Love and hate collide

952 43 0
                                    

Jessica

Maagang natapos ang trabaho ko ngayon kaya dumaan muna ako sa favorite pizza resto namin ni Mia. Nagtake out ako ng pasta at 2 box na pizza since mag o-overnight sila ng mga kaibigan niya sa unit. Mas ok na rin yun kesa siya ang nakikitulog kung saan-saan. 

Pagkatapos kong makuha ang order ko dumiretso naman ako sa Jollibee...ano pa nga ba, makalimutan  na ang lahat huwag lang yung chickenjoy niya kaya nag order ako ng 2 bucket na tig 8pcs. Kaya kasi ni Mia ubisin ung isang bucket, ewan ko ba kung bakit na-aadik siya sa manok na iyon. Eksaktong kakakuha ko lang ng binili ko ng nagring yung phone ko. Unknown number ito. Naisip ko na baka client ito kaya sinagot ko agad.."H-hello..hello tita?"sabi ng boses ng lalaki. "Sino ito?", sabi ko. "Hmmm...tita si Lemuel po ito kaibigan ni Mia...hmmm..tita pumunta na po kayo dito please... now na po...", sagot niya na parang nag-aalala kaya nag-alala na rin ako.

"May nangyari ba kay Mia?", ninenerbiyos na rin ako...

"Pumunta po dito yung asawa ninyo...buti na lang po dumating kami ni Lily kung di napahamak po si Mia", sagot nito na labis kong ikinagalit. Agad kong pintay yung tawag at nagmadaling sumakay sa sasakyan ko. Halos paliparin ko na yung sasakyan ko sa inis, galit at pag-aalala.

Naiinis ako ng maalala kung ano yung nangyari kagabi na nagtulak kay Henry para gawin ito kay Mia.

Flashback

Gabi na ng makauwi ako sa bahay dahil hinatid ko pa si Mia at sandaling nagpahinga muna sa unit niya. Kakagaling lang kasi namin sa La Union. 

Nasa kanya-kanyang kwarto na ang mga anak ko kaya dumiretso na ako agad sa kwarto namin ni Henry. Nadatnan ko naman si Henry na abala sa pagbabasa ng mga papeles niya. "Hi hon, dumating ka na pala. Kamusta yung lakad mo?", tanong nito. Matipid na "ok lang", ang sagot ko. Marahan akong umupo sa gilid ng kama, "Can we talk?", seryosong sabi ko rito. Tinapunan naman niya ako ng maintrigang tingin dahil bahagya pang kumunot ang noo nito "ano yun?", sagot niya. 

"Henry, ayoko na...ayoko na nitong relasyon natin...palayain mo na ako... Nagmamakaawa ako sa iyo... Maghiwalay na tayo", lakas loob kong sinabi rito. 

"Bakit? Seryoso ka na ba talaga sa kabit mo", sagot niya na akala naman niya ay nagbibiro ako. "Henry para din sa ikakabuti natin ito. There is no point to stay in a relationship na hindi naman talaga nag-woworkout. Pareho lang tayo nasasaktan at masasaktan. Kahit anong pilit natin hindi na natin ito maayos. Nagsasama lang tayo dahil sa papel. Alam mo yan Henry, wala talaga akong feelings kahit katiting para sa iyo. Sinasayang mo lang din yung oras mo sa akin...pwede mo naman din seryosohin yung mga babae mo. For sure meron isa sa kanila na mamahalin ka ng sobra-sobra. Yung aalagaan ka at pagsisilbihan sa paraan na gusto mo na hindi ko magagawa para sa iyo..", tugon ko. 

"Pareho lang naman tayo Henry, may kabit ako ganun ka rin. Ako, for all these years ngayon lang ako nagtaksil sa iyo...naging tapat ako sa iyo alam mo yan...pero ikaw, mula noon meron ka rin naman mga babae. Kaya huwag mo naman palabasin na ako lang ang may kasalanan dito."

Hindi ito kumibo ng ilang minuto bago bumuntong hininga, "ang swerte naman ng babae mo. All these years akala ko mababago kita. Babae pa rin pala ang gusto mo".

 "Henry, hindi natuturuan ang puso kung kanino ito kusang pipintig....kusa itong nararamdaman...hindi ito isang bagay na pwedeng ipilit...", tugon ko rito ngunit hindi na sumagot. 

"Please Henry pakawalan mo na ako, kahit kelan you will never have my heart kaya mag-isip-isip ka rin, you deserve to be happy din di ba?", habol ko rito.

REALITY

Laking pasasalamat ko at dumating on time ang mga kaibigan ni Mia ng sandaling nandoon si Henry. Kaya nung dumating ako sa unit niya ay agad akong niyakap ni Lily at ni Lemuel. Napansin ko rin na tila namamaga ang kamao ni Lemuel, nang ito ay aking tanungin ay gawa pala ng sunod-sunod na pagsuntok niya kay Henry dahil may ginagawa itong hindi maganda kay Mia. Nanlumo ako sa nalaman ko. Mia doesn't deserve to be treated that way.

Agad akong pumunta sa kwarto at inintay na matapos maligo si Mia. Agad ko naman ininspeksiyon ang kanyang katawan para malaman kung ano ang ginawa ni Henry sa kanya and thank God, wala naman ni isang pasa. Hindi ko napigilan ang aking emosyon na nagtulak para angkinin siya. Mahal na mahal ko si Mia at hindi ako makakapayag na may gawing hindi maganda si Henry sa kanya.

Hindi ako umuwi magdamag, nanatili lang ako sa tabi ni Mia gayun din ang mga kaibigan niya. Hindi rin daw umuwi sa bahay si Henry ayon kay Margaret. Malamang umiiwas ito dahil sa nagawa niyang kasalanan kay Mia kanina.

 Kahit alam kong apektado si Mia ay pilit pa niya itong tinatago. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot at pag-aalala pero ganun pa man pinipilit pa rin niya itong pinaglalabanan habang patuloy lang siya sa patulong kila Lemuel at Lily sa pag-gawa ng proyekto nila. Nakaback-hug lang ako sa kanya habang ginagawa niya yung task niya. 

 "Tita, tutulong po ako. Kung kailangan po ninyo ng testigo maasahan po ninyo kami", sabi ni Lemuel. Napag-alaman ko na galing pala siya sa pamilya ng mga politiko kaya hindi siya natatakot kay Henry. 


The Secret Affair of Mrs. Enriquez (GXG)Where stories live. Discover now