02

624 38 0
                                    

"I'll group you into four groups."



Shit. Groupings na naman. PE class namin, kaya siguro batak magpa-groupings si Ma'am, dahil once a week lang ang PE namin. Last week, pinagsayaw kami ng zumba, ano naman kaya ngayon?



Nagsimula na si ma'am magbilang, at sa kasamaang palad, group 1 ako. Tanginez talaga. Pinatayo ni ma'am lahat ng group 1, inilibot ko naman ang paningin. Napatango-tango ako, ganda ng groupings namin. Halos lahat yata ng nasa top 10, ka-group ko. Umupo na'ko nang matapos.



"Yieee! Ka-group niya si Gabrielle!" Pang aasar sa'kin ni Kaith na sinapawan pa ni Kael.



"Tigil na nga kayo d'yan, hindi pa nga nakaka move on si Chin, ginaganyan nyo na. Wala pa silang 1 month na break ng ex niya oh.." sabi naman ni Aris.



"Mga OA kasi 'yang mga 'yan! Hay naku!" Irap ko.



Nang matapos ang PE class, umalis na ang players, siguro ay mag-start na ulit ang training nila. Ay. Si Gabrielle nga lang pala ang player na umattend ng PE class. Kung tutuusin hindi na naman niya kailangan, kasi automatic na mataas ang grade niya sa PE gawa ng player siya.



Kaunti na lang, papaniwalaan ko na talaga sinasabi ni Kael sa'kin.



"Gagi! Ang daming tingin nang tingin sayo! Sarap mo namang ibulsa." Biro sa akin ni Aris, nagpasama kasi siya sa canteen. Wala na sana akong balak mag-recess kaso sabi ni Lina, may shawarma rice na tinda.



"Wala na eh, tanggal na mysterious na pagkatao ko dito." Pabalik kong biro sa kanya.



"1st Quarter pa lang, tanggal na pagiging mysterious mo. Gawin ka ba namang student teacher ni sir sa Gen Math."



Tanda ko pa kung gaano ako kagulat noon. Puyat ako galing San Ildefonso, morning class pa kami. Actually, isang oras lang tulog ko non. Grabe ang pagka-bangag ko nang tawagin ako ng sir para gawing student teacher dahil 'yung original na ST niya ay injured. 'Yan gan'yan kayo eh, second option niyo lang ako.



"Muntik na maubos dignidad ko 'non! Wag mo na nga ipaalala!" Paghahampas ko sa kanya.



Nang makabili kami, agaran naman kaming bumalik ng classroom. 30 minutes break lang kami, kasi kung mag 1 hour pa, baka umabot na kami ng alas syete bago makauwi. Mabilis kong natapos ang pagkain, nagpadamay na lang ako sa mga kaibigan ko magtapon. Sumindi na naman ang katamaran ko.



May 10 minutes pa.. I opened my phone. Something's missing. Napabuga na lang ako ng isang malalim na hininga. If I can just deactivate all my social media accounts, kaso hindi eh. School days kasi, bwisit. So kailangan, may access ako online.



"Huy! Ano balak na'tin sa role playing na'tin?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Gavin. Ka-group ko siya sa grouping kanina sa PE.



"Hindi ko alam, gawa ka na lang gc mamaya." Oh di'ba! Hindi talaga makapag-deactivate!



"Maghahati-hati na lang ako ng scenes tapos tayo na gumawa ng script." Sabi niya. "Mukha namang wala silang balak tumulong, leche."



Summer's Gentle GazeWhere stories live. Discover now