17

807 26 0
                                    

----------

A|N: GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERROR'S AHEAD!!!!

Sabi nila, lahat ng bagay na nangyayari ngayon ay may rason.. pero ang tanong ko naman ay sa lahat ba ng rason na 'yon, meron bang magandang solusyon?

Katulad sa mga oras na ito. Para akong binagsakluban ng langit at lupa...

Lahat ng tao dito sa party ni Jess ay sa lamesa namin nakalingon. Gusto ko na nga mag pakain sa lupa pero ayokong maiwan si Sol dito mag isa.

The girl who's wearing a white dress, who looks like an angel is now here in our table...

Kanina pa kumakalabog ang dibdib ko dahil sa kaba... there's something else sa babaeng ito.

"Hon... kumain ka ng kumain." Narinig ko ang boses na 'yon ni Sol. Napalingon ako sa kaniya. Isang napaka-tamis na ngiti ang sumalubong sa akin mula sa lalaking mahal ko.

Wala itong paki-alam sa nang-yayari ngayon.. he doesn't care who is that girl.

"Yea-"

"Oh my God! Akiiiiim! Long time no see!!" Mas dumoble ang kaba ko dahil na kumpirma ko na ng tuluyan kung sino ang babae.

At kung bakit naka-tingin sa kaniya ang lahat...


Kung bakit pakiramdam ko ay may awkward moment sa mga sandaling lumalakad siya papalapit sa amin.


Hindi ko alam kung para saan itong nararamdaman ko. Bakit kaylangan na maramdaman ko pa ito. Natatakot, nahihiya at mas lalong gusto ko nalang umalis.


Nanuyo lalo ang lalamunan ko ng makita kung gaano kaganda ang babaeng 'to sa malapitan.


She's the first love, and first girlfriend of Sol. She's that girl named Akim.

"Hi." Mahinhin na sinabi nito. Naka-tingin lang ako sa kaniya the whole time hanggang sa mag tama ang mga mata namin. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko din siya. Dahil sa pag ngiti ko dito ay narinig ko ang pag singhap ni Sol.

I looked at him, seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. Para bang binabasa nito ang bawat letrang nasa isip ko.

Nag katitigan lang kame ni Sol habang nag uusap ang ibang tao sa paligid namin.

"How are you Akim?" - Maica

"Your so pretty girl... ikaw na talaga!" - Ky


"Hey, join us na." -Jules.


"You can sit here beside me Akim..." sambit ni Jess sabay turo sa katabing upuan niya sa pagitan nila ni Sol.

Doon lang ako nag iwas ng tingin mula sa mga mata ni Sol, bumaba ang mata ko sa aking pag kain. Mukhang hindi na ako makakakain pa.

Talaga bang nang-aasar ang kaybigan ni Sol?Huwag niyang sabihin na birthday niya! Naiinis ako.

Hindi ko alam kung saan nang-gagaling ang pag kainis ko.


I sighed.


Ayos. The ex and the present.... great!

Nanandiya ang mga babaeng kaybigan ni Sol.

Habang kumakain sila ay napapalingon ako sa gawi ni Jess at Akim dahil may pinag-tatawanan ang mga ito. Natataon naman na kada tingin ko kay Akim ay naka-titig ito kay Sol.

Kinalabit naman ako ni Chloe kaya napalingon ako dito.

"Kumain ka na... galit na si Gabo." Humagikgik ito ng sabihin niya iyon kaya napalingon ako kay Sol.

It is Lust or Love?Where stories live. Discover now