Chapter 2

80 6 3
                                    

Josh's POV

"Ma, ayoko nga eh! Mas gusto kong focus ako dito sa trabaho ko and I already have a girlfriend so please stop! Ayoko pa magpakasal! Wag niyo naman akong pilitin sa hindi ko naman gusto. I have my own life and if gusto niyong matuloy yang kasal na yan kayo magpakasal!" Mahabang litanya ko sa kabilang linya. Umalingawngaw ang boses ko sa buong room and my friends became silent.

Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko bago humarap sa kanila. Pablo tapped my shoulders bago pumuntang kusina nitong studio namin.

Araw araw ganito eksena ko sa nanay ko. Araw araw den akong pinipilit na makipagkita sa anak ng kaibigan niya and told me na subukan ko lang daw. Like wth?! All my life siya ang sinusunod ko and now she's still expecting me na susunod pa ren? She keeps controling me what my life could be. Argh!

"Josh," tawag saken ni Stell at umupo sa tabi ko.

"Hmm?" I answered.

"Kelan ka pa nagkagirlfriend?" Tanong niya saken.

"Kahapon lang. Naghanap ako para matigil na tong nanay ko. I just want someone to pretend as my girlfriend. Alam niyo namang mas focus ako sa career natin diba? Besides, I still don't want to have responsibilities," sagot ko. Kaming dalawa lang dito ngayon since nasa kusina si Pablo. On the way pa si Jah and always late naman talaga yang si Ken.

Tumango lang ang isinagot saken ni Stell at di na nagsalita ulit. Pareho kaming nagcecellphone ngayon.

Minutes passed at dumating na sila Jah and Ken. Nagkulitan lang kami sandali to lift my mood up. Sila talaga ang nagpapasaya saken everytime may problema ako or wala ako sa mood.

May interview kami ngayon at sineset up na ng staffs namin yung mga gamit and anything. 2pm na at 3pm yung interview namin with some TV hosts. Inaayusan na din kami. I'm done now at tahimik lang ako dito sa tabi thinking kung paano patatahimikin yung nanay ko.

"Josh, are you okay?" Sir Charles asked me. Napansin niya atang sobra akong tahimik ngayon.

"Yes sir. I'm okay. I'm just thinking about something but I think I can handle it," sagot ko sa kanya. Bigla siyang naupo sa tabi ko and starts talking to me.

"Do you think you can do it just for a month? I have witnessed lot of stories that starts with fake relationships that turns into reality. So I guess I'll be witnessing yours too," sabi niya at napatahimik naman ako.

Makakaya ko kayang hindi mahulog kay Hazel? Isang buwan ay mahaba na den. She's pretty, attractive and unique. I can say that she's also every guy's dream. She have a lot of characteristics na di mo aakalaing ganun pala siya.

Time runs so fast at pauwi na ako ngayon. Nasa elevator na ako paakyat sa unit ko. 7pm na den at day off na ren namin bukas kaya makakapagpahinga na ren ako sa wakas!

Pagpasok ko pa lang ay amoy na amoy ko na ang adobo na galing sa kusina. Si Hazel, she's wearing a brown apron na may print ng mga mukha namin. Bigay yan ng isang fan last month at yan palagi ang gamit ni Stell tuwing siya ang nagluluto dito. Cute daw kase.

A Month With A Gamer (SB19 SERIES #2)Where stories live. Discover now