Chapter 4

8 1 0
                                    

Chapter 4

RULE number five, take it slowly.

Ito ang rule na ibinigay niya sa kaniyang sarili. Yes she has to move on. But mostly through herself. Dinalangan na niya ang pakikipag-usap kay Dion at pati na rin ang pakikipagkita rito. Nararamdaman niyang nagtatampo sa kanya ang kaibigan dahil ilang beses na niya itong iti-nurn down kahit pa na gustong gusto niya sumama dahil nag-eenjoy siya kapag lumalabas sila. But as the rule number five states, she has to take everything slowly especially with Dion. Magkaibigan nga sila ngunit kapag hinayaan niya ang sarili na masanay sa presensya nito ay baka lumampas pa roon ang pagtingin niya para dito. And it’s not yet time for that one step forward. Isang buwan pa lang mula ng mangyari ang pinakamatindi at nag-iisang heartbreak niya and she knows just like what Dion said, maaari siyang maguluhan sa tunay niyang nararamdaman.

For that whole month ay never siyang kinausap ni Charles and she’s thankful to that thing. Dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin sa harap nito nang hindi ito napapatay ng ‘di oras. She’s still hurting every time she thought of him and she guess and she hopes that maybe after two more months ay mawawala na ang sakit at magagawa na rin niya itong patawarin. Well, sana nga.

Nahulog sa mesa ang pangangalumbaba niya dahil sa tunog ng doorbell. Kasalukuyan siyang nasa dining table habang nanonood ng pelikula sa kanyang laptop. “Mamey, may tao!” sigaw niya sa kanyang ina na prenteng nakaupo sa kanilang sofa at nanonood sa flat screen ng paborito nitong showbiz oriented show. Pahinga nito sa grocery ng araw na iyon.

“Bebe Girl, may tao!” balik sigaw ng kanyang ina.

“Aish!” Malapit nang matapos ang pinapanood niyang pelikula kung kaya’t naiinis siyang napatayo dahil wala siyang choice kundi pagbuksan ang kung sinumang Pontio o Pontia Pilato iyon. Reyna ang Mamey niya sa pamamahay nila at prinsesa lamang siya. Ito pa rin ang masusunod.

Parang tinambol ng malakas ang kanyang dibdib nang mabungaran sa kanilang gate ang mukhang bagong paligo na Pontio Pilato.“Oh? Naligaw ka yata!” Bakit niya kailangang parang kabahan? Like hello, si Dion lang naman iyang nakatayo sa harap niya at parang naka-rugby ang mga ngiti nito sa mukha. Nahawa tuloy siya at para siyang tanga na nakipagngitian ng ngitian rito. Mag-ngitian nalang sila magdamag. Magandang ideya yan. Syet, hindi ako magsasawang titigan siya.Ang sarap sa feeling.

Pakiramdam niya ay napuno siya ng good vibes sa katawan pagkakita sa lalaki at animoy napaliligiran ito ng iba’t ibang makukulay na paru-paru na kapagkuwan ay nagsipagdapuan sa kanyang tiyan.

“Magpapaalam lang ako sa Mamey mo,” imporma nito.

“Bakit? Anong meron?”

“Itatanan na kita.”

“Sira-ulo ka!” Nabigla man sa nakakalokong sagot ng lalaki ay bakit siya parang kinilig? Nasalag nito ang gate na isasara niya sanang muli.

“Joke lang. Ito naman.”

Nakaharang pa rin sa pagitan nila ang gate de bakal ng kanilang bahay. “Eh bakit ka nga nandito? I want a matinong sagot. Matino. Capital M, matino!” pagtataray niya upang pagtakpan ang kaba at kilig na pinagsama niyang nararamdaman. Ewan! Shet na malagkit lang talaga. Bakit ba may ganitong feelings? Ang weird ko na talaga, lately.

 “60th birthday ng lola ko. Yayayain sana kita sa amin. Sa San Mateo, Rizal. Kasama ang Tropang Laders,” ang tinutukoy nitong tropa ay ang mga dati nilang kaklase at kaibigan noong kolehiyo.

Niluwagan na niya ang gate kasabay ng pagkalma ng kanyang nagwawalang kalooban kani-kanina lang. “Kailangan mo nga akong ipaalam sa Mamey ko. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo, isang malaking good luck. No to out of towns ‘yon. Certified super KJ.”

Move On and Move Closer To Me (Formerly: Redamancy - The Act of Loving You)Where stories live. Discover now