Chapter 25

597 14 0
                                    

"Kami? Actually kababata ko din siya gaya nila Ras at Jess. Kami kami magkakalaro nung mga bata palang kami. Halos araw araw kami nag aaway ni Oliver nun, hanggang isang araw wala na sila, nag migrate daw. Walang araw na di ako tumitingin sa kwarto niya baka andun lang siya. Pero wala e! Hanggang sa ayan sumulpot nalang siya bigla."

"Mmmm... So magkapitbahay pala kayo?"

"yeah!"

Bumaba na kami ng tricycle at naglakad papasok sa subd.

"Hindi ka ba niya nililigawan?"

"hahaha" sagot ko.

"Anong nakakatawa sa tanong ko?" sabi ni bryan na napakamot sa ulo.

"Kasi natatawa ako, Hindi niya ako nililigawan, Asa diba? O dito na ako eto bahay namin at ayan ang bahay nila." tinuro ko bahay nila Oliver.

"aahhh... Sige see you tomorrow! Goodnight Sam! Nag enjoy ako kasama ka!"

"Thanks Bryan! Ingat ka sa pag uwi. Goodnight din"

Lumakad na siya palayo at ako pumasok na sa loob.

"Oh sino yun? Tsaka kala ko ba masama pakiramdam mo at di ka papasok?" sabi ni Mama, pero di naman masungit.

"Ah schoolmate slash friend Si Bryan, hinatid niya lang ako, Ok naman na ako kaya pumasok na din po ako"

"mmm... Baka manliligaw muna yun si pogi ah!" sabi ni mama na nang aasar.

"Ma, friend lang po talaga. Sige po akyat muna po ako para magpalit."

"sige, tapos kain na tayo."

"Ok!"

Pagbukas ko ng pinto binuksan ko yung ilaw, nagbihis na ako at bumaba na, di na ako nagtagal dun sa kwarto.

Dumeretso na ako sa kusina, nakita ko si Mama naghahanda na kaya tumulong na din ako at si Papa naka-upo na din sa pwesto niya.

"Balita ko may naghatid daw sayo dito." nangingiting sabi ni Papa.

"Hay si Mama talaga naichismis na agad kay Papa." tsaka kami naupo ni Mama.

"Totoo naman diba may naghatid sayo? Ano masama dun? Tsaka anak papunta ka palang nakabalik na kami, kaya alam namin mga ganyan." sabi naman ni Mama.

"Anak, ok naman kung manliligaw sayo yun kahit si Oliver." pang aasar naman ni Papa.

"Paaa..."

"hahaha nakakatawa anak natin, Anak eto lang payo namin sayo... Iba na generation ngayon alam mo naman siguro yun, di naman kami nagkulang sayo para gawin ang mga bagay na dapat di muna dapat gawin, mag aral at magtapos ka muna at pagtapos makapagtrabaho diba? Ok naman na mag boyfriend ka pero dapat alam niyo limitasyon niyo. Ok ba yun?" eto na ata yung pinaka mahabang nasabi ni Papa saakin.

Alam niyo tama naman e, maraming kabataang nabubuntis, yung bang nagmamadali di muna nila ienjoy ang kabataan nila. Sabi nga ni Papa ok lang mag syota pero dapat alam ang limitasyon..

"Fine! Sabi niyo nga papunta palang ako pabalik na kayo."

Napuno ng kwentuhan at tawanan ang dinner namin, kiniwento din kasi nila saakin yung kabataan nila, tapos paano naging sila. Ahahaha... Maganda rin yung mahing open ka sa pamilya mo kasi sila lang din tutulong sayo kung sakaling magkamali ka.

Matapos naming kumain, hinugasan ko na pinagkainan namin, nubg matapos ako umakyat na din ako sa kwarto ko..

Remember your FIRST (COMPLETED)Where stories live. Discover now