03

477 35 0
                                    

A/N: Sorry for the late update! Pagod na pagod na'ko maging STEM student T^T

***


"Hala?! Paano 'yan, wala akong jersey!" Bulalas ko kay Gio nang mabasa ang script na ginawa niya. Nakalagay kasi do'n na kailangan ng jersey ang mag-a-act, which is ako. "Pwede bang sa iba na lang ang role na 'yan?" Reklamo ko sa kanya.



"Wala ng willing kumuha," sagot niya sa akin. "Manghiram ka na lang, may mahihiraman ka ba?" Lihim na lang akong napairap. As if naman na makakapanghiram ako eh daig ko pa ang makahiya kung mahiya!



"Pahiramin kita," biglang singit ni Gabrielle sa amin. Mukhang tinigil niya pa ang pagbabasa ng script.



"Oh a'yan! Papahiramin ka naman pala eh!" Nagwalk-out si Gio kaya nagmake-face ako pagkatalikod niya. Pupuntahan niya siguro iyong ibang ka-group namin na malayo at nagsasaulo ng lines.



"Napaka taray! Dinaig pa babae, bwiset." Bulong ko pa bago bumaling kay Gabrielle. "Sige, thanks!" Tumango lang siya bago ibalik ang tingin sa script.



"Pati ba short?" Tanong niya, akmang aalis na ako.



"Hindi na siguro, may cycling naman ako." Sagot ko. Volleyball player kasi iyong role ko sa roleplaying, kasama ko itong so Gabrielle. Ipapakita lang namin kung gaano kahalaga ang warm-up before maglaro. "Mauna na'ko," paalam ko sa kanya. Tumango siya at lumapit naman ako sa mga kaibigan ko.



"Simangot ka d'yan, girl." Bungad sa akin ni Kael nang makaupo ako sa upuan. "Bangayan na naman kayo ni Gio!" Dugsong pa niya. "Pero hoy, nakita ko 'yon.. nag-usap kayo ni Gabrielle!"



"Eh si Gio kasi, need pala ng jersey ng role ko, eh wala ako no'n! Kaya papahiramin ako ni Gabrielle ng jersey niya. 'Yun lang 'yon! Oa ka masyado." Sagot ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa kakaasar sa'min ni Gabrielle, kaya hindi ko kinikwento sa kanila ang pag-a-ice cream namin noong isang linggo. Kahit pa sabihin ko naman na hindi ako gusto ni Gabrielle, at nanggaling na iyon sa sarili niyang bibig, ay hindi siya maniniwala.



Makulit pa 'to sa makulit eh!



"Ay! Omg, I have a brilliant idea!" Napatingin ako bigla sa kanya.



"Ano naman 'yon?" Singit ni Kaith, mukhang interesado.



"Di'ba papahiramin ka ni Gabrielle ng jersey bukas.." parang may star-star ang mata niya. ".. what if..?"



"Ano namang kalokohan 'yan, Diola?"



"Picturan kita tomorrow habang suot ang jersey ni Gabrielle! And I'm going to story it sa Facebook na close friends at si Ira lang makakakita! Omg, perfect!" Pumalakpak pa siya.



"Ginawa mo naman akong user, lol." Binatukan ko siya. "At asa ka naman na magseselos 'yung tangang 'yon?! Nag-note nga siya nung isang linggo na willing to wait siya sa bago niya." Dugsong ko pa.



Summer's Gentle GazeWhere stories live. Discover now