04

470 29 1
                                    

"Kael, tara mag-ilog!"



Sabay kaming napatigil ni Kael sa pag-uusap nang biglang dumating si Chloe, kasama si Cassy. Mukhang sila na naman ang nagplano na mag-ilog, dahil kanina pa namin silang napapansin na pinupuntahan lahat ng kaklase namin. Maaga kasi ang pasok namin dahil sa program, kaya't tanghali na rin kami umawas. Kaya siguro nagyayaya sila mag-ilog.



"Hala, I'm not the free! May pupuntahan akez na burol.." napatingin siya sa akin at tumango tango.



Tinatamad 'tong lokong 'to.



Kahit wala naman siyang kamag-anak na namatay. Pero, nabanggit niya kasi sa'kin kanina na maglalaba raw siya.



"Eh ikaw, Alessia?" Bumaling sa akin ng tingin ang dalawa.



"Hala, eh, hindi kasama si Kael? Wala akong kasama pauwi." Iyon ang sagot ko, buti na lang at tinamad din itong si Kael, dahil tinatamad din ako. Hindi na sanay gumising nang maaga ang katawan ko kaya balak ko sana pag-uwi ay matulog.



"Ihahatid kita," biglang sulpot ni Gabrielle. Palihim naman akong siniko ni Kael at tumili pa ng mahina.



"Oh, ihahatid ka raw!" Tawa sa'kin ni Chloe.



"Hala, eh, hindi na! Kahiya. Malayo bahay namin."



"Hindi naman, ah? Mga 15 minutes away nga lang eh."



"Aba! Aba! Bakit alam mo ang bahay ni Alessia Chin, ha?!" Usisa ni Kael, nang aasar. "May dapat ba'kong malaman na hindi ko nalalaman!?"



"Wala, manahimik ka, Archael." Bumaling ulit ako sa tatlo. "Next time na lang siguro ako—" napatigil ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nagtaka pa'ko nang makita ang pangalan ni Franzel. "Wait,"



Bahagya pa akong nagulat nang marinig ang humihikbing boses ni Franzel. "Oh, teh? What happened sayo? Bakit ka umiiyak?"



"S-si.. M-mama.." hirap niyang naisabi 'yon.



"Bakit? Anong nangyari kay tita?" Sa iyak at tono pa lang niya, alam kong may nangyaring masama kay tita. Tita Acel is best, she's like a second mother to us, sa circle namin. Noong mga panahon na hindi ako tinanggap ni mama dahil sa pumatol ako sa babae ay nandyan si Tita Acel para damayan ako. Pinaramdam niya sa'kin na katanggap-tanggap ako.



"W-wala na si Mama.. wala na si Mama, Chin." Napatulala ako, bahagyang nanginig ang kamay. Paanong wala na siya? Paano nangyari 'yon?



"Baka naman jinojoke time mo'ko, Franzel, ha! Huling dalaw pa namim d'yan, malakas pa si Tita." Pinakalma ko ang sarili.



"That was 3 months ago, Chin.. nagka-cancer siya last month at malala na nang malaman namin." Napatigil siya saglit, narinig ko pang huminga siya. "She told me na wag sabihin sa inyo.. pero kahit ga'non, hinihintay niya kayong dumalaw, tulad ng dati."



"Pupunta kami d'yan, ha.. awas na kami."



"Nasa morgue pa kami, Chin.. tatawagan na lang ulit kita kapag naiuwi na siya sa'min."



Pinatay niya ang tawag, para akong tanga na bumalik kay Kael. Wala na ron ang tatlo.



"Oh? Anong nangyari sayo, girl?" Tanong ni Kael.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Summer's Gentle GazeWhere stories live. Discover now