Chapter 17: School Life Sucks

6.8K 388 17
                                    

Feel ko talaga may sasabihin siya kay Mel eh, ano ba meron? Ano ba ang nangyari nung nag expedition kami? "How dare you do that to the crowned prince-"

I glared at Erina, mukhang natakot naman kaya hindi na niya tinuloy. "L-Lady Hera, ok lang ako. H-he's the crowned prince, mapahamak ka."

Psh, ano naman kung crowned prince siya? mas nakakatakot pa din si Magnus kesa sakanya. nag bow naman si Mel kay Prince Gareth ang humingi ng pasensya.

"Sorry! sorry, my friend is just protective. Please don't punish her, prince. I will take responsibility." Pagso-sorry ni Mel kay Gareth pero nakatitig lang yung prinsipe sakanya.

Ang bait talaga ni Mel, yung prinsipe na nga ang may kasalanan siya pa ang nagso-sorry. This prince- ano ba ang kailangan niya kay Mel?

We already kept our distance, we accepted what he said and continue to move on. Yun naman dapat ang gusto niya diba? Tulad sa nobela?

Gusto niyang hindi makita si Mel, pero bakit lapit siya ng lapit ngayong natupad na ang pangarap niya?

"That's absurd! Siya dapat ang managot- no! kayo dapat dalawa, it's all your fault! Why would you punch the crowned prince?!" sabat ni Erina.

"Shut up- hindi ka kasali dito." inis na sagot ko dahil sa iniisip ko, "If gusto mong sumali, I can punch you too para kasali kana."

Natahimik naman siya, dapat lang. I always hate her childish and naïve personality, "M-my savior, wwag naman tayong umabot sa ganito."

Sumulpot naman si King na parang wala siyang choice kundi i-defend si Erina, well he's the bestfriend at bodyguard ni Erina.

Dapat lang na sumulpot siya. "Savior? Who? Her!?"

Hindi na ako nagsalita at diniinan ng tingin sina King, Erina at Gareth. Bumuntong hininga naman si Gareth at kumaway. "Its fine... let's just... go."

"Ano? but she punched your beautiful face, your highness. Dapat parusahan silang dalawa." Inis na sagot ni Erina which made the Prince glared at her.

"Did I stutter?" napatikom naman ang bibig niya at napayuko. That's weird, ngayon ko lang nakitang pinagalitan ni Gareth si Erina.

Wala kaya yan sa nobela, he always sweet talks his girl para di umiyak kasi nga childish at pabebe. Atsaka this is the first time seeing him mad like that...

I mean palagi naman siyang galit basta anydan si Mel pero this one... is out of the book. Si Erina pa talaga ang pinagalitan niya, the female lead?

"Tara na Princess Mel." Malamig kong sabi sabay hatak sa prinsesa. Bumuntong hininga naman si Mel at may binulong saakin, tumango naman ako sa sinabi niya.

"We wish to never see you again." sabay sabi namin sakanila at umalis na, bago kami umalis ay nakita ko ulit yung lungkot sa mata ni Gareth.

Was he faking it? baka nga, why would he be sad when he should be celebrateing dahil natupad na ang wish niya na lumayo si Mel?

I also saw King having second thoughts, I think gusto niyang mag sorry in behalf of Erina. Or maybe he wants to say sorry dahil sumagot siya sakin.

Atsaka gusto lang sabihin ni Mel yun na kasama ako kasi natatakot daw siya pag siya lang. "Buti di ka na marupok, princess Mel."

Tumawa naman siya sabay sabi. "I learned from the best!"

~~~~~~~~~~~~~'

Salamat naman at umayon na din sakin ang tadhana. Buti nalang talaga at magkatabi ang kwarto namin ni Mel sa dorm. Andito kami ngayon sa room ko.

Mas Malaki pa ata ang kwarto na ito sa bahay ko don sa sariling mundo ko, kamusta na kaya yung mga kaibigan ko don?

I wanna go back pero hindi pa tapos ang lahat, atsaka kakasimula pa ng kwento. Not to mention nag-iba ang flow...

Also I forgot to mention that, this huge as$ school dormitory looks like a mdfking hotel sa loob. Bukod sa may sariling cafeteria ang mga babae sa ibaba.

Maraming shopping malls and stalls sa first floor. It looks like a modern themed hotel! I think hanggang 7th floor ata ang dorm?

Basta walang elevator pero merong bubble portal, basically looks like an elevator pero more magicy. Basta involve sa magic.

"Hmm, akala ko sa susunod na araw pa magsisimula ang classes. I guess it will start tomorrow." Sabi ni Mel habang nakatingin sa form niya.

What? jusko nakalimutan kong andito pala ako para mag-aral. But do I have to? Alam ko na lahat ehhh... hays asan na ba si Rios?

I haven't seen him around, madalas kasi siyang manumbat at tatawanan ako. I guess he appears whenever he pleases.

"Ah nga pala, ano ba ang nangyari sainyo sa expedition?" tanong ko, nag-aayos kasi ako ng dresses. May sarili nga kaming uniform pero dress...

Weird pero maganda naman ang disenyo, basta uni-dress siya it looks good? I guess... "Oh, wala namang masyadong nangyari."

"Hmm? We heard Princess Erina screamed." Sabi ko at isinarado na ang cabinet.

"Oh andon ba kayo malapit samin? yeah she screamed kasi may mga palaka na tumalon sakanya." paliwanag ni Mel.

Hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko sa narinig ko. serves her right, duh.

"Atsaka the Prince kept asking to talk to me." napatitig naman ako sakanya, mukhang confused din siya tulad ko.

Of course napansin ko na gustong makipag-usap ni Gareth kay Mel. Also ang weird, bakit nakipag-break si Gareth kay Mel?

Dahil ba talaga na inlove siya kay Erina? Pero nakita ko siyang nagalit kay Erina kanina. "Gusto mong makipag-usap sakanya?"

She sighed at umiling. "No, ayaw ko pa. baka masira yung pagmo-move on ko, back to zero na naman ulit pag ganon."

"True, pero are you interested in what's he's going to say?" tanong ko naman.

"I'd lie if I say no, of course interesado ako. pero knowing he's engage, it sounds so wrong. So hindi nalang muna." Naka-shrug na sagot niya.

Although hindi ko bet si Gareth, he seems like he really wanted to say and explain kay Mel. Naguguluhan ako dahil hindi inexplain sa novel kung bakit nangyari ang break-up.

Baka nainlove nga siya kay Erina? Or maybe he's playing with Mel's heart? Ano kaya? Bakit kasi hindi inexplain ang detalye sa novel.

Diba ang unfair? Kaming mga side characters and villainess ay walang full detail kung bakit nangyari ang mga pangyayari iyon samin.

I don't even know Herabella's having a financial problem kung hindi lang ako nag-reincarnate dito. No one knows their pain except sakin.

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon