Prologue

1K 47 2
                                    

Gabrielle



"I'm Alessia Chin Echavez, 16. I graduated from San Isidro Integrated High School." Shi..



That's her name pala. Huling kita ko sa kanya ay noong brigada pa. She really caught my attention, she's not familiar kaya inakala ko agad na transferee siya. Noong nakita ko siya, wala siyang kahit anong emosyon sa mukha, pero kahit ga'non.. ang ganda ganda niya.



"Why you transferred here, ineng?" Tanong ng teacher namin sa biology. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Tumingin pa siya sa kasama niyang lalaki, mukhang galing silang parehas sa SIIHS. Boyfriend nya ba 'to? Kasi kung oo, bounce na agad ako.



"Wala po kasing STEM sa San Isidro.." sagot nya at umupo na. Hinabol ko siya ng tingin.



Ganda talaga. Kung hindi ako nagkakamali, butterfly ang haircut niya. Bagay na bagay sa matataba at mamula mula niyang pisngi. Shit. Crush na crush ko yata siya ah.



"I'm Gabrielle Flynn Vedoral, 16." Pakilala ko, at saglit na bumaling kay Alessia. Fuck. She's smiling. Wag kang gan'yan please, baka mag-assume ako.



Na I caught your attention din.



"That's my tomboy!" Asar ng baklang si Joela. Napailing na lang ako sa kanya.



"Why you chose STEM as your strand?" Tanong ni Ma'am Kat. Kasi nakita ko po si Alessia Chin na nag-e-enroll sa STEM kaya hindi na'ko dumiretso sa ABM.



"Gusto ko pong pahirapan sarili ko," at magpapansin sa crush ko.



Hindi na yata nawala ang tingin ko kay Alessia buong klase. "Matunaw 'yan ha.." asar ni Kyle sa tabi ko. Sa kanya ko pa lang sinabi na crush ko si Alessia, dahil siya naman ang kasama kong mag-enroll noo. "Pero Echavez pala siya.. may kamag-anak kaming Echavez sa may San Isidro eh.."



"Choose your partners," I chose Alessia Chin Echavez as my lifetime partner po.. ".. at kayo ang magpakilala sa kanya. Oh ikaw ineng, ikaw una." Tinuro nya si Alessia. Cute. I love her shocked face. Mukhang nahihiya pa siya. Ang ka-partner niya ay iyong lalaking katabi niya. Boyfriend niya nga yata 'to.. ako na lang Alessia, please.



"He's Archael Jade Diola, my friend since elementary, and a major red flag.." tumawa pa siya sa pang aasar sa kaibigan. Kaibigan lang pala.. Tangina, pati pagtawa, ang ganda.



Umirap muna si Archael. "She's Alessia Chin Echavez, a poet," papakasalan! "..and baliw na baliw sa girlfriend niyang nasa SIS." Bounce.



Atras tayo tol, anong laban na'tin? May girlfriend pala.



"May iniibig ka palang taga SIS," dugsong pa ni ma'am Reg.



"Aray," bulong sa'kin ni Kyle.



"Crush ko lang naman siya.." pag-iirap ko. Pero ang totoo, ouch.








"Sabay ka ba ulit sa'kin, Chin?" Narinig kong tanong ni Archael. Awas na at nasa unahan namin sila. Sinadya ko 'yon. Sorry Lord, wala naman ako balak siyang agawin.. crush ko lang siya.



"Hindi, susunduin ako ni Ira.." sana pala 'di ko na lang narinig. Magbingi-bingihan na lang siguro ako.



Pagdating sa may parking na nasa tapat lang ng building namin, nagpaalam na si Archael kay Alessia at tumakbo naman siya papalapit sa isang babae. Tangina, anong laban ko rito? Bosit, doon pa talaga siya naka-park sa tabi ng motor ko. Nmax iyong dala niya, kulay asul. Matangkad siya, siguro ay kasing tangkad ko. Hanggang balikat niya lang si Alessia.



"Sabay ako sayo, Gab." Sabi sa'kin ni Kyle, nagkunwari na lang akong abala sa pag-aayos ng gamit habang tumango kay Kyle.



"Tagal niyo naman umawas," dinig kong biro ng babae. "Kanina pa kaming ala una.."



"Nainip ka ba? Sorry, hahaha." Sagot ni Alessia habang nagsusuot ng helmet.



"Tagal mo naman diyan, Gab.." nang-aasar na tawag sa'kin ni Kyle.



"Manahimik ka nga!" Sigaw ko at sumakay na sa motor.



"Daan muna tayo 7/11, please? I want cookies and cream ice cream, hehe." Tangina. Paano ko aalisin pagkaka-crush ko sayo.



"Baka naman magka-ubo ka na niyan, kaka-ice cream mo lang kahapon.."



Cookies and cream.



"Cheer up, Gab. Wag ka mag-alala, naka-aerox ka naman." Pang aasar pa ni Kyle habang nasa biyahe. Nasa unahan naman namin sina Alessia.



"Shut up, kung ayaw mong ibaba kita."







I looked at Chin's chair. Wala pa siya. Kababalik lang namin galing vacation. Shit, 1 week akong nangungulila sa kanya. Inang UNDAS 'yan. Hindi na yata crush ang tingin ko sa kanya, I guess I like her. Pero I don't want to snatch her from her girlfriend. Gusto ko siya pero ayaw ko siyang pilitin na gustuhin niya ako. At hanggang ngayon, si Kyle pa lang din ang nakakaalam na may gusto ako sa kanya.



And there she is! The most beautiful girl in my world.. oh.. why her eyes is swollen? Matamlay siyang umupo sa upuan niya, hinabol ko pa siya ng tingin. What happened? Geez. Hindi ako naka-focus sa klase sa pag-aalala sa kanya.



"What is love?" Tanong ng teacher namin sa PerDev. Nakatingin pa rin ako sa pwesto nina Alessia, palihim siyang tinuro ni Archael. "Ms. Echavez, what is love?"



Matamlay siyang tumayo ngunit may gulat. "Uh.. love is something we feel but also something that we can't explain." May mali.. break na ba sila? Teka, bakit tunog abangers ako? "Kasi po, once we're in love, we can't tell why we love that person.. parang, we love them for no reason." Tangina. Lalo akong nahuhulog sayo, Alessia Chin.. panindigan mo naman ako.



"That's right.. are you in love right now, Ms. Echavez?" Kadugsong na tanong ni ma'am Umali.



Umiling siya, kasunod ay mga luha. Tangina. I should be happy kasi break na sila pero ayaw ko siya makitang umiiyak.



Kung ako lang sana ang una mong nakilala, Alessia.



Tinanong pa ni ma'am kung bakit. "Fresh na fresh po from break up." Biro niya pa sa kalagitnaan ng luha. Puta, I want to wipe her tears!



"Aww, ang iyak naman." Asar ng kaklase namin.



"Why?"



"Pagod na po kasi kami parehas."



"Bakit ka napagod, kung mahal mo, hindi ka mapapagod." Ma'am, stop it. Pinapaiyak mo pa siya lalo.



"Ayaw ko naman pong pilitin siyang magpahinga sa'kin, kaya kahit po gusto ko pa siyang ilaban.. hindi ko na magawa. Masyado na rin pong nagiging toxic relasyon namin." Huminga siya saglit. ".. at.." she paused for a second and wipe her tears. ".. sabi niya po, magfofocus muna siya sa sarili niya. Magpapaka-better. Pero sabi po ng common friend namin, nagkakagusto na siya sa iba habang kami pa."



Tangina. Kung ako lang sana 'yon, hindi kita papaiyakin. Aalagaan kita, Alessia. Handa akong punasan ang mga luha mo.



I want to make a move, but I also want her to heal first. Bibigyan ko muna siya nang panahon magluksa. Pagkatapos noon, mamahalin talaga kita ng lubos Alessia Chin.



Pero mukhang hindi lang pala ako ang nagkakagusto sa kanya.



"I like her, Gabrielle. Tangina, ang saya ko ngayon.. kung alam mo lang kung gaano ko na siya ka-gusto mula noong first day of school." Sabi ng best friend kong si Chloe. "I want to pursue her."



I guess I'm not the only one who has eyes on you, Alessia Chin.

Sarap mong ibulsa.

Summer's Gentle GazeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum