The Graduate

920 39 0
                                    

Mia

Hindi ako makapaniwala, thank you Lord at natupad na rin ang matagal ko ng pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Pero ang bukod tangi ko talagang pinagpapasalamat ay ang nakilala ko si Jessica. Siya yung naging daan para makapag bagong buhay ako at matupad ko ang pangarap ko. Kung hindi ko siya nakilala noon sa club baka nandoon pa rin ako ngayon sumasayaw. Laking pasasalamat ko talaga dahil nagbunga ang lahat ng paghihirap ko sa buhay. 

Ngayon na graduate na ako at malapit ng mawalang bisa ang kasal ni Jessica ay maisasakatuparan na namim ang matagal na naming plano na magsasama sa iisang bubong at eventually magpakasal. Konting tiis na lang, pagpumasa na ako ng board at lumabas na yung result ng annulment nila, wala ng makakapigil pa sa amin. Hindi ko na maintay yung oras na iyon, excited na akong makita siya araw-araw pag gising ko at pagsilbihan siya gaya ng ginagawa ng isang mapagmahal na housewife. Naiimagine ko pa lang ito kinikilig na ako. Excited na kaya ako maging official wife niya. Kaya magpa-practice na ako magluto ng masarap para hindi panay prito ang kakainin namin. Sabi rin niya na bubukod kami ng bahay tutal malalaki na yung mga anak niya at time na rin para maging independent sila. Pabor ako roon para hindi ko na makita si Miguel, hanggang ngayon kasi ayaw pa rin akong tigilan. Kahit alam na niya na may relasyon kami ng mama niya patuloy parin sa pangungulit sa akin. Kahit si Jessica ay sinasagot na rin niya. Bastos na anak.

Sa susunod na linggo ay mag-eenroll na ako sa review center para sa CPA board exam. Sabi ni Jessica mag focus na lang daw muna ako sa review para maging maganda yung score ko sa exam, dapat daw nasa top 10 ako kaya na pre-pressure tuloy ako. May gift daw siyang ibibigay pag nagtop ako plus duon na muna ako magtratrabaho sa kumpanya niya bilang isa sa mga accountant nila para lagi kaming magkasama at para na rin mabantayan ko siya. Ang sarap siguro ng ganun, yung tipong sabay kami matutulog, gigising, papasok, mag-lulunch tapos sabay uuwi...hay...sana magkatotoo na. Pati din daw si Lily kukunin niya sa opisina para hindi na mahirapan maghanap pa ng ibang work at para may bff ako duon na kasama, tutal mataas din naman yung pasahod nila at kilala rin yung kumpanya niya. Pinahinto na rin niya ako sa part-time ko at siya na daw bahala sa lahat hangang matapos ang board exam. Napakaswerte ko talaga sa kanya. Wala ng papantay sa kabaitan niya at pagiging sobrang maalaga sa akin kaya hindi ko hahayaan na may aaligid sa kanya na iba. Baka mabalatan ko buhay yung lalandi sa kanya.

Andito rin ngayon sa Baguio sina inay at itay kasama si kuya at ang pamilya niya, umattend sila sa graduation ko. Tama si Jessica, proud na proud sa akin yung pamilya ko lalo ni si itay. Nagulat nga sila nung nakita kung saan ako nakatira at kung saang university ako nag-aral. Pati si kuya naiingit sa mga gamit ko. Nakilala na rin nila si Jessica yun nga lang hindi pa ito tanggap ni inay. Siyempre pina-attend ko si Jessica sa graduation ko, at pinasalamatan siya sa speech although hindi ko sinabi yung pangalan niya, Summa cum laude lang naman ako kaya proud na proud sa akin si Jessica. Nahihiya nga ako kay Jessica dahil hindi naging ganun kaganda yung trato ni inay sa kaniya nung nag-uusap sila sa resto after ng graduation buti na lang maunaawain ito sobra.

Naiinis pa ako lalo kila inay dahil gusto na nila akong isama pabalik ng Manila dahil tapos naman na daw ako at wala ng rason para manatili dito. Mag-apply na lang daw ako papuntang abroad. Tutal ginagamit naman daw ako ni Jessica kaya bayad na ako sa mga nagastos niya sa akin which I strongly disagree. Nakalimutan yata nila na hindi na ako prosti... oo ginagamit ako kasi yun din ang gusto. Pag love mo ang tao siyempre may lust. I satisfy her as she satisfies my sexual needs. Ewan ba, adik na ako sa kanya, yung tipong hinahanap-hanap din siya ng katawan ko. Kaya kahit ba itakwil nila ako hindi ko iiwan si Jessica. Mahal na mahal ko siya sobra. Nagiging possessive na nga ako lately yung tipong kahit sino na lang pinagseselosan ko na. At saka yun nga lang na isang araw na hindi niya ako puntahan ay magdamag ko itong iniiyakan what more yung hihiwalayan ko pa siya. Alam kong weird pero ganun eh.. ngayon ko lang naisip na sobra pala ako magmahal. Minsan nga natatakot na ako, kasi yung thought pa lang namawawala siya ay umiiyak na ako what more kung totoo pa.  Sa dami ba naman ng pinagdaanan namin diba? Kaya ano man mangyari ipaglalaban ko siya, kahit ikamatay ko pa. 

The Secret Affair of Mrs. Enriquez (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon