Chapter 10 🏄

6 2 0
                                    

Poseidon

"Poseidon, please help me!"

NAALIMPUNGATAN ako nang alas kuwatro pasado ng hatinggabi dahil sa panaginip kong hindi ko gusto. Isang panaginip na hindi ko hihinging mangyari kahit kailan. Ang panaginip na mawawala si Warden sa piling ko... Si Warden na kapatid ko pala na minahal ko.

"Tumila na pala ang ulan." saad ko sa sarili at napatingin kay Theofer na malalim pa rin ang pagkakatulog.

Nakaidlip lang ako saglit pero Napagdesisyunan ko nang tuluyan nang gumising para naman may oras pa akong makapag-ehersisyo sa buhanginang dagat para ilabas ang stress na nararamdna ko. Ang pagjajogging na madalang ko nang nagagawa.

Nagtimpla muna ako ng kape at nagpalaman ng nutella sa bread pan na nasa mesa nila Theofer. Makapal na ang mukha kung makapal. Nagsaing na rin ako ng kanin para habang nag-aalmusal ay maluto na ito at para kapag gumising sila Theofer at mga  kapatid niya ay kakain na lang sila.

Wala raw ang mga mama nila ngayon at nasa trabaho. Bukas pa raw ang balik ng mama nila while ang papa nila ay nasa abroad.

Nang matapos sa pagluto ay bumalik ako sa kuwartoni Theofer para kumuha ng jacket niya at ng earphone para habang tumatakbo ay pinapakinggan akong music. Kumuha rin ako ng bottled water para kapag inuhaw ako ay may mainom. Parang bahay ko na rin kasi rito kaya kahit anong kunin ko ay goods lang. Anak na kasi ang turing nila sakin dito.

Lumabas na ako sa bahay ng handa na ang lahat ng kailangan ko. Nilakad ko muna ang papunta sa dagat dahil trip ko lang... joke. Dahil parang kinakabahan ang kalamnan ko. Iniisip ko kasi ang panaginip kong hindi ko malimot. Naulan kasi ako kagabi at ngayon medyo sinisipon.

Sabi ng iba na kapag nakalimutan mo raw ang panaginip mo ay ayon ang maaaring mangyari sa totoong buhay, pero kapag naaalala mo raw ay malabo raw yung mangyari kaya ayun ang pinanghahawakan ko ngayon.

Pagkarating na pagkarating ko sa buhanginan ay nalanghap ko agad ang salty breeze ng dagat na agad nanuot sa lalamunan ko na nakapagpikit sa aking mga mata at nang maimulat ng mga ito ay ang pagsalubong sa akin sa pangpang ng inaanod na pamilyar na surf board na ikinagulat ko. It was Warden's surf board.

Nilibot ko ang paningin ko, pero wala naman siya sa bawat sulok. Tinakbo ko ang mabuhanginang daan na kinatatayuan ng matatayog na puno ng buko na kinasisilungan ng mga kubong gawa sa kawayan at bubong na gawa sa kugon.

Tinitignan ang bawat sulok ng mga bato na baka pinaglalaruan niya lang ako kasi uso ang prank ngayon diba at baka napagdesisyunan niya ng magvlog ngayon.

Pilit kong pinapaniwala ko ang sarili ko na may mga kamerang nakapalibot ngayon sa akin at tinatawanan niya na ako ngayon. Umaasa akong ganun nga ang nangyayari ngayon, pero umasa lang ako dahil wala akong makitang kamera.

"WARDEN!" sigaw ko sa kinatatayuan, pero wala akong nakuhang sagot. "Huwag mo naman akong paglaruan ng ganito! Please Warden, hindi na ako natutuwa sa pinaggagawa mo! Mababaw lang ang pasensiya ko kaya huwag mo akong sagarin, Warden!" saad ko habang nanlalabo ang mga mata dahil sa luhang gustong lumabas. "Warden! Please tama na ang paglalaro at magpakita ka na... Please lang." Napaluhod na ako at napahagulgol ako. "Poseidon, hintayin mo siya at alam mo sa sarili mong darating siya dahil darating siya para sayo kaya hintay lang at tagalan ang pasensiya." pagpalubag-loob ko sa sarili. "Ipikit ang iyong mga mata at pagkabukas ng mga niyan ay nasa harap mo na siya at nakangiti, kaya pagkabilang ko ng tatlo ay ipikit mo ang iyong mga mata... 1... 2... 3... *Pikit*" umaasa ako na pagbukas ko ng aking mga mata ay bubungad siya sa paningin ko.

Nagbilang ako hanggang sampu bago iminulat ang aking mga mata pero ibang tao ang sumalubong sa aking paningin at nandun ang lungkot sa kaniyang mga mata at napailing-iling.

"B-bakit? B-bakit? B-Bakit T-Theofer, D-Did I do something wrong? Please tell me! M-Mayroon ba akong katangahang ginawa?! W-Why did he ended his life without me by his side para naman nasamahan ko siya na mawala sa mundo para naman pagbayaran ko ang pagkakamali ko! B-Bakit siya lang ang nagpaanod, dapat sinama niya ako!" para akong batang inagawan ng kendi. Umiling-iling lang si Theofer sa akin at niyakap ako kaya mas lalo akong napahagulgol.

“Nawala ka sa tabi ko kaya napapunta ako rito. I'm so sorry, I can't do anything to calm you down. I'm so for being worthless. Sana ako na lang si Warden. Sana ako na lang siya nang iminulat mo ang iyong mga mata.” lumuluha aniya dahil ramdam ko ang pagkagalaw ng mga balikat niya.

>>>>>>>>>>
Isang linggo na ang lumilipas simula mawala si Warden at simula nun hindi na nila ako makausap ng maayos lalo na ni Dad. Hindi na rin ako gaanong kumain at minsan kakain, pero kokonti lang. Naging bagsak na rin ang timbang ko.

Kinukulong ko ang sarili ko sa aking kuwarto at hindi kinakausap niisa sa kapamilya ko kahit ang kapatid kong si Aphro. Aphro sa ngayon muna ang pangalan niya sa akin dahil tinatamad akong mag-isip ng bago niyang kauri.

"Huwag mo akong pigilan Mahal dahil namumuro na yang panganay mo! Lagi niya nalang kinukulong ang sarili sa kuwarto tapos kapag kumain ilang subo lang! Magpagilid kayo at sisipain ko itong pintuan niya." Dad said.

I don't know what he's doing pero naririnig ko ang bawat kalabog sa pinto ko. Nabuksan niya yun at agad niya akong nilapitan at kwinelyuhan.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Hyubert huh?!" ginagamit niya lang ang second name ko kapag galit na galit na siya. "Papatayin mo ba ang sarili mo huh?!" wala siyang nakuhang sagot. "Anak naman, huwag namang ganito kasi kung nasasaktan ka sa pagkawala ni Warden, nasasaktan rin kami pati akong tatay niya na nagkulang na ilang taong wala sa piling niya." aniya na lumuwag na ang pagkakakwelyo at napahagulgol si Dad. Sinuntok-suntok niya ako ng mahihina. "A-Anak, may pamilya ka pa at kami yun kaya naman huwag mo namang isuko ang sarili mo agad sa taas dahil paano naman kaming maiiwan mo kung mawawala ka samin. Nawala na nga si Warden tapos mawawala ka pa sakin, ano na lang gagawin ko, anak?" umiiyak na silang lahat at pati ako. “Napakawalang kwenta kong ama.”

Napaluha na naman ako.

"D-Dad, He fades away in the raging wild waves and left me alone without my consent. He depart me without telling how I felt towards him that I like him even if I know that was wrong. And now, he's hurting me without his presence." aniko na na parang bata na nagsusumbong sa tatay. "G-Gusto ko siya Dad... gustong- gusto, pero alam kong mali yun kasi magkapatid kami. Hindi, baka mahal ko na nga siya e pero hindi ko man lang nasabi sa kaniya ang lahat ng ito dahil wala na siya." saad ko na akala ko papagalitan ako ni Dad dahil sa pagtatapat kong I'm not straight pero wala akong natanggap na masasakit na salita. He hugged me and hugged me even tighter.

"He knows already anak dahil actions speak louder than words kaya alam niya na matagal na at kita ko yun sa tuwing magkasama kayo." aniya naikinagulat ko. "Kaya anak kung gagantuhin mo ang sarili mo ay sa tingin mo ba ay matutuwa siya?" Tanong niya kaya umiling ako. "Kaya anak ipagpatuloy mo lang ang iyong buhay at huwag iisiping sumuko sa isang hindi magandang paraan dahil God is the only one who can dictate kung hanggang saan ka na lang." Dagdag niya kaya napatango ako dahil naintindihan ko ang gusto niyang iparating sa akin. “For now, hinahanap pa rin siya ng mga coast guards, so don't lost hope. But, I want to clarify something, Poseidon. Ang pagmamahal mo sa kaniya sa aking pananaw ay hindi yung mahal mo na siya na akala mo. Minamahal mo siya as kapatid. Mali kayong pareaho ng representasyon" paliwanag ni Dad na nagpabato sa akin. Did I? Did we get confused?

"Ang bagal mo namang magsagwan, Theofer! Ayan na yung magandang alon o." sambit ko sabay tawa para mas lalo siyang asarin.

"Heto na nga o." aniya sabay sagwan ng mabilis.

Sabay kaming lumusong sa tubig sakay ng aming surfing board. Pagkaahon ay agad kong binalance ang timbang ko sa pagragasa ng alon. Pinaakyat ko ang aking surfing board sa taas ng alon at nagstunts dito. Sa tuwing gagawin ko ito ay parang lumilipad ako at nakikita ang nakangiting mukha ni Warden. Are you proud of me, my brother? Sana masaya ka kung nasan ka man ngayon.

Nalabanan ko ang trauma ko sa alon ng dagat at nagtherapy rin ako para mas lalong maging successful ang pagcope ko ng trauma ko and now, I become a certified surfer.

"Isa pa ulit." aniko kay Theofer na agad naman niyang sinunod.

To be continued...

A Heart Drifting at the Mercy of Waves [BL] (COMPLETED)Where stories live. Discover now