PROLOGUE

5.5K 70 0
                                    















TITLE: It is lust or love?

AUTHOR: selenehaliya (Luna)
















⚠️READ AT YOUR OWN RISK⚠️

Grammatical and typographical errors ahead! Please be nice to everyone!!! Kindly correct any errors that you’ll see. Tia!











🌖SIMULA🌔









It was a long and of course a tiring day. Galing ako sa school kung saan ako nagtuturo. Yes! I am an educator, a teacher.









Kauupo ko pa lamang sa sofa ng aking bahay ay gumawa na agad ng ingay ang aking cellphone. It was an unknown number kaya hindi ko ito sinagot. Hindi talaga ako sumasagot ng tawag kung galing iyon sa walang pangalan na number. Tinakpan ko ng isang libro ang cellphone ko ng sa ganun ay hindi ko na marinig o maramdaman ang pag vibrate nito.













I took a shower to feel fresh. Sobrang lagkit kasi ng aking balat dahil maghapon akong nasa school at lumilipat-lipat pa sa iba't ibang silid para doon makapagturo.









Wala sa loob noong tinignan ko ang aking phone pagkatapos ko magbihis ng aking pantulog. Kumunot ang aking noo noong makita ko na humigit sa dalawampu ang missed call doon.











Mainit at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Hindi biro ang ganito. Hindi mag aaksaya ng oras ang isang tao para tumawag ng paulit-ulit sa aking numero.







Malalim ang bawat paghinga ko noong tinitignan ang magkakapareho na cellphone number na siyang tumatawag mag mula pa kanina. Sino naman kaya ito? Bakit siya tumatawag ng ganitong oras at anong kailangan niya?









Dahil sa maraming tanong ay agad kong pinindot ang call back at hindi nagtagal ay sumagot na ang nasa kabilang linya.










“Goddamn it! So, now you know how to fucking used your phone?!" Malalim ang boses nito at kahit hindi ko nakikita ang kaniyang mukha ay alam kong galit siya dahil sa tono niya ng pakikipagusap. I bit my lower lips. Pinipigilan ang sarili na mainis.








“Hmm, I’m sorry, but who is this?” Kinalma ko ang sarili kahit na nagsisimula na naman itong magmura. Pagod ako galing sa trabaho at sa mga ganitong pagkakataon mabilis uminit ang ulo ko, pero dahil galit ang lalaki sa kabilang linya ay hindi ko ito maaaring sabayan.










“What the… hindi na mahalaga kung sino ako! My man wasn’t still at home, at ikaw… I can’t reach you, kanina pa!” Galit pa rin ang tono niya, ngunit hindi katulad kanina, bahagya ang pagiging kalmado nito ngayon. Napapikit ako.






“Okay… then… but can you please enlightened me from what you’re talking about?” I still manage to said it clearly and calm kahit na ang totoo nayayabangan na ako sa lalaking kausap ko sa telepono. Puwede naman niyang sabihin agad kung anong problema niya ah? Bakit nagagalit siya agad na para bang may malaki akong kasalanan. Hmf!











“Uh-huh. You're so calm as if none of your student are missing!” uminit ang punong tainga ko ng sabihin niya ‘yon sa tonong nangaasar. Pero ang inis ko sa lalaking kausap ay agad napalitan ng kaba. Anong sinasabi niya?








It is Lust or Love?Where stories live. Discover now