Chapter 6

9 1 0
                                    

Chapter 6

“Ang childish mo dati, grabe ka.” Natatawa niyang panlalait kay Dion. Patuloy pa rin sila sa pag ii-star gazing habang nag-uusap ng nakahiga. “Tapos blinocked mo pa ako sa facebook, at inunfollow sa twitter at instagram. Grabe, sobrang bitter mo, Dude!”

“Ikaw naman kasi, lahat na yata ng mura at panlalait, sinabi mo ng lahat sa email. May damdamin rin naman ako noh.”

“Tapos ngayon, sensitive much ka na. Improving. Ha-ha-ha! Sorry naman. Bad trip lang ako that time sa boss ko at ikaw ang napagbalingan ko. KJ ka kasi.”

“Ayoko kasi siyang kasama.”

“Sino? Si Charles?”

“Sabi mo no’n, don’t say bad words.” Pagpapa-alala nito sa kanya.  Oo nga pala. Bakit nga ba ngayon ay parang mas madali na para sa kanya ang bigkasin ang pangalan ng ex?

“He-he. Oo nga pala.”

“Oy, naka-move on na siya.” Patuloy nitong pambubuska.

“Medyo-medyo. Isang buwan nalang!” tukoy niya sa three months’ rule.

“Ayan na. Gumawa na naman sila ng sarili nilang mundo.” Pagpaparinig ni Rico. Medyo nakalimutan nila na siyam pala silang nag-ca-camp sa may pinakatuktok ng bundok.

Sinegundahan naman ni Vannes ang  pagpapasaring ni Rico. “Tomo! Dapat yata talaga, hindi tayo sumama sa outing na ‘to eh.”

“So anong role natin dito? Mga extra bulate, ganern?” ani Marj.

“Ang panget naman pakinggan, Tart,” kontra ni Junmar sa sinabi ng kasintahan, “Supporting cast naman para medyo astig.” Tawanan ang barkada.

“Umamin na nga kayong dalawa. Kayo na ba? Sana yung parehong sagot.” deretsahang tanong ni Laarni sa kanila ni Dion. 

Aaminin niyang nabigla siya sa tanong na iyon. Muli siyang napaupo at sinundan naman siya ni Dion na umupo na rin. “Hindi nga.” Sagot niya sa tanong ng kabarkada. “Hindi kami. Hindi pa. Ewan kung magiging. Basta ‘yon na ‘yon. Hindi kami,” defensive niyang medyo tanga na sagot.

Bakit may ‘hindi pa’ na kasali? Gusto niyang sabunutan ang sarili. Mamaya nalang siguro kapag tulog na ang lahat.

“Yun naman pala. Hindi pa kasi. Huwag daw tayong apurado.” Wika ni Dan na siyang pinaka-close ni Dion sa barkada. Magkaklase ang dalawang ito mula pa noong highschool. Nakipag-apiran pa ito sa lalaki.

“Mga sira!” bulyaw ni Lianne sa mga kaibigan at pinapagtuloy lamang ng mga ito ang pang-aasar sa kanila ni Dion.

Dalawa ang tent na itinayo nila at hiwalay na matutulog ang boys sa girls. Nagsipasukan na sa loob ng mga tent ang iba nilang mga kaibigan.

Mornyt,” paalam ni Dion sa kanya.

“Yeah, mornyt din.” Sagot naman niya na may kalakip pang matamis na ngiti. Madaling araw na kasi nang matapos ang kanilang drinking session. Natural na malamig ang hangin sa kanilang paligid dahil nasa tuktok nga naman sila ng bundok.  Nayakap niya tuloy ang sarili nang biglang humangin ng malakas.

Muli na naman siyang napapitlag nang bigla siyang kabigin ni Dion palapit dito at halikan sa pisngi.

Kasabay pa non ang panlalaki ng bilugan na niyang mga mata. Mabuti nalang at madilim. Wala sigurong nakakita ng kanyang naging reaksiyon. Shet na malagket. Bakit ba kinikilig na naman siya? Walang dahilan para kiligin. Walang wala!

That sudden shiver that she felt has swiftly changed into a very warm blanket feeling. Paano ba naman kasi ay nakakulong pa rin siya sa mga bisig ni Dion. Bakit pakiramdam niya ay mas nalalasing siya sa ginawad nitong halik na pinadapo lang naman sa kanyang pisngi? Tila ba mas malakas ang naging tama ng mga labi nito na may kalakip pang mahigpit na yakap kumpara sa dalawang bote ng tequila na tinira nilang magkakaibigan. Nababaliw na yata siya. She shouldn’t feel this way. Mali ito, eh. Maling mali.

Move On and Move Closer To Me (Formerly: Redamancy - The Act of Loving You)Where stories live. Discover now