Chapter 3

77 5 0
                                    

Pablo's POV

We are now on our way to Josh's place. Chinat yun kagabi ni Ken. Pinakatamad yun magchat sa GC namin.

"Nakilala ko na actually yung girlfriend ni Josh," biglang saad ni Justin habang di naalis ang tingin sa daan.

"Kelan?" Tanong ko.

"Nung stream niya nung isang araw. Nakita ko siyang dumaan sa likod ni Josh," sagot niya at iniliko na ito sa parking lot ng building.

"Kaya pala sabog na sabog yung twitter tapos nagtrending pa agad that night!" Sabat ni Stell at binuksan ang pinto para makalabas ng sasakyan.

Sabi ni Ken ay andun daw siya sa kay Josh natulog. Bored na naman yun sa bahay niya kaya nakikitulog sa ibang bahay. Iba namn talaga amats ng isang Ken Suson 'no?

Pagkarating namin sa harap ng pinto ay agad kaming kumatok. Bumungad samin ang isang babae na may hawak na walis. Sino 'to? Ito na ba yung girlfriend ni Josh?

"Uh.. Hello po, sino po sila?" Tanong niya na may pagtataka sa mukha. She's beautiful!

"We are Josh's friends. Andyan ba siya?" Sagot ni Justin na nakangiti. Mahilig talaga to ngumiti.

"Ahh ganun ba?" Dahan dahan siyang tumango at binuksan ng tuluyan ang pinto. "Gigisingin ko lang si Josh, maupo muna kayo dun," dagdag niya at dumiretso agad sa kwarto ni Josh.

"Love, nasa sala mga kaibigan mo," katok niya sa pinto at maya maya pa ay pumuntang kusina.

Kasabay ng paglabas ni Josh ay ang paglapag den ng girlfriend niya ng juice na maiinom namin.

"Yown! Ang sweet!" Rinig kong sigawan nila Stell at Justin habang ako ay umiinom ng juice. Natutuyo ang lalamunan ko.

"Si Ken andun sa kwarto, tulog mantika!" Saad ni Josh at dumiretso sa kusina at pagbalik niya ay may bitbit na siyang kape.

Biglang may tumalon sa gilid ko at halos humagis ako pataas sa gulat. Hanep na Ken to. Sabi sa inyo iba amats nito eh.

"Morning," mahinang saad niya at medyo naggogrowl pa yung boses niya.

"Guys this is Hazel, my girlfriend. And Hazel, this is my friends, Stell, Pablo, Ken, yung andito kagabi then si Justin yung kasama ko sa stream last night," saad ni Josh at si Hazel naman ay nakangiting nakatingin sa amin.

"Hi! Nice to meet you guys!" Saad niya. She's beautiful when she smiles.

Masaya kausap si Hazel. Madaldal at halos di nawawalan ng topic. Super natural ng mga kilos niya at hindi mo masasabing plastik.

A Month With A Gamer (SB19 SERIES #2)Where stories live. Discover now