18

883 25 0
                                    


---------

A|N: Grammatical and typographical error's ahead. Pls bear with me. TIA


Kung totoo lang na umaabot sa langit ang ngiti, sigurado nasakop ko na ito.


Hinalikan ko si Sol ngunit sandali lang 'yon. May kumatok na kase sa pinto namin at bigla nalang ito pumasok.


"Fuck.. I forget to lock the door!" Bulalas nito ng makita namin si Andrew. Kasunod niya si Chloe, Haze and Jacob.. Ally is missing?

Oo. Silang apat ang iniluwa ng pintuan. Shemay! Mabuti nalang talaga at mabilis lang pag halik ko kay Sol... kung hindi ay nahuli nila kame... nakakahiya!

"Ay, nakakaabala ba kame?" Pa inosenteng tanong ni Haze. Bigla nalang tumalon sa kama si Chloe... at doon humiga.

"Ang unfair talaga... mas malambot ang kama ninyo kaysa sa kama ng kuwarto nitong asungot na 'to!" Reklamo niya habang tinutukoy si Andrew.

"Sus.. nag reklamo ka pa talaga Chloe? Ang balita nga sa amin ni Andrew, nahulog ka na't lahat sa kama tulog ka pa rin..." sambit naman ni Jacob.

"Lasing ako non! Itong buwakanang ina naman na'to pati pag kalaglag sa kama ikinukwento pa.. hindi ka talaga pwedeng pag sabihan ng sekreto!" Sabad ulit ni Chloe.

Bago pa sila nag away-away ay pumagitna na si Sol.

"What the hell are you doing here? Nasaan na 'yong binilin ko Andrew?!" Masungit na sambit niya sa mga kaybigan. Nag kibit balikat lang si Andrew...


"Wala pa eh... nag paluto pa ako ng letchon!" Walang kwentang sabi nito. Napa-iling nalang 'yong tatlong kasama niya.

"On the way na.. si Ally ang nag prisinta eh... alam mo naman ang isang 'yon uto-uto. Akala niya talaga buntis si Farrah.. puro healthy food ang kinuha." Panlalait pa ni Jacob sa kaybigan nila.

"Eh bakit kayo nag punta dito? Wala naman pala kayong mga dala na kahit na ano!" Mariin na reklamo ni Sol. "Umalis ka nga diyan Chloe.. higaan yan ni Farrah!" Pag bawal niya sa babae. Tinaasan lang niya ng kilay si Sol.

"Hindi maarte si Farrah.. hindi kagaya ni Akim." Sambit naman nito. Lihim akong napangiti. Itong si Chloe... galit na galit kay Akim... ganoon ba nito kaayaw sa dati niyang kaybigan?

"Tss... shut the hell up." Sol.

Hindi pa ako nakapag-pasalamat kay Chloe dahil sa ginawa niya kanina... alam ko naman eh.. kahit hindi nito sabihin. Sinabi lang niya ang mga 'yon dahil gusto niya akong ipag-tanggol.


"Akala mo lang kame walang dala pero meron, meron, meron!" Banat naman ni Haze. Nilitaw nito ang isang bote ng black label habang si Jacob ay nilalabas ang maliliit na baso mula sa bulsa niya.

Anak ng tokwa ang mga kaybigan na ito ni Sol! Kung gaano kaaarte ang mga babae niyang kaybigan maliban kay Chloe ay siya namang kabalbalan ng mga lalaki niyang barkada.

God.

How I wish I have friends like these guys?

"Gago ba kayo?" Napalingon kaming lahat kay Sol. Mukhang ayaw niya sa alak ngayon.

"Oo." Sabay sabay na sagot ng tatlong lalaki at sabay sabay pang mga tumawa.

"Ngayon mo lang alam Gabo? Kasama ka nga namin sa pagiging gago.." sambit pa ni Haze.

"Kaya nga. Pa good boy ka pa ba kay Farrah? Mukha namang alam niya na lasinggero ka!" Banat pa ni Andrew.

Pinag-kaisahan nilang tatlo si Sol kaya wala na itong nagawa.

It is Lust or Love?Where stories live. Discover now