Past and Present

1.1K 37 6
                                    

Mia

"Bonfire party? Bakit dito sa dulo ng seaside ate? Wala naman naka post na event ngayon ah", nagtatakang tanong ko kay ate Pearl.

Paano wala naman naka post sa events calendar dito sa Littlehampton tapos ang layo pa ng venue sa pinakadulo pa, nakakatakot kaya pumunta duon dahil hindi naman puntahin ng tao sa bahaging yuon. Mamaya baka may mga lasing duon na gago tapos mabastos pa kami.

"Private party yan ng kaibigan ni kuya mo", sagot nito. Nagtataka man sumunod na lang ako. Nakakailang din kasing lumakad sa buhanginan paano pinagsuot ako nito ng summer dress at sandals eh pwede naman mag pantalon o shorts na lang since summer naman ngayon.

Sabagay siya rin naman ay naka summer dress din so parang twining tuloy kami.

Hayss! si ate Pearl talaga kung hindi nga lang importante itong tao na ito sa akin hindi talaga ako sasama. Ang layo ng lalakarin tapos ang dilim, duon lang mismo sa party yung may liwanag ng konti na mukhang galing pa ito sa mataas na bonfire.

Nang malapit na kami makarating sa mismong party may biglang sumulpot sa aming likuran.

"Mia, can we talk?", sabi ng boses na labis kong kinaiinisan.

Hindi ko alam kung ano ang magiging tugon ko. Bakit kasi hindi ko naisip na baka pumunta rin sila sa party na ito. Kaibigan nga pala ni kuya Kenneth si Jessica kaya possible na andito rin sila.

Sana hindi na lang talaga ako sumama. May pa-talk-talk pang nalalaman itong babaeng ito eh ipapamukha lang naman niya sa akin na sa kanya na si Jessica. Nakakainis. Ang sarap sapakin.

Masama man sa loob ko pero tumango na lang ako. Tutal last naman na ito. Baka nga bukas after ng kasal nila eh umalis na rin sila agad. Maganda na rin para may closure kahit masakit sa damdamin ko titiisin ko na lang. Napakapit tuloy ako ng nahigpit sa laylayan ng aking bestida.

Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong iginiya papalayo kila ate Pearl at naglakad kami patungo sa may dagat.

"Anong sasabihin mo?", tanong ko rito na mukhang wala pang balak magsalita.

Huminto ito sa paglalakad at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"I love Jess. I love her so much Mia. Sobrang mahal na mahal ko si Jess at gagawin ko ang lahat para mapasaya siya", sabi niya habang naiiyak na.

Alam ko naman na mahal niya si Jessica noon pa man, so anong problema nito? Ikakasal na nga sila bukas nagda-drama pa. Ako nga dapat itong nag-eemote eh.

Sasagot na sana ako ng inunahan niya ako magsalita.

"I'm letting her go Mia. I love her so much that I am letting her go para makasama ka. I know and I feel that she loves you more than she loves me. Ramdam ko naman na mahal niya rin ako pero hindi kagaya ng pagmamahal niya sa iyo. Hindi kaya ng konsensiya ko na makita si Jess na nalulungkot. I can feel her pain kahit hindi niya sabihin", paliwanag nito habang umiiyak na.

"Pero ikakasal na kayo bukas diba?", tanong ko rito dahil kahit ako naguguluhan na rin. So ibig sabihin binibigay na niya sa akin si Jessica? Pero ang tanong payag ba naman si Jessica?

"No. Hindi na tuloy yung kasal namin. Nakapag-usap na kami. Kaya ipinauubaya ko na siya sa iyo. Ikaw ang totoong mahal niya. Alam mo bang palihim siyang umiiyak tuwing gabi? ", sambit nito habang patuloy pa rin sa pagluha, ganun rin ako.

"Mia, love is not about owning someone. Kung mahal natin ang isang tao, we have to consider yung feelings nila. We have to let go of that person para mapunta siya sa taong tunay na magpapasaya sa kanya. Kaya nga I'm letting her go para maging masaya siya. Sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, she deserves to be truly happy", sabi nito saka ako niyakap.

"Huwag mo siyang pababayaan Mia ha. Sa umaga ipagprepare mo siya ng kape. She loves dark coffee, 1 1/2 scoop ng arabica ang i-brew mo sa coffee maker. I teaspoon lang na sugar ayaw niya ng matamis. Huwag mo kakalimutan i-remind yung mga maintenance niyang meds, ikaw na magprepare ng iinumin niya for the day madalas kasi nakakalimutan niyang uminom. Pag may biyahe siya make sure na dala niya yung medicine kit niya. Ranch or Caesar dressing lang ang ilalagay mo sa salad niya, hindi niya kakainin pag iba. Ayaw niya ng banana ketsup kaya huwag ka bibili nun. Pag gabi huwag mo na siya papainumin ng kape. I check mo maigi yung bag niya kung may lighter o yosi, bawal na kasi sa kanya yuon o kaya amuyin mo siya lagi pag-uwi tapos pagalitan mo kung amoy yosi. Pag na s-stress kasi siya sa work na te-tempt yun magyosi. Huwag mo na rin papasamahin makipag inuman medyo humihina na yung alcohol tolerance niya. Need niya ng physical activity kaya pag weekends ayain mo mag walking, jogging or biking kunwari ikaw ang may gusto, huwag mo sasabihin na para sa kanya yuon kasi tamad yun mag exercise. Huwag din masyado sa meat, maalat at mamantika dahil mataas yung blood pressure niya. Huwag mo kakalimutan yun ha! Mag-aral ka na rin magluto, ayaw niya kasi ng paulit-ulit na ulam..", sabi nito na humahagulgol na, ganun na rin ako.

"Mia, hihingi ako sa iyo ng pabor, please... huwag mo sanang ipagkait sa akin si Jess. Yung relasyon lang namin ang sinusuko ko pero hindi yung friendship namin. I promised her na hindi pa rin ako mawawala sa buhay niya. Pero makakaasa ka na hindi ko siya aagawin sa iyo. Sa iyo na siya Mia. I already accepted my defeat. Ikaw na ang bahala sa kanya. Pero just to remind you that I will be just around", sambit nito.

"Salamat Ysa. Salamat ng marami. Kung alam mo lang kung gaano ko kamahal si Jessica. Makakaasa ka na hindi ko siya pababayaan. Aalagaan ko siya at mas lalo pang mamahalin hindi ko hahayaan mapunta sa wala itong chance na ito. Thank you for letting her go ang swerte ni Jessica to have someone like you..", sambit ko habang humihikbi. Sa totoo lang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Masaya ako sobra pero I can feel Ysa's pain too.

"Salamat din Ysa sa pag-aalaga sa kanya sa mga panahon na wala ako sa tabi niya. Salamat at sinamahan mo siya na labanan lahat ng pagsubok na dumating sa buhay niya. Salamat dahil tinulungan mo siyang makabangon muli, kung hindi dahil sa iyo hindi siya mabubuong muli. Thank you, I owe you Ysa, tatanawin ko itong utang na loob sa iyo habang buhay", sagot ko rito habang walang tigil ang aking luha sa pagtulo.

"Friends?", sabi ko rito sabay lahad ng aking mga palad. Tinugunan man niya iyon sabay ngiti sa akin.

"Promise, pipilitin ko na hindi na magselos sa iyo", sabay taas ng aking kanang kamay na parang nanunumpa habang pareho kaming natatawa.

"Ready ka na?", tanong nito. Sabay hila sa akin palapit sa bonfire party.

The Secret Affair of Mrs. Enriquez (GXG)Where stories live. Discover now