01

771 49 2
                                    

Alessia Chin



"Gago talaga 'yang si Ira!" Bungad sa'kin ni Mandy. Today is her 17th birthday, may inuman, kaya niyaya ako. I don't like drinking, since I'm only 16.. pero broken hearted ako eh. Gusto ko ilabas lahat 'to.



"Tangina, Mandy.. hindi lang girlfriend ang nawala ko.. pati best friend." Sabi ko sa kanya. Sobrang nakakapangsisi. I risked our 5 years friendship over a short-term relationship.



"Napaka bobo niya! 'I'm sorry, I need to focus to myself, first.' pa siyang nalalaman! Sabihin niya, gusto na niyang mag-pursue ng iba! Magdadahilan na nga lang, tatanga tanga pa!" Mas galit pa siya sa'kin. "Parehas ko kayong kaibigan, Chin. Pero hindi katanggap tanggap ang ginawa niya. Ang laki ng sinakripisyo mo sa relasyon niyo."



Hindi ako nagsalita. Ayaw kong magalit sa kanya dahil minahal naman niya ako sa paraang mararamdaman ko. Noong una nga lang. Nagkaiba lang kami ng school nitong senior high school, nagbago na.



"Uminom ka lang nang uminom," binigay sa'kin ni Franzel ang isang punong shot glass. "Dati may kalandian ka tuwing umiinom tayo, ngayon ikaw ang paspas uminom."



"Siraulo," bulalas ko.



"Tangina, beh.. look!" Iniharap sa'kin ni Ella ang phone niya. Kasama ni Ira ang babae. Ngayon ko lang 'to nakita.. tangina, ang ganda. Kahit yata ako magkakagusto sa kanya.



Fuck. 2 weeks pa lang tayong break, Ira? Paano mo'ko nagagawang saktan nang gan'to.



"Sa'n ba'ko nagkulang? Tangina. I sacrificed a lot. Buong lakas ko siyang pinakilala sa magulang ko kahit ilang bugbog ang natanggap ko sa kanila dahil sa pagpatol sa kanya." Gumaralgal na ang boses ko. Putangina naman kasi. "Naging human calculator ako sa kanya."



"Tangina niya." Galaiting usal ni Mandy. "Wag na wag siyang papakita sa'kin! Ipapalamon ko sa kanya kamao ko! Bwiset!"



"I love her with all my heart.. sa loob ng sampung buwan, hindi ako nagkulang na iparamdam 'yon sa kanya." Iyak ko. "Tangina, alas tres ng madaling araw!
Naglalakad ako papunta sa kanila dahil sinabi niyang kailangan nya'ko!"



Mandy and Franzel hugged me. "Ako ang naging sandalan niya noong mga panahon na iniwan sila ng papa niya at piniling sumama sa ibang babae.. kahit noong mga oras na 'yon, muntik na maghiwalay sina mama't papa." Tangina, ang sakit. "Pinili ko siyang intindihin muna, kahit ako, nahihirapan na rin sa sarili kong problema.."



Mandy held my face. Hinarap nya'ko sa kanya. "At sinarili mo lang 'yon? Chin, you have us." Sabay tingin kay Franzel.



"I was busy comforting her.. she was my comfort. How am I supposed to be happy if she's not fine?" Niyakap niya ulit. Ano pa bang kulang? Ginawa ko naman lahat ah? "I'm longing for her. I wanna see her."



"Shut up, Chin. You're not going to see her." Matigas na sabi ni Franzel. Those were the last words I've heard until I lose my senses.



Summer's Gentle GazeWhere stories live. Discover now