa silid na puros kulay puti at sa liwanag na nanggagaling sa itaas. Patay na ba ako? Ito na ba ang langit? Bakit amoy ospital itong langit? Ah, siguro dahil karamihan sa namamatay ay sa ospital kaya siguro ang langit na ang nag-adjust.

"Gising ka na pala, Posie... Grabe pinag-alala mo ako dun a. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" boses ni Theofer yun a. Bakit kasama rin siya dito sa langit. Patay na rin ba siya?

"Bakit ka rin nandito sa langit e demonyo ka diba?" tanong ko sa kaniya kaya nabatukan ako. Tangina ang sakit nun a. Pati pala dito sa langit dama mo ang sakit.

"Baliw ka! Nasa ospital tayo. Nahimatay ka sa gate ninyo e babalik sana ako dahil iba yung nasuot kong tsinelas tapos nakita na lang kita dun sa damuhan na walang malay." aniya kaya napakamot naman ako sa ulo. "Kadiri ka Posie, may garapata ka pa atang nakuha sa damuhan."nandidirig hayag niya kaya napangiti ako na kinataka niya. Hinila ko siya sa higaan at niyakap. Namiss ko itong kaibigan ko.

"Posie, bitawan mo ako at baka mafall tayo dalawa." aniya pero hindi ko siya pinansin kahit tunog dalawang meaning ang mga ito.

Bumukas ang pinto at niluwa nun ang pamilya ko sabay tikhim ni Dad kaya lumayo si Theofer.

"Gising ka na pala anak." mahinahon na ani ni Dad na sa lahat ay ang kinakatakot ko. "Kung hindi ka na sana nagpumilit na lumabas kang bata ka edi sana wala ka sa ospital. In the end, anong nangyari? Ito ka at suot ang ospital gown na parang tinuli ka ulit na blah... blah... blah..." ayan na naman siya. Tinakpan ko na lang ang tainga ko.

Tumingin ako sa pintuan sakaling dumating din siya, ngunit walang dumating sa ilang minuto kong pagtingin doon na pansin ni Theofer kaya umiwas ako ng tingin at kinain nal ang ang green apple na dala niya raw kanina papunta sa bahay.

"Theofer," Tawag ko rito kaya napaangat naman ang tingin niya sa akin na agad umiwas dahil masyado pa lang malapit ang mukha namin sa isa't-isa at dahil sa tikhim ni Dad na parang may baradong plema sa leeg. "Papicture ka na Dad. Malala na yan." aniko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Theofer," Tawag ko ulit sa kaniya pero nag 'mmm' na lang siya. "Thank you, huh."

"Para saan naman? Sa pagtulong ko ba sayo? Wala yun, alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa bestfriend ko e. Ano pang pakinabang kong kaibigan mo kung hindi rin kita tutulungan diba." aniya kaya napatango ako, pero umiling din. "Adik ka?" aniya na tiwanan ng kapatid kong Dairy Cream na di ko alam na nandito pala. Di ko man lang naramdaman ang existence niya. Alikabok talaga.

"Hindi lang yun at hindi ako baliw, guwapo lang." saad ko kaya tumikhim ang kapatid. "Papicture ka na rin. Nahawa ka na kay Dad." singit ko sa kapatid ko pero inirapan niya lang ako. "Thank you sa lahat ng nagawa mo sa akin simula bata tayo hanggang ngayon." saad ko kaya napaangat siya ng tingin na hindi na inalintana ang malaking tikhim ni Dad at ng kapatid kong kondensada. "Napakasaya ko dahil may kaibigan ako kagaya mo at hindi ko alam kung mapapano na ako kung walang Theofer sa buhay ko." Dagdag ko kaya mas lalo siyang napangiti. "At kayong dalawa." turo ko sa kapatid ko at ama.

"Yes, Anak?"

"Yes, Kuya?"

"Magpatarpaulin na kayong dalawang dahil malala na yang mga ubo ninyo alam niyo namang uso ang COVID-19 ngayon." aniko kaya napanguso silang dalawa.

"Akala ko pa naman sasabihan niya ako ng maganda." sabay na anilanh dalawa kaya napatawa si Mom, pero may dagdag ang kapatid kong gawa sa alaska ang mukha. "Maganda naman na ako kaya din na rin kailangan." Aniya sabay flipped ng buhok niyang bagong bleach ng brown.

"TOLOGO BA?!" tanong naming lahat sa kaniya kaya napawalk-out ang ate niyo, pero agad ding bumalik dahil naalala niyang takot nga pala siya sa mga nakakulay puti dahil takot siyang matalbugan ang mukha niyang binudburan ng mikmik.

"Theofer, nasan si Warden?" tanong ko rito na ikinawala ng ngiti niya at ikinasama ng timpla ng mukha niya. Sinagot niya lang ako ng kibit balikat kaya hindi na rin ako nagtanong dahil masyado akong tanga para tanungin pa yun e alam ko namang hindi sila in good terms ngayon ng dahil sa akin.

“Everyone. About Warden. I want to tell you something. But, I'm not ready yet to tell you about it.” biglang ani ni Dad. Why? What happened to Warden? Or what happened between them? What's happening?!

To be continued...

A Heart Drifting at the Mercy of Waves [BL] (COMPLETED)Where stories live. Discover now