Chapter 44

392 14 1
                                    

Habang kumakanta siya, nakatitig lang ako sakanya. Naalala ko lahat nung una niya ako halikan, first kiss ko kaya yun. Ramdam ko labi niya sa labi ko nung araw na akala ko may nangyari nanaman sakanya kaya ako umiiyak. At yung halik na yun dun mas lalong kumabog dibdib ko. Di ako makagalaw feeling mo nasainyo yung spot light, yung feeling mo kayo lang tao sa gym. Di ko alam bakit diko nagawang sampalin siya nung araw na ginawa niya yun. Dahil ba gusto ko din yung ginawa niya kasi may gusto na ako sakanya? Pero ewan ko. Akala ko mamahalin niya din ako pag nalaman niyang mahal ko siya. Nagkamali ako. Ok na din siguro na sinabi ko, gumaan din kasi pakiramdam ko.

Nagpalakpakan na ang mga tao, ibig sabihin tapos na siya kumanta.

"Ang galing mo talaga idol!" sabi ni Matt na yumakap pa!

"Salamat!" sabi niya na tumatawa.

Bumaling yung tingin niya saakin, ngumiti siya pero di ako ngumiti. Tumingin siya kay Bryan at tinapik ng tatlong beses balikat nito. Ngumiti naman si Bryan.

"Oh tara na sa hotel, inaantok na ako e." sabi ni Ras.

Pagdating namin sa kwarto namin ni Jess tinanong niya na ako.

"Kamusta ka naman?"

"ok naman. Masaya pala kasama si Bryan no."

"sus! Srsly kamusta na to?" sabay turo na puso ko.

"Wasak!." sagot ko.

"Halika ka nga dito, alam mo ok lang yan, eto lang ha. Wag ka na magalit kay Oliver, alam ba nag open siya saakin."

"Ano sabi niya?"

"Mukang may bago kana daw na bestfriend, ang lungkot kaya niya. Ayaw niya naman masayang yung pagkakaibigan niyo, alam mo di naman sagot yang pag iwas mo sa nararamdaman mo sakanya e. Sayang kasi diba kung matatapos lang kayo sa ganyan. Mas maganda mag usap kayo."

"diko alam paano siya kakausapin, lalo umamin ako sakanya."

"bakit kasi umamin ka e, basta mag usap kayo, tulungan ka namin ni Ras. Ayaw naman namin na ganyan kayo ni Oliver forever no!"

"Fine, thanks ha."

"sus wala yun, kaibigan mo kami diba? Muka ngang napalitan na si Oliver dyan e, kasi may Bryan kana."

"Alam mo ikaw nakakatawa ka. Friends lang kami, siya yung naging clown ko, marami din ako na realize nung kasama ko siya."

"ano naman?"

"Na dapat wag lang mag stick sa paborito, maraming flavors na pwede tikman. Parang sa tao din di lang siya ang lalaki sa mundo madami pa, wag mag stick sa isa."

"alam mo tama naman si Bryan, wag ka lang mag stick kay Oliver, marami magkakagusto sayo, maganda ka, matalino o diba? Di lang talaga kayo meant to be. Ang tamang gawin isave mo yung pagkakaibigan niyong dalawa. Ikaw din baka magsisi ka."

"Ok ok, tulog na tayo. Napagod din ako ngayong araw." Sabi ko

"Feeling ko, feeling ko lang ah. May gusto sayo si Bryan." Sabi ni Jess.

"Matulog kana nga Jess, ikaw talaga. Asa naman magka gusto saakin yun." Ssgot ko.

"Sus! Malay natin siya pala meant to be mo."

"Hay naku Jess, na realize ko, wag madaliin ang mga bagay bagay. Bata pa tayo para sa mga ganyan. Ang mabuti pa mag-aral muna tayo! At ang magandang gawin ngayon lalo't 11:36pm na ay matulog. Goodnight Jess!"

"Ok ok... good night Oliver este Bryan ay mali Sam pala. Hehe" pagbibiro niya.

Kinabukasan...

Remember your FIRST (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن