Prologue

13 1 0
                                    

Prologue

“Dion, wait lang. Huy.” Humihingal na sa kakahabol si Lianne sa kaklase.  Nagalit sa kanya ang huli dahil nalaman nito na sinagot na pala niya ang isa niyang manliligaw na si Charles. Kung tutuusin ay mas nauna pang magtapat ng nararamdaman pa sa kanya si Dion ngunit mas pinili niyang payagang manligaw and eventually ay sagutin si Charles sa dalawang dahilan. Una ay ang pagkakaibigan nila at ang pangalawa ay ang salitang rebound. Dion just came from a break-up at ayaw niyang lumabas na rebound lamang ng binata kung kaya’t hindi niya hinayaan na magpaligaw rito sa kabila ng ginawa nitong pagtatapat. Kung sa pagiging mabait ang pag-uusapan ay mas nakalalamang si Charles dahil sa pagkakakilala niya kay Dion ay napaka stubborn nito at madalas pa nga ay dominante. Maikli lang rin ang pasensya nito at mabilis magalit. Ngunit bilang kaibigan ay nasasakyan niya ang topak nito. After two years of being classmates ay nagtapat sa kanya si Dion at natuwa siya sa pangyayaring iyon dahil first day pa lamang ng klase niya sa kolehiyo ay agad na niyang naging crush ito. But as time goes by ay naging magkaibigan sila at napabilang sa iisang circle of friends so she hid and even decided to throw away that feeling.  Then here comes Charles. Iba ang kurso nito at nakilala niya one fine University Foundation Day. Hindi maitatanggi ang kagandahan niya kung kaya’t marami ang nag-attempt na manligaw sa kanya ngunit si Charles lamang ang pinayagan niyang manligaw. Then she decided to say yes to him, kanina lang. She believes in “signs” at nang tumugma lahat iyon kay Charles ay sinunggaban na niya ang pagkakataon na iwan ang pederasyon ng NBSB o No Boyfriend Since Birth.

Nang mahabol niya si Dion ay agad niyang hinila ang manggas ng suot nitong uniporme. Tumigil sa mabilis na paglalakad ang lalaki kung kaya’t nahawakan na niya ng dalawang kamay ang kaliwang braso nito. “Sorry na.”

She’s so sure that she could see hurt in his eyes. Bahagya pa ngang kumislap ang mga mata nito  na animo’y pinipigilan ang mga luha sa tuluyang pagtulo at tila ayaw nitong makita niya  iyon kung kaya’t tumingin ito sa ibang direksyon matapos siyang matamang titigan. “Sabi mo, maghihintay ka.” Tukoy nito sa binitiwan niyang salita noon dito. May pait, hinanakit at panunumbat na tonong kalakip ang apat na salitang binitiwan nito. Ramdam niya iyon at napabuntong hininga na lamang siya.

 She doesn’t want to be called as “rebound”, “vulcaseal”, o “panakip-butas” kung kaya’t hindi niya hinayaan na ligawan siya nito kahit pa nga sabihing gusto rin naman niya ang binata instead they remained as friends. And she felt guilty. Oo nga pala, sinabi niyang maghihintay siya sa binatang maka-move on ito. Ngunit sa mga panahong hindi niya ito nakakasama at si Charles ang madalas na nasa kanyang tabi ay tila nabaling na rin ang lahat ng atensyon niya sa masugid na manliligaw. Kinalimutan niya ang anumang espesyal na nararamdaman para kay Dion at sinagot na nga niya ng tuluyan si Charles.

“Pero kasi Di, we’re better off as friends.” Subok niyang pagpapaliwanag sa binata. Dion is a very protective friend at gusto niya ang pakiramdam na parang may kuya sa eskwelahan. Natatakot rin siya sa isipin na kung hindi mag-wo-work out ang relationship as a couple ay maaari ring masira ang pagsasamahan nila bilang magkaibigan. Hindi niya yata kayang isakripisyo iyon. She can’t take a risk of losing a very good friend like Dion. Idagdag pa ang isang dahilan. “Jessa wants to talk to you. Tulungan ko daw siya na maging kayo ulit. Di, baka may pag-asa pa sa inyo,” Pakiramdam niya ay may imaginary knife na tumarak sa kanyang puso matapos maalala ang naging pag-uusap nila ni Jessa at matapos maisip na maaari ngang magkabalikan ang dalawa. She felt weird. Super weird.

“ Para lang sa kaalaman mo, matagal na akong naka-move on kay Jessa at masyado na ring malalim ang nararamdaman ko para sa’yo. Better off as friends? Tangina. We ‘re not friends, Li. Never will be. Hindi ko matatanggap iyon, ” marahas na hinila ni Dion ang kamay, tuluyan na siyang tinalikuran at mabilis na naglakad muli palayo sa kanya. Nasaktan siya, oo. Sobra. Sa hindi niya malamang dahilan. O maaari ring sa maraming dahilan…

 

 

 

 

 

 

 

Move On and Move Closer To Me (Formerly: Redamancy - The Act of Loving You)Where stories live. Discover now