Chapter 12 🏄‍♂️

3 2 1
                                    

Theofer

WHAT IS THE most scariest thing that you down want to experience? Seeing ghost? Bitten by snakes? Me. Other than losing my family members, losing him will drives me crazy. My sanity is at risk.

“Nandito kami ngayon sa bayan ni Mama. Namimili ng mga kailangan sa bahay at malapit na pa lang maubos ang mag stock. Day-off niya ngayon kaya napagdesisyunan niyang mag-grocery.

“Theofer, anak, kanina ka pa tulala riyan. Kanina pa kita kinakausap, pero di nagsasalita. May problema ba?” alalang saad ni mama kaya sinabi ko sa kaniya ang lahat ang nangyayari.

“Okay na ba si Don ngayon?” umiling ako. Don ang tawag ni mama kay Poseidon. “Bumili ka mamayang prutas bago tayo umuwi at bisitahin mo ang kaibigan mo.”

Tinuturing na ng mga magulang kong anak na rin si Poseidon dahil simula nang makilala ko siya ay lagi na kaming magkasama. Sangga't dikit sabi nga nila. Minsan nga napagkakamalan na kaming magkapatid dahil magmukha na raw kami at malapit na raw kaming magkapalit ng mukha. Nagtataka na nga ang mga tao sa'min kung bakit hindi raw kami na nanawa sa isa't-isa. Hindi na raw sila magtataka kung maging kami sa huli, pero it's too blurry to happen.

“Mama, wala na rin pala tayong palaman. Pinapapak ni Theodore tuwing hatinggabi.” singit ko kay mama kaya natawa siya pati ang mga malapit saming namimili na nakarinig.

“Yung batang talagang yun.” saad ni mama.

Nauna na ako sa sasakyan namin at may nakalimutan daw si mamang bilhin kaya pinauna niya na ako. Buhat-buhat ang dalawang malaking box sa magkabilang mga kamay ko nang makasalubong ko ang kapatid ni Poseidon na parang niliha ang mukha ng semento, pero iba ang mood niya ngayon. Ibang-iba.

“Hello, Aphrochichi?” pagbibiro ko rito, pero di niya ako sinigawan, tinignan niya lang akong blangko kaya natahimik ako saglit at tumikhim. “Ba't ganiyan itsura mo? At, anong ginagawa mo rito sa bayan ng mag-isa?” ngumuso siya while her tears are forming on her eyes.

“Si kuya kasi, kuya Theofer!” aniya kaya kinabahan ako.

“Bakit si kuya mo?!” alalang tanong ko.

Iginaya ko siya papuntang shed para makaupo kaming dalawa.

“Bakit? Anong nangyari?”
Ilang araw na rin akong hindi bumibisita sa kaniya dahil sabi sakin ni Poseidon, need niya raw ng time para mapag-isa kaya pinagbigyan ko siya.

“Nangangayayat na kasi si kuya at ilang araw nang hindi kumakain.” simula niya kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko at akmang aalis na ng hinila ako pabalik ni Aphro sa kinauupuan naming dalawa. Kasakit sa puwet. “Hindi pa kasi ako tapos, kuya Theofer. Masyado ka namang halata eh.” angil niya kaya natigilan ako.

“H-Halatang alin?” kabadong tanong ko kaya ngumisi siya.

“Na gusto mo siya.” she stated kaya umiwas ako ng tingin at nagsipol-sipol.

“Huwag ka nang magkunwari, kuya. Masyado kang halata. Si kuya Poseidon lang ang hindi nakakapansin kasi manhid siya.”

“Paano mo hindi mapapansin, eh papansin ka.” bulong ko, pero narinig niya ata kaya tinampal niya ang likod ko.

“Kuya, naman!”

“Biro lang yun. No hard feelings. So, ano ngang ginagawa mo rito sa bayan ng mag-isa?” pagbabalik ko sa usapan namin.

“Kasi nga nasusuffocate ako sa atmosphere sa bahay kaya umalis muna ako roon. Laging pinapagalitan si kuyang nagkukulong sa kuwarto. Pati pagkain niya ay pinapalipas niya.”

“Bago ang lahat, spell suffocate muna?”

“Kuya, naman!”

Pinapalubag ko lang loob niya sa mga nangyayari at sa tingin ko ay gumagana naman.

A Heart Drifting at the Mercy of Waves [BL] (COMPLETED)Where stories live. Discover now