Chapter 69

166 2 0
                                    

4th quarter na pero di pa rin ako pinaglalaro ni coach. Lamang na ang kalaban di na maganda to.. Puro hiyawan at tambol. Minabuti ko ng kausapin si coach, ipagpipilitan ko na ipasok na ako. Focus ulit akong panuorin at talagang focus na din ang team, nakakabawi na din ng score hanggang sa 10 mins lamang kami ng 5pts. Tuloy ang laro nakabawi ang kalaban naka 3pts. sila, nasaamin ulit bola di na shoot ni Matt. Nasa kalaban ulit yung bola naka shoot sila. Tabla na ang laban. Time out muna, last 2mins nalang.

At sa wakas pinasok na ako ni coach, sana maging ok ang lahat. Nag umpisa na ulit ang laro. Sa team namin ang bola, takbo dito takbo doon. Nagsigawan ang lahat kasi naka 3pts si Bryan. Ngayon pinasa na saakin yung bola, dribol at takbo sabay shoot, Oliver for 3pts. Sigaw nung announcer. Nag appear kami ni Bryan. Lamang nanaman kami, pero bumawi ang kalaban 1min. nalang mukang di maganda to, nakay Matt ang bola shoot 3pts. ulit, di na nakakashoot ang kalaban, kaya panay palabas ng team namin ng 3pts. Sa 10sec. nakashoot ang kalaban kaya tie. At nasaakin yung bola ako ang inaasahan nila simulan ang countdown 5...4...3...2...1...

At lahat ay nagsigawan, panalo kami!!!! Pero dina din maganda pakiramdam ko, yumuko ako habang hawak ang dibdib ko. Isa lang pumasok sa isip ko si Sam, agad ko siyang tinanaw, nakapikit at umiiyak siya. Dahil ba siguro nanalo kami at ako nagpanalo o sa naririnig niya. Di na ako nag dalawang isip nilapitan ko na siya, tinitigan ko siya bat naman umiiyak tong isang to? Eto ang diko alam bakit ko nalang ginawa hinalikan ko siya, hindi sa pisngi kundi sa labi niya. Pero smack lang at nag salita ako.

"Hey!" dumilat siya, ngumiti ako habang hingal na hingal pawisan. At agad niya akong niyakap at umiyak ulit. Hay bat ang iyakin nito? eto na ata yung reward ko sa pagod.

"Sam bakit ka umiiyak? Dahil ba nanalo tayo?"

"Nakakainis ka! Nakakainis ka!" sabi niya habang pinapalo niya dibdib ko habang yakap ko parin siya. "Akala ko ano ng nangyari sayo. May mga sumisigaw ng ambulansya,natatakot ako baka ikaw yun."

"Hay Sam... Ok ako oh! Kaya ko naman e! Tignan mo ko. Tama na yan ang panget muna oh. Wag kana umiyak!"

At eto na mga kaibigan namin, at si ras nanaman ang nagsimula.

"Anong yakapan yan ha?".

"Oh inano mo yan Oliver bat umiiyak yan?" galit na sabi naman ni Jess.

"inaway mo no? Loko ka talaga!" gatong naman ni Ras.

"chill lang, di ko siya inaway ok! Nakita kong umiiyak siya dito kaya pinuntahan ko." pagpapaliwanag ko.

"E bakit ka kasi umiiyak bakla?" tanong ni Ras. Humiwalay siya saakin at pinunasan mga luha niya.

"Si Oliver kasi e..." turo saakin, tignan mo to, may sapi ata.

At ayun na nga nagalit na saakin yung dalawa nun. Pero alam niyo natutuwa ako na di nila iniwan sinSam di tulad ko na bigla nalang umalis. Naisip ko nga nung bata pa siguro walang gusto umaway sa tatlong to lalo kay Sam, grabe naman kasi makakatapat mo. Masaya ako na kahit papano nakakabawi na ako kay Sam.

"Tama na, wala naiyak lang ako kasi talo tayo!" At tumingin saakin si Sam.

"Anong talo? Panalo tayo bakla di mo ba napanuod? si Oliver nagpanalo sa team!"

"O...M...G... Wahhhh..." loka loka ata to. Bigla niya ako niyakap at binuhat ko naman siya. "Congrats, ang galing mo."

"Ang galing mo ka dyan di mo nga nakita anong mga moves ginawa ko." binaba ko na siya at nag reklamo sakanya.

"tss... Ikaw may pag uusapan tayo mamaya." bulong niya saakin. .

"Guys, Sama na kayo saamin, kakain ang team sa labas." sabi ni Bryan.

"Oo nga" pag sang-ayon ko.

"Ha? Diba nakakahiya yun? Kasi para sainyo lang yun e!" sabi naman ni Jess.

"Sige na sumama na kayo, ok lang kaibigan niyo naman sila Bryan at Oliver" singit ni Coach .

"Oh ano Hihindi paba kayo?" tanong ni Bryan.

"Edi Gora na, gutom na din naman kami e." sabi ni Ras.

"Ikaw lang nandamay ka pa!" sabi ni Jess.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon