22

862 22 0
                                    



Days passes... tahimik ang buong linggo ko at si Sol? He become busy with his works. Yes! Natanggap siya sa company namin at manager agad ito... Maybe because of his credential at idagdag mo pa na isa siyang Gabornes. Galing sa isang mayaman na pamilya.

I smiled as I saw him wearing his white long sleeve, black pants and his usually black shoes.

Sobrang gwapo! Wala pa diyan ang coat niya ha.

"Tss.. don't smile like that... I might lose my mind!" Suway nito sa akin kaya naman natawa ako.

"Nagwapuhan lang naman ako sa boyfriend ko ah?!" Sabi ko. Lumawak lalo ang ngiti niya.

"Bolera ka na din." Sambit nito sabay yakap sa akin.

I hugged him back. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko... dahil ito kay Sol. Dahil sa bawat ginagawa nito, maliit man o malaki... ay lalo kong kinahuhulugan.

Ganito ata talaga kapag umiibig ka. Masaya. Masarap at excited ka palagi.

I smiled again sa naalala.

When he asked me to marry him.. umo-oo ako ng walang pag-aalinlangan matapos kong masamid.


Walang singsing, walang ibang nakakaalam. Hindi official sa lahat pero para sa aming dalawa..

"When we can meet your parents, hon?" Tanong nito habang mahigpit pa rin ang yakap sa akin. I slightly bit the inside of my cheeks. Kinakabahan pa rin ako.

He is now my Fiancee pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sa kaniya nasasabi na anak ako ng may ari kung saan siya nag ta-trabaho.

I gave him a smile. Siguro ay s-surpresahin ko nalang siya.

Hindi naman siguro ito magagalit hindi ba?


"Sa summer..." I said. Isasama ko siya sa states para bumisita kay Mommy. Doon ko siya ipapakilala bilang Fiancee ko.

Wala pa man ay pinamulahan na agad ako ng pisngi ng ma-imagine ko kung paano siya haharap sa aking mga magulang.

Namataan ko nalang si Sol na naka-ngiti na rin..

"Matagal pa pala.." Ani nito. Bigla na naman tuloy akong kinabahan. Baka mamaya ay biglang mag bago ang isip niya.

"Bibisita kase ako sa summer doon... Isasama kita at ipapakilala na sa kanila..." As I told that, Sol did not spend any more time at ginawaran na ako nito ng isang matamis na halik na siyang kinalalasingan ko parati...

"I'll set a meeting with my parents too so I can introduce you with them..." He softly said while caressing my hair.

Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko dahil sa naiisip ko naman kung paano ako haharap sa mga magulang niya.... sa mga Gabornes!


"But of course, I will only do that pag katapos kong mag pakilala sa mga magulang mo." Magalang nitong sinaad sa akin.


Natapos ang usapan namin doon dahil kinakailangan na niyang pumasok sa kaniyang trabaho.

Inihatid pa ako nito sa bahay nila matapos akong sunduin sa bahay ko at tska siya muling humalik sa aking noo.

"I'll see you again, later!" He said so I nodded.

"Take care!"

"You too, Fiancee..." with that endearment... namula na naman ang mukha ko. Alam kong napapansin iyon ni Sol kaya mas lalong lumalawak ang ngiti niya...

It is Lust or Love?Where stories live. Discover now