Chapter 107

174 4 0
                                    

Sam's Pov

"Hoy! Sam saan kana? Andito na kami lahat sa school." Tumawag saakin si Ras.

"Malapit na ako bakla... Saan ko kayo pupuntahan?"

"Syempre saan pa ba tambayan natin, edi sa gym dalian mo. Habang dipa nagstart yung class." At kinansel ko na tawag ni Ras.

Pababa na ako ng jeep nun, at tumakbo na ako papunta sa gym. 4th year na kami at yung iba nasa 2nd year college na at yung iba nasa 1st year college na gaya ni Bryan. Handa na ba akong makita siya? Ewan bahala na. Pagkakita ko sakanila na upo ako. Hingal na hingal.

"Sa wakas, tagal mo." Sabi ni Ras.

"Grabe napagod ako." Sabi ko.

"Bat kasi nagmamadali?" Tanong ko.

"Para walang umagaw ng tambayan natin, dapat maaga."

"Nasaan yung iba?" Tanong ko.

"Ayun hinahanap nila mga pangalan nila sa mga rooms!" Sagot ni Jess.

"Tara hanapin natin pangalan ko." Sabi ko.

"Wag na, magkakaklase nanaman tayo at may bago tayong kasama sa room." Sabi ni Jess.

"Kami!" Sabay na sabi ni Oliver at Pia na sumulpot nalang bigla.

"Talaga??" Sabi ko sa saya.

"Yup!" Sabay sabay nilang sagot.

"Teka saan naman kayo galing?" Tanong ko.

"Tinawag ako nung magiging adviser natin, may pinaayos lang sa mga req. ko sinamahan ako ni Oliver." Sagot ni Pia. Tumango lang ako. At nagsidatingan yung ibang barkada sa tambayan.

"teka nga bat di mo kasama si Bryan?" tanong ni Rick.

Wala silang alam ng mga nangyari nung nasa resort kaming lahat. Wala kaming pinagsabihan na iba. Nakatingin sila saakin!

"ah... ahm... break na kami."

"ano???" sagot ng mga di pa nakaka-alam.

"teka alam niyo din Jess, Al, Ras. Oliver, Pia?" tanong ni Matt.

"oo alam namin." sagot nila.

"Kailan pa? bat di namin alam to?" tanong ni Jack

"nung nasa resort pa tayo, last day nanatin yun nangyari." Sagot ko.

"Ilang linggo na rin nakaran, sino nakipag break?" Tanong ni Matt

"Si Bry!" Sagot ko.

"Loko talaga yun." Di na natuloy sasabihin ni Matt dahil sumingit naman si Oliver.

"Hay! Ako dahilan kaya aayusin ko to. Na mis interpret niya mga nangyari. Nakita ko kasi si Sam nung gabi, kinausap ko siya para ayusin yung saamin ni Sam, di namin alam na nakita kami ni Bryan. Kaya nga gusto ko din kausapin si Bryan tungkul sa nangyari. Nagpadalos dalos siya sa desisyon niya." Di na nakapag salita yung iba, umiling nalang!

"Ok ka lang ba Sam?" Tanong ni Rick.

"Oo naman, at magiging ok kasi andyan kayong mga kaibigan ko."

"Hayaan mo kakausapin din namin." Sabi ni Rick ulit.

"Thank you, pero ok na din siguro to."

At nag bell na nga kaya naghiwa-hiwalay na kami. Medyo nanibago ako, dati sabay kami nila Oliver pumasok ngayon sila na sabay ni Pia. Si Jess sinusundo ni Al gamit yung kotse nila si Ras ayun nakalimutan niya daw ako daanan at nagmamadali daw siya, pero ok lang sabay na lang kami uuwi. Di ko parin siya nakikita ngayon, di kaya siya pumasok? o di kaya nagtransfer siya? sana hindi naman. Gusto ko parin siya makita dito a Campus. Yung tipong susulyapan ko lang siya pag nagpra-praktis sila, o pag nakatambay lang siya mag-isa. Ang hirap naman nang ganito. Lalo iisa lang barkada namin. Siguro mganda din yung di ako sasama-sama sa barkada para maka-usap niya din, tingin ko yun dahilan kaya di siya nagpakita ngayon, iniisip niya baka kasama ako. Kaya pinili niya nlang mapag-isa.

"hay!!!"

"ang lalim ha!" sabi ni Ras na katabi ko.

"dami kasing sinasabi ni Maam."

"yun ba dahilan? mamaya ka saamin." sabi naman ni Ras, susko hotseat nanaman ba ako?

"ok class dismiss. Antayin niyo next subject niyo."

"thank you Maam!" sabi naming lahat.

"oh ano problema?" tanong ni Ras, at nakatingin lang saakin sila Jess, Oliver at Pia.

"Iniisip ko kasi si Bry!" bulong kong sabi.

"Iniisip mo nga, iniisip ka ba?" sabi naman ni Jess.

"nag transfer na kaya siya o di lang pumasok kaya di nagpakita saatin o baka nakita na kasama niyo ko kaya di siya lumapit." paliwananag ko.

"di naman siguro ganun, baka di pa siya handa sumama sa barkada. Pwedeng nahihiya siya sa ginawa niya sayo." sabi naman ni Pia.

"tsaka baka hindi niya alam paano siya mag aadjust lalo nasa iisa tayong grupo." sabi naman ni Oliver.

Matapos ng tatlong subject namin ngayong umaga, pumunta na kami sa cafeteria para mag lunch. Pag pasok namin ng pinto nakita namin yung barkada sa lagi naming pwesto. At nakita ko siya. Paglapit namin nagtama mga mata namin. Pero saglit lang nangyari.

"sige na alis na ako, sa praktis nalang." pag papa-alam niya sa barkada. Hindi kaya dumating ako kaya siya umalis o nailang lang?Biglang kumirot puso ko.

"Naiilang lang yun." bulong naman ni Oliver saakin. Nabasa niya ba yung na sa isip ko? Upo na kayo." sabi ni Matt.

"Sam... ok ka lang?" tanong ni Rick.

"hmm.." sagot ko at ngumiti.

Si Oliver at Ras na bumili ng pagkain namin.

"naka-usap nanamin si Bryan, base sa kwento niyo swak sa kwento niya. Di muna kami naki-alam." sabi naman ni Jack.

"thank you pero mukang malabo na maayos namin to, kahit bilang kaibigan nalang."

"oh kain na tayo, tama na muna drama." sabi naman ni Oliver.

"Oliver, ngayong andito kana sasali ka ba ulit sa team?" tanong ni Al.

"ngayon palang sasagot na ako, Hindi na! kasi wala nang thrill. Naalala niyo tuwing isusugod ako sa ospital dahil nahihimatay ako bigla? hahaha yun yung thrill para saakin sa buhay ko. Di ko na mararamdaman yun."

"loko ka talaga." hampas sakanya ni Pia.

"ok sige, ano role mo ngayon?" tanong ni Rick

"taga sigaw na may hawak na pompoms." pang-aasar ni Al. At nagtawanan kami lahat. At si Oliver gusto niya ipambatok yung kutsarang hawak niya kay Al.

Sobra yung tawa namin, halos kami pinaka maingay sa cafeteria. Matapos namin kumain lumabas na kami.  Naghiwa-hiwalay na din!

"Ahm... Una na kayo sa room may pupuntahan lang ako." Sabi ko.

"sige dito na kami, pumunta ka sa room ha, wag ka gagawa ng kahit ano. Naku Sam ha!" natawa naman ako kay Ras.

"Oo buhay akong babalik sa room. ikaw talaga! sige na." Umalis na sila at nung makalayo sila naglakad na ako sinalpak ko din yung earphone ko.

Remember your FIRST (COMPLETED)Where stories live. Discover now