Chapter 2: Princess Mel

9.6K 446 24
                                    

Apparently inexplain ni Princess Mel kung ano ang nangyari saakin bago siya nagmamadaling umalis. She was really in a hurry pero may oras pa niyang ikwento saakin.

Pwede naman niyang ikwento sa susunod na araw eh, she really does trust me. Pinaliwanag niya saakin na sinapak daw ako ng isang wizard.

She said we were fighting so that wizard person smacked me magic and left Herabella unconious for days. Actually chill lang ako since hindi naman ako yung sinapak.

Pag ako yung sinapak, hahanapin ko talaga ang gumawa non sakin. She also told me the story about us meeting nung bata pa daw kami.

Buti nalang at naniwala siyang nagka-amnesia ako. wala kaya akong alam kung ano ang nangyayari bago nagsimula ang kwento which is next week pa magsisimula.

She told me she was saved by 'Herabella' (NOT ME) sa mga bullies noon. Hindi ko alam na binubully pala ang kontrabida natin dahil sa katabaan niya.

She's chubby not fat! At ano naman kung mataba siya? maganda naman si Melusine kahit chubby siya, mga judgmental din pala ang mga tao dito ano?

Melusine in my opinion is really not that bad. Hindi lang talaga siya binigyan ng focus sa story, ganon naman talaga lahat ng kontrabida eh.

Well it's not gonna be my business kasi I will find out muna kung bakit ako andito- "Hey there!"

"POTANGENA MONG UNGGOY KA- WHAT THE HELL?!" inis na sigaw ko dahil biglang may umappear na lalaki sa harapan ko. Who is this?!

"Hi I'm God Rios nice to meet you... human from another world." Hindi ako nagdalawang isip na hawakan ang damit niya. "I-I'm Princess Melusine's guardian God."

He has lime hair... and lime eyes wearing some glasses. Para tuloy siyang halaman. At sabi niya isa siyang Guardian ni Melusine? That explains the color of his hair.

This person knows why I'm here, or siya ang rason kung bakit ako andito. Diniinan ko naman siya ng tingin...

"Ok- ok muhang may alam ka na kung ano ang nangyari sayo." Hindi naman ako tanga para hindi agad malaman kung ano ang nangyari.

"Why am I here?" diin na tanong ko sakanya at sinamaan siya ng tingin. Itinaas niya naman ang dalawang kamay niya.

"Ehem allow me to explain. You're reincarnated as a side character right now." HE IS STATING THE OBVIOUS! HINDI NAMAN SIGURO AKO BOBO-

"Yeah no sh-t Sherlock. Straight to the point." Inis na sabat ko. Inalis niya ang kamay ko sa damit niya at umupo ng maayos.

"Andito ka ngayon upang iligtas ang buhay ni Princess Melusine Ondine." Hindi naman ako naka-respond agad, ano daw?

I beg your pardon?"

"You want me to what?!" pasigaw na tanong ko sa sinabi ng isang Dyos sakin. Is he serious right now? "You want me to save... the villainess!?"

"Paulit ulit? Gusto mo ulitin ko? Save Princess Melusine Ondine, try not to let her die." Napatampal ako ng noo at hinawakan siya sa kanyang balikat.

"Look here God... whoever you are. Iyang nire-request mo saakin ay napaka-imposibleng mangyari." Diing sabi ko sakanya.

"Well that's why-

"Gusto mo bang masira ang flow ng story? Nasa isang nobela tayo, isang napaka sikat na libro. Gusto mong magalit ang mga readers!? Gusto mong maging boring ang kwento?"

Napanguso naman siya at bumuntong hininga. "She's been through a lot, she didn't deserve death."

Of course ayaw ko din na mamatay si Princess Mel but changing the story flow can ruin the story! Nasa nobela kaya kami!

"God ka naman diba? Why don't you save her yourself? Duh with your God powers?" inirapan niya naman ako he even rolled his eyes. Ugh the audacity talaga.

"Bawal kaming mag interfere ok, unless we exist as characters." Sinamaan ko naman siya ng tingin. "But you're reincarnated as Melusine's friend, you can do it for me."

Is he kidding me?! wala akong pake kahit isa siyang God sa kung saang lupalop ng mundo basta gusto ko siyang masapak ng napakalakas hanggang sa mawalan siya ng malay.

"I can read your thoughts Herabella." He snickered. I exhaled heavily para ramdam niya ang galit ko.

"Atsaka nakalimutan mo bang namatay kana sa mundo niyo? You were the first one I saw who died kaya wala din akong choice." Napipilitan ampota.

"Ang rason kung bakit kita pinili ay ikaw lang din ang iisang tao na namatay habang nagbabasa ng libro." Wow, is he pointing out my katangahan?

I rolled my eyes until he added something. "I can let you go back to your world alive. Pero in exchange for Melusine's safety."

Lumiwanag naman ang mata ko ng sinabi niya iyon. Yeah I already died in my world dahil sa katangahan kong mahulog sa hagdan.

"So my mission is to keep her alive hanggang sa mag happy ending ang kwento?" pagsisigurado ko.

"Yes." Napaisip naman ako, that's kind of fair-fair exchange.

Gusto niyang iligtas ko si Princess Mel in exchange for my life sa totoong mundo. It does sound fair pero nakakatakot ang mga kalaban ko.

"Ok fine, I accept this mission. Wala naman akong choice diba?" tumango siya. "Ugh... pasalamat ka't ni-reincarnate mo ako bago magsimula ang totoong story."

Buti nalang at maliligtas ko pa si Mel. Para rin yung lintang dikit ng dikit kay Prince Gareth eh, dapat talaga ilayo ko siya don.

Tiningnan ko naman ang God na guardian ni Melusine. "Why are you trying to save her?"

Hindi naman siya sumagot at tumawa lang, para siya yung type of person na mysterious. "I've seen her through thick and thin."

Since isa siyang God, he's probably like a thousand years old diba? Oh well wala na akong pake, basta ang mahalaga ay makakabalik ako sa sariling mundo ko.

"Wow you really wanted to go back sa mundo mo huh." Nag-shrug nalang ako sa kumento niya, magsestay bato dito palagi? "Hindi naman, I will be around observing."

"What if... hindi ko siya maliligtas?" wala sa sariling tanong ko. nawala naman yung ngiti nung God Rios nung tinanong ko yon.

"Then you won't be going home." Napakagat naman ako ng labi at tumango. Unti unti naman siyang nawala sa harapan ko.

I wonder why he's helping Melusine... 

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon