Chapter 49

409 10 1
                                    

Nahatid na namin si Bryan sa kanila. Subdivision din gaya ng samin. Pinapapasok pa nga kami ng Mommy niya para mag merienda muna, sabi nalang namin next time nalang.

"Oh guys uuwi na kami ni Ras, salamat Oliver." Sabi ni Jess. Yumakap sila saamin ni Oliver.

"Sige, basta ingat kayo ah." Sabi ko sakanila. Nag salute naman si Oliver sakanila.

"Ahm... sige pasok na din ako, mahamog na din. Pahinga ka na ha." Sabi ko, tsaka ako tumalikod.

"Sam..." tawag niya kaya lumingon ako sakanya. Papalapit siya saakin. At niyakap niya ako. "Sorry, alam ko pinag alala kita this past few days. Syempre thank you din kasi hanggang ngayon mag bestfriend parin tayo."

"Sus yun lang pala. Wala yun! Sige na baka hinihintay kana din ni Ninang." Humiwalay na ako at pumasok na din sa loob.

"Oh andyan kana pala, kamusta naman?" Salubong saakin ni Mama na excited ako yakapin.

"Ok naman po, masaya. Kasi bukod samin nila Ras nadagdagan kaibigan ko. Kayo po kamusta?"

"Ok din kami, namiss ka namin ng papa mo. Hehe!"

"Kayo po talaga, sige po akyat muna po ako para makapag ayos."

"Sige tatawagin ka nalang namin pag kakain na!"

"Sige po."

Umakyat na ako sa taas, binuksan ko yung pinto.

"Wow! Naging kwarto ng tao to ah. Ang ayos naman!"

Sobrang linis kasi, tapos organize yung mga gamit ko. Si mama talaga sa sobrang miss saakin kwarto ko pinagdiskitahan. Tsk!

"Haaysss... nakakapagod!" Nahiga ako sa kama.

"Ano anak ok ka na ba? Pinag alala mo ko."

"Yes ma... I'm fine!"

Narinig ko boses ni Ninang na alalang-alala. Napatayo ako sa pagkakahiga ko.

"Are you sure?"

"Yes Ma, wag niyo ko alalahanin. Tignan mo nagkaka wrinkles kana. Tsk."

"Loko kang bata ka nakuha mo pang biruin ako."

"Hahaha... kasi naman sobra kayo mag-alala, ok naman na ako. Lika nga kayo dito."

Tsk... loko talaga to si Oliver pati si Ninang niloloko kahit ganun, sweet parin siya. Sumilip ako sa kurtina ko. Nakita ko kayakap niya si Ninang. Napangiti nalang ako bigla.
"Anak kain na tayo." Katok ni mama sa kwarto ko.

"Sige po ma, sunod na po ako."

Pagtapos ko magbihis bumaba na ako. Andun na din si Papa sa kusina.

"Oh anak kamusta ang summer?" Tanong niya agad saakin.

"Masaya po pa, nadagdagan po kami nila Ras, marami na kaming magkakaibigan."

"Maganda kung ganun." Sabi ni Papa.

Naramdaman kong nag vibrate phone ko. Kaya tinignan ko sino nagtext. Si Oliver at si Bryan ang nagtext. Si Oliver muna inuna ko.

"Hey, kain kana wag ka papalipas. Tapos pahinga kana. Tapos na ako kumain, so matutulog na ako. Goodnight sa maganda kong bestfriend :*"

Diko napigilang di ngumiti. Tsaka ako nagreply.

"Galing mangbola. Tsk! Goodnight din sa pinaka sweet na bestfriend ko:*"

Pagka send ko, binuksan ko naman yung kay Bryan.

"Hi Sam, kumain ka na ba? Kumain ka ng marami ha. Haha! Papahinga na din ako. Goodnight :)"

Remember your FIRST (COMPLETED)Where stories live. Discover now