Chapter 5

9 1 0
                                    

Chapter 5

Makalaglag panty. That’s the best thing to describe Dion Ignacio upon entering the room of Freshman College under the course of Management.  At aaminin ni Lianne sa kanyang sarili na isa siya sa mga babaeng nalaglagan. Ng panga. Dion was so handsome for his age. Tila tumigil ang mundo ng lahat ng kababaihan sa long ng classroom na iyon dahil sa pagngiti nito habang naghahanap ng mauupuan.

Luckily, the seat beside her is empty. “Miss, may nakaupo po ba rito?”

“Wa-wala.” Ang gaga niya lang! Bakit siya nauutal? At bakit siya kinakabahan na hindi mapalagay na ewan? Kung tutuusin, sa edad niyang seventeen ay marami na siyang naging crush. Ngunit kakaiba ang epekto ng isang ito. This must be crush at first sight. And maybe that’s the reason kung bakit siya nauutal habang kausap ito.

“Okay lang po ba kung dito ako uupo?” Nakita niya ng malapitan ang dimple nito at mapuputi’t pantay pantay na mga ngipin. Naghuhurementado na talaga ang puso niya.

“Su-sure!”

From then on ay naging magkaibigan na sila then they belong to the same circle of friends na eventually ay nagkaroon ng pangalan na Tropang Laderz.

 

Dahil sa likas na guwapo, mismong mga babae na ang lumalapit kay Dion at nag-ooffer na maging girlfriend nito. At sa tuwing may bagong jowa ang lalaki ay nasasaktan siya. Tumigil na rin siya sa pagkakaroon ng crush sa ibang lalaki at naging loyal na lamang kay Dion. She has been her “crush life” for the past two years. Ngunit kahit kailan ay hindi niya isinatinig iyon kaninuman. Na miski sa sarili niya ay lagi niyang itinatanggi at pilit isinasaksak sa kanyang isipan na magkaibigan lamang sila. Nothing else.

Bago sila tumuntong ng third year college, nagkaroon ng seryosong karelasyon si Dion. Ito ay si Jessa. They lasted for six months. After that relationship ay bigla na lamang nagtapat ang lalaki sa kanya sa likod ng University kung saan may bilihan at kainan ng hamburger.

“Li, may sasabihin ako sa’yo. Ayaw na kitang maging kaibigan.”

Napabusangot siya ng ‘di oras at labis labis ang pagkulubot ng kanyang noo sa sinabi nito. Malamang ay pinagtitripan na naman siya neto na madalas nitong gawin. Mahilig itong bumanat ng mga pick up lines na sadyang corny ngunit nasasakyan niya. “Ano na naman bang banat yan?”

“Step forward tayo. Pwede ba kitang ligawan?” Deretsahang anas ng lalaki. Kasehodang nakikinig sa kanilang usapan si Ateng nagbebenta ng hamburger ay wala itong pakialam.

Muntik na siyang mabilaukan sa nilalantakang burger. Inabutan siya ni Dion ng C2 para mahimasmasan siya. Agad naman niyang tinungga iyon.

Gusto niyang matuwa dahil finally, siguro naman ay nagustuhan na rin siya ng kaibigan dahil kahit papaano ay may itsura naman siya. Patunay na rito ang pagiging muse niya sa nakaraang Sports Fest na ginanap. But then on the other hand it’s a bit off. She also felt a little bit of awkwardness and somehow being treated unfairly. “Walang ganyanan, Di. Huwag mo naman akong gawing rebound kay Jessa. Kaibigan ko rin iyong tao. Lalo ka na, mas kaibigan kita.” Diniinan niya pa ang salitang ‘kaibigan’. Kapareho  nila ng course si Jessa ngunit iba lang ang section nito. Naging kaklase niya rin ito sa NSTP and they have common friends kaya naman kahit papaano ay naging kaibigan na rin niya ang babae. Kabatian niya ito tuwing nagkakadaupang siko sila.

 Biglang naging advance ang takbo ng kanyang utak. Naisip niya ang maganda nilang pagsasamahan ni Dion na maaaring masira in case, their ‘in a relationship status’ will fail, if ever maging sila nga nito. At ayaw niya sa ideyang iyon. Mahalaga sa kanya si Dion bilang kaibigan kahit pa nga na may espesyal siyang nararamdaman para dito noon pa man. Mas pinipili niya ang isantabi ang kung anumang nararamdaman niya na alam niyang higit pa iyon sa paghanga o crush. “Hindi ako naging kaibigan mo para maging panakip butas mo lang.” Mariin pa rin niyang wika.Gusto niyang maramdaman ng binata na seryoso siya sa mga sinasabi niya at huwag itong makipaglokohan sa kanya. She hopes that he can read not only between but all the lines.

Move On and Move Closer To Me (Formerly: Redamancy - The Act of Loving You)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora