Chapter 7

8 1 0
                                    

Chapter 7

Hindi pa nga siya nakakaget-over sa nakaraan nilang outing, heto at niyaya na naman siya ni Dion na pumunta sa isang beach resort makalipas ang dalawang linggo. Muli ay ipinagpaalam siya nito sa kanyang ina at muli rin siya nitong pinagayan. Ang lakas talaga ni Dion sa Mamey niya.

Dalawang lingo na rin nitong pinasasakit ang ulo at dibdib niya. Dahil magpasahanggang ngayon ay hindi niya matanggap sa kanyang sarili na mahal na nga niya ito. Pilit niyang isinisiksik sa kanyang isipan na magkaibigan lamang sila at infatuation lamang ang nararamdaman niya para dito na kapagkuwan ay maglalaho rin.

Para rin sa kanya ay kasalukuyan lamang siyang nalilito sa tunay niyang damdamin. Kung baga sa isang teenager ay nasa identity crisis stage siya ng kanyang buhay.

Buma-bagets ako, bakit ba?

Naiisip niya pa rin ang damuho niyang ex-boyfriend ngunit mas nakukubabawan na nito ang mga bago nilang memories ni Dion.  Lalo na ang eksena sa falls. Para itong sirang plaka na paulit –ulit na nag-reregister sa kanyang memory bank.

Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang lahat ng kanyang naiisip at itinuon na lamang ang atensyon sa daan. Panaka-naka ay nagkikwentuhan sila ni Dion ngunit madalas ay nag-aasaran. Lumalandi na naman ang puso niya.

Ang outing destination nila this time ay sa Matabungkay, Batangas kung saan naglipana ang mga floating cottages na naka-park sa dagat at ang mahabang coast naman nito ay napalilibutan ng yellowish to white na purong buhangin.

“Nasaan na sila?” tukoy niya sa mga kaibigan na wala pa sa lugar na iyon. Nauna silang nakarating doon ni Dion gamit ang sasakyan ng binata. Mahigit isang oras na rin ang nakakalipas mula ng makag-check in sila sa isang resort.

Tumunog ang kanyang telepono, tanda na may nag-text. Stranded kami sa SLEX, enjoy the day. See you tomorrow.  Nanlalaki ang mga mata niya nang mabasa ang text message na nanggaling kay Laarni.

Mga pakshet kayo! May kutob siyang sinet-up sila o siya ng mga kaibigan. Bumaling siya kay Dion na abalang nagtatayo ng tent sa labas ng nirentahan nilang air-conditioned, bungalow type transient na may dalawang silid.  “May kinalaman ka ba rito, Ignacio?” Itinapat niya sa mismong guwapong mukha nito na medyo dinadaanan ng ilang butil ng pawis ang kanyang telepono.

Bahagyang napaatras  si Dion at inilayo ang mukha sa telepono dahil hindi nito iyon mabasa ng maayos at para itong naduduling. “Wala akong alam diyan.” Anas nito nang mabasa ang mensahe at tila walang paki-alam na nagtuloy sa ginagawang pagtatayo ng tent.

Naningkit ang kanyang mga mata dahil sa isinagot ng binata. “You’re lying. Guilty ka! Kilala kita, Ignacio.”Panghuhusga niya rito. Bahagya kasing sumilay ang ngiti sa sulok ng labi nito. Ibig sabihin ay hindi ito nagsasabi ng totoo.

“Enjoy the day daw. Eh di iyon ang gawin natin.”

SHE WENT for a swim at sinamahan naman siya ni Dion. They really enjoyed their day. She found out that the sea along Matabungkay, Batangas is not that much damaged yet. Patunay rito ang mga seaweeds at iba’t ibang uri ng isda na nasisilayan niya kahit nasa mababaw  na parte lamang siya ng dagat. She even saw a sea snake at muntik na niyang maapakan iyon. It was a stripe of white and black at ang sabi ni Dion ayon sa pagkakaalam nito, poisonous ang mga ganung klase ng ahas-dagat. Mabuti nalang at 20/20 pa ang vision ng kanyang mga mata kaya’t naiwasan niya itong maapakan.  They ate lunch on a nearby restaurant dahil pareho silang tinatamad magluto ng mga dala nilang raw foods. The whole place was just so peaceful na parang ang gusto mo nalang gawin ay humilata maghapon or mag-swimming  o di kaya naman ay panoorin ang dagat na may mga naka-park na floating cottages. They are both too lazy for some house chores.

Move On and Move Closer To Me (Formerly: Redamancy - The Act of Loving You)Where stories live. Discover now