Mga Itim na Anghel🍃

Começar do início
                                    

Sabik na sabik akong naghintay ng sagot ni Cassiel. Nagkatinginan muna sila ni Kahlil bago sya tuwid na tumayo, dahilan kaya lahat kami nakatutok ang tingin sa kanya.

"Pagmasdan mo akong mabuti Jp! Dahil ipapakita ko sa'yo ang tunay na kaanyuhan ni Inanna."

"Yehey! Maraming salamat Cassiel..." Tanging nasambit ko na lang ng magsimulang magliwanag ang buong katawan ni Cassiel..

Sa paglaho ng liwanag iba na ang kanyang suot na damit, ang kaninang puting blazer lang, ngayon ay mahaba ng puting damit nito na kahit ang mga paa nya ay hindi na makikita pa

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Sa paglaho ng liwanag iba na ang kanyang suot na damit, ang kaninang puting blazer lang, ngayon ay mahaba ng puting damit nito na kahit ang mga paa nya ay hindi na makikita pa. May pabilog na lumulutang at kumikislap sa kanyang uluhan.. Nakayuko syang nakatingin sa pulang rosas nyang hawak na unti unting nanlalagas ang petals. Sa bawat pagpatak ng petals sa semento., unti unti ring nag iiba ang anyo ng puting Anghel na aming kaharap. Kitang kita ng dalawang mata ko ng mag ibang anyo si Cassiel bilang Inanna. At sa huling pagpatak ng kapirasong petals ng pulang rosas, lumiwanag ang buong katawan nito.

'Grabeehh... Totoo ba ito o imahinasyon ko na naman..?'

Isang napakagandang Anghel ang ngayon ay nakatingin sakin. Itim ang kanyang suot na damit na nakasayad sa sementong kinatatayuan nito, nakataas ang dalawa nyang braso sa magkabilang gilid at sabay na ipinitik ang magkabilang daliri. Napasinghap na lang ako ng biglang may lumitaw na dalawang kalapati sa magkabilang kamay ni Inanna. At ang nakakamangha pa ay ang magkaibang kulay ng mga Kalapati. Itim na kalapati ang nasa kanang kamay nya samatalang puti naman ang kulay ng kalapati sa kanyang kaliwang kamay.. Kagaya ng kulay ng kanyang mga pakpak na itim din sa kanan at puti naman ang kulay sa kaliwa.

Inanna👇

"Anong masasabi mo ngayong nakikita mo ng tunay na anyo ni Inanna, Jp?"

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

"Anong masasabi mo ngayong nakikita mo ng tunay na anyo ni Inanna, Jp?"

Napakurap kurap ang aking mga mata kasabay ng paglunok ko ng laway. 'Bakit bigla akong nauhaw? Bakit iba ang pakiramdam ko habang nakikipagtitigan ako kay Inanna? eh, alam ko namang si Cassiel lang sya? Na ilusyon lang ang kanyang presensya?'

"Hoy! Jp! Anong nangyayari sa'yo ha?"

Isang tapik saking pisngi ang nagpagising sa'king diwang tila nakalutang sa kawalan. Bumaling ako ng tingin sa'king kanan kung saan nanggaling ang tumapik na yun sakin, at dun ko nakita ang pag aalala sa mukha ni Buggles at ng aking mga bagong kaibigan.

"S - Sya si Inanna?" Ang tanging nasambit ko sa kanila.

"Sya nga Jp" Sagot ni Cassiel na unti unting bumabalik sa tunay nitong katauhan.

"No wonder na sinusunod nyu sya, kasi kitang kita naman sa hitsura pa lang nya na napaka powerful nya.. Anupa kaya kapag gumamit na sya ng taglay nyang kapangyarihan? Aba'y siguradong maglalaho kana lang sa mundong ito."

Naantalang chikahan namin ng biglang yumanig ang paligid. Sabay sabay pa kaming nagkatinginang lahat.

"Kelangan na nating lumisan.. Tara na!"

Napasunod na lang ang tingin ko kila Howie, Vega, Flurrel at Diwatang Urduja na naglalakad patungong likurang bahagi ng bahay na bato nila Kahlil at Cassiel.

"Anupang hinihintay mo dyan Jp? Galaw galaw na! dalian mo naman..." Papadyak padyak pang paa ni Buggles ng lumapit sakin.

'Tong langaw na ito! Nakuuu! Kakaubos ng pasensya talaga!'

Diko nga sya pinansin.. Naglakad ako palapit kay Cassiel na natatawa na lang sa inaasta ni Buggles.

"Salamat Cassiel, sa lahat ng naitulong mo, lalo na sa pagligtas mo sa'kin mula sa dalawang itim na Anghel na yun. Sana magkita pa tayong muli."

Naluluhang niyakap ko pa sya ng mahigpit.

"Ikinagagalak kong makilala ang Tagalupang kaibigan ni Ayana. Hanggang sa muli nating pagkikita, Jp! Mag iingat ka sa'yong paglalakbay." Nakita ko pang pagsulyap nya kay Buggles. "At magtiwala ka lang sa mga kasama mo ngayon, makakarating ka sa Kaharian ng Umbra ng ligtas, magkikita rin kayo ni Prinsesa Ayana."

Nangingiting bumitaw na'ko sa pagkakayakap kay Cassiel.

"Salamat, bff na rin kita mula ngayon, Angel Cassiel, kayo ng kabiyak mong si Angel Kahlil."

Malapad ang pagkakangiti kong inabot ang kanyang kamay ng muling yumanig na naman ang paligid, nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Buggles ang kabila kong kamay sabay hila sa'kin patungo sa mga kaibigan naming kanina pa siguro naghihintay, napasunod na lang ako sa bawat paghakbang nito.

"Paalam na muna sa inyo..! Mga bff ko!"

Palingon lingong sigaw ko kila Cassiel at Kahlil na parehong nakangiti at kumakaway pa sa'kin..

'Sino o anu na naman kayang makakaharap ko sa susunod na distinasyon naming ito?'

Napasulyap ako sa mga kamay namin ni Buggles na magkahawak. Saka balik ulit ang tingin ko sa kanyang mukha.

'Napaka gwapo talaga ng lentek na langaw na'to! Kaya lang napakadaldal... Mas mabunganga pa kesa sakin eh!'

"Bilisan mo naman Jp! Bagal bagal mong maglakad."

Kitam! Dumadakdak na naman... Kung di lang 'to anyong tao ngayon at naging langaw lang... Kanina pa ito nadeadbol sakin...

Pagkarating namin sa likurang bahagi ng bahay na bato, tanging si Howie na lang ang nandun naghihintay saming dalawa ni Buggles. Pagkakita nya samin saka sya humarap sa pader at itinapat dun ang dulo ng kanyang stick na hawak.

"Ang galing naman..." Napatakbo ako palapit kay Howie ng makita kong nagkaroon ng tila lagusan sa pader.

"Halina kayong dalawa.. Bilisan nyo!"

"Salamat Howie."

Nauna nakong pumasok sa lagusan.. At namangha ako saking nilabasan.

"Woooowww!!!"

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Napakaganda ng view na aking natatanaw ngayon, kahit na medyo may kadiliman ng kapaligiran malinaw ko pa ring nakikita ang malawak na karagatan, ang maaliwalas na kalangitan, mga matatayog na punongkahoy, magagandang bulaklak...

Ng mapadako ang aking paningin sa bandang batuhan sa dagat may nasulyapan ang aking mga mata, kinusot ko muna ito bago binalikan ng tanaw ang malalaking kumpulan ng mga bato di kalayuan sa kinatatayuan ko.

"S - Sirena?"

💃MahikaNiAyana

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Onde as histórias ganham vida. Descobre agora