Pain

1K 38 0
                                    

Mia

beeping sound...

beeping sound...

Nakapikit ang aking mga mata habang nakahiga ako sa operating table. Napaka-ingay ng paligid...iba't-ibang boses ang mga nagsasalita. Hindi ko maintidihan ang sinasabi nila. Sinabayan pa ito ng  iba't-ibang tunog mula sa mga aparatus, nakakabingi.

toot...toot..toot.. tooot-toot...tooot-toot...tooooooot...

"I'm sorry. We already did our best", sabi ng doktor.

Gusto kong humagulgol, gusto kong tumayo, gusto kong sumigaw at magwala pero hindi ko magawa. Hindi ko maikilos ang katawan ko dahil sa tinurok sa akin na pangpakalma at anestisya. Kahit man lang ang aking mga ulo ay hindi ko maiangat. Wala akong magawa tanging ang isip ko lang ang gumagana.

"Diyos ko, ito na ba ang parusa ninyo? Sobra ba akong naging makasalanan? Kasalanan po ba ang magmahal? Bakit kailangan pa itong mangyari sa akin...sa amin..", bulong ko sa isipan.

Parang dinudurog ng pinong-pino ang aking puso sa habag at pagsisisi habang hindi maalis sa aking isipan kung ano ang nangyari kanina na dahilan kung bakit andito kami ni Jessica sa sitwasyon na ito. Ipinikit ko ang aking mga mata habang inaalala ang mga huling sandali na kasama si Jessica.

FLASHBACK

Ilang araw na rin ang lumipas mula ng nagdesisyon siya na tapusin na namin ang aming ugnayan. Mula noon iniiwasan na niya ako. Since tapos na yung exam ko, maghapon lang ako sa bahay kasama si Manang Nena. Although sabay-sabay kami kumakain sa umaga, sa gabi naman ay bihira. Kadalasan gabi na sila umuuwi ni Ysa at hindi na sila kumakain. Diretso na sila agad sa kwarto.

Oo nagseselos pa rin ako sobra, parang pinamumukha niya talaga sa akin na pinapangatawanan niya yung pagtapos niya sa relasyon namin. Ang nakakainis pa mukhang talagang nagkakamabutihan na sila ni Ysa. Sumosobra na si Ysa sa pagiging protective, nakakaimbiyerna na talaga. Ilang araw na akong humahanap ng tiyempo na makausap si Jessica ng personal pero hindi ako makalusot. Sa totoo lang the more siya lumalayo siya, the more ako nanababik sa kanya. Kahit man  lang sulyap hindi niya magawa, as in araw-araw siyang poker face sa akin.

Kahit man lang saglit gusto ko siyang makausap at mahawakan, hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa na ganito ang sitwasyon namin. Nagtatakang maaga naman sila dumating ni Ysa ngunit hindi sila sumabay sa amin maghapunan. Bagkus nagluto si Ysa ng sopas at nagdala ng pagkain sa kanilang kwarto.

Ysa replaced Henry on his side of bed kaya lalo akong naiinis. Ako dapat ang nandoon...ako dapat ang kapalit ni Henry at hindi siya. Nakakaselos diba?

Napag-alaman ko kay manang Nena na may sakit pala si Jessica dahil naghahanap si Ysa ng mga gamot. Mas lalo ako nag alala at nanabik na malapitan siya. Ako dapat ang nag aalaga sa kanya at hindi yung babae niya. Ako lang dapat ang may karapatan  na magsilbi sa kanya.

Laking tuwa ko ng marinig na lumabas si Ysa sa kwarto nila at nagpaalam kay manang Nena. Nagbilin pa ito na silip-silipin si Jessica dahil nilalagnat daw ito.

Nagtataka man na  bakit kung kailan ito may sakit si Jessica ay duon naman siya aalis. Pero sa isang banda pagkakataon ko na ito na malapitan siya.

Mamaya kapag tulog na ang lahat saka ko siya pupuntahan. Nahiga muna ako habang iniintay yung tamang oras na puntahan siya. Hindi ako mapakali sa kakaisip kung kamusta na siya ngayon sabi kasi ni manang mataas pa rin yung lagnat niya.

"Good night hon", wika ni Miguel sabay biglang halik sa aking mga labi. Nagulat ako bigla at sa hindi sinasadya naitulak ko siya ng malakas. Napamura din ako sa inis.

The Secret Affair of Mrs. Enriquez (GXG)Where stories live. Discover now